MELIZE
Pagdating namin sa bar ni Kuya Harvey 'di parin ako maka-get over sa nangyari kanina. Ang mukha kasi ni Kuya Paul hindi ma-ipinta. Hahaha. Sabagay kung titigan man rin ako ni beast ng ganun matatakot rin ako. Iba kasi tumitig si Carol eh. Para ka niyang lalamunin ng buhay. Hahaha. LOL.
"Beast akyat na tayo." Aya ko kay Carol. Nasa itaas kasi ang office ni kuya.
"Ah ganun. So hindi mo kami yayayain?" Tanung ni Kuya Frans.
"Baka excuse niyo lang na may sasabihin si Harvey para free ride kayo." Sabi naman ni Kuya Paul.
"'Wag nga kayong umarte dyan 'di pa naman bagay sa inyo. Use your 'commonsense' nga kung meron man kayo nun." Sabi ni Carol sa dalawa.
"Pre ginalit mo na naman si Carol." Pag-aakusa ni Kuya Frans kay Kuya Paul. Mukha ni Kuya Paul hindi na naman ma-ipinta at namumutla pa. Hahaha."A-a-anong a-ko. Gago ka Frans." Na-uutal na sabi ni Kuya Paul. Hinabol ni Kuya Paul si Kuya Frans kasi biglang tumakbo si Kuya Frans sa itaas.
"Beastmode ka na naman dyan beast. Hahaha." Sabi ko kay Carol.
"Tumigil ka nga sa kakatawa mo. Mamaya puputok na kana nyan dahil puno na ng hangin yang tyan mo." Sabi ni Carol sa'kin kaya tumahimik na ako.
"Ito namang si beast hindi mabiro. Tara akyat na tayo." Sabi ko at hinila na siya sa hagdan.
CAROL
Loko talaga 'tong mga kaibigan ko. Pagbukas ko ng pinto nakita kong naka-upo si Kuya Harvey sa mesa niya at may kausap. Apat na nakaharap sa kanya bale likuran ng mga kausap ni Kuya Harvey ang nasa harapan namin ni Melize. Sina Kuya Paul at Kuya Frans ayun naghahabulan. Parang familiar ang mga apat na 'to ah.
"Pwede ba kayong dalawang gurang umupo kayo dyan sa tabi?!?! Maliit na nga ang pesto naghahabulan pa kayo dyan na para bang walang katao-tao itong kwartong 'to!!!" Sigaw ko dun sa dalawa.
"Chill ka nga Carol. Kanina ka pa beastmode." Sabi ni Kuya Frans.
"O-oo nga Carol." Pagsasang-ayon ni Kuya Paul. Kanina ko pa 'to napapansin, simula nung dumating kami dito sa bar ni Kuya Harvey nauutal na si Kuya Paul.
"Psssh. Nga pala Kuya Paul. Kanina ko pa napapansin, simula ng dumating tayo dito sa bar na-uutal ka na sumagot." Sabi ko.
"Hahaha. Napansin mo rin pala beast?" Tanong ni Melize sa'kin having tumatawa.
"Hahaha. Kasi Carol natatakot siya sayo. Hahaha." Sabi naman ni Kuya Frans.
"Bakit ka naman natatakot sa'kin kuya??" Tanong ko kay Kuya Paul.
"Kung makatitig ka kasi para kang kakain ka nang tao dagdag mo pa ang bossy tone mo. Sinong hindi matatakot sayo nun??" Sabi niya.
"Hindi ka pa na sana sa ganito talaga ako tumitig? Grabe, for 1 year and 4 months nating pagsasama hindi ka parin sabay sa mabangis kong titig?" Tanong ko kay Kuya Paul.
"Okay guys, that's enough. Ikaw naman kasi Paul alam mo na nga na madaling ma-inis 'tong si Carol eh iniinis mo pa." Panenermon ni Kuya Harvey kay Kuya Paul.
"At ikaw naman Carol...." Sabi niya ng pabitin.
"-__-" Tanging reaction ko sa kanya.
"Wala lang. Hehe." Sabi ni Kuya Harvey.
"Ano ba kasi sasabihin mo kuya?" Iritadong tanong ko sa kanya. Bago niya sinagot ang tanong ko sa kanya ay naglakad muna siya pabalik dun sa apat na hanggang ngayon ay hindi parin humaharap sa'min. Pamysterious effect pa 'tong mga 'to.
"Saglit nga lang Carol. Kahit kailan talaga napakamainipin mo." Sabi sa'kin ni Kuya Harvey.
"Melize and Carol, I want you to meet Miggy, Kurt, Flint and Ethan. Makakasama niyo sila sa TTh schedule niyo. They still studying in Hanford University. Same year niyo girls. Napakilala ko na sila kanina kina Paul at Frans. " Sabi ni Kuya Harvey.
No, it can't be. Kung kailan ayaw ko na syang makita pa dun pa siya nagpakita at ang mas nakaka-inis pa dun ay makakasama pa namin siya sa mga gig's namin. $#!+. Badtrip. Maka-uwi na nga.
"Okay." Tanging sabi sabi ko.
"Guys una na ako. Kita nalang tayo sa mahal niyo maya beast." Sabi ko.
"Teka beast. Anong gagawin natin sa bahay mamaya?" Takang tanong ni Melize.
"Practice. Set natin bukas, diba?" Sabi ko.
"Oo nga pala." Sabay na sabi nung tatlo (Melize, Kuya Paul at Kuya Frans).
"Geh kitakits maya. Bye." Sabi ko sa kanila at lumabas na ng office ni Kuya Harvey.
——————————————————————————
A/N: Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Paki vote na din po thank you and God bless you all. ^_^
BINABASA MO ANG
DESSERT
RandomAkala ko iba siya sa mga lalakeng mapanakit nang damdamin ng mga babae, pero akala ko lang yun dahil wala siyang pinagkaiba sa mga lalakeng mahilig paglaruan ang damdamin ng mga babae. I can't believe na dahil lang sa dessert ay nakilala ko siya at...