CAROL
Nagising ako sa alarm na isinet ko kagabi. After kong ihatid nila Kuya Paul at Kuya Frans dito sa bahay naligo lang ako at natulog na. Pinatay ko na ang alarm ko , ingay ingay kasi. Since maaga pa bumaba muna ako at kakain ng breakfast. Paglate kasi ako ng gising inuuna kong maligo bago kumain. Gusto ko patumagal dito sa mesa kasi masarap ang ulam kaso matagal akong maligo eh, kaya umakyat na ako sa kwarto.
After 40 minutes tapos na akong maligo. Nagsuot na ako ng fitted jeans na color white and loose shirt na plain black then black and white na wedge shoes naglagay narin ako ng konting cream sa face ko and maroon na lipstick pero light lang inapply ko. And now I'm ready to go. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na sa sala magpapaalam sana ako kay Kuya Carlo kaso saba ni Manang Tessie umalis na daw si kuya kaya pumunta nalang ako sa garage at sumakay sa front seat ng sasakyan na niregalo nina mom and dad nang grumaduate ako nang high school pero hindi pa ako allowed magdrive kaya si Kuya Fred ang nagmamaneho sa sasakyan ko papuntang school. Kuya tawag ko sa kanya kasi bata pa naman siya. Maaga nga lang nag-asawa, siya narin ang driver k nung nasa grade school palang ako. Super bait ni Kuya Fred as in, parang second kuya ko na nga siya eh.
"Kuya Fred pwede mo ba ipasok ang sasakyan sa campus? Nakalimutan ko po kasi ang I.D ko sa bahay." Sabi ko kay Kuya Fred.
"Sure princess." Sabi niya at ngumiti. Natawa naman ako dun, princess kasi ang gusto kong itawag sa'kin nung bata pa ako.
"Carol na nga lang po Kuya Fred, hindi na po kasi ako bata." Sabi ko at napakamot na batok ko.
"Hahaha. Sige na nga Carol. Pero little princess ka parin namin, always remember that. Okay?"
"Oo na po Kuya Fred. Thanks sa pag Kuya. Text ko nalang po kayo mamaya kung magpapasundo po ako."
"Sige pri---. Oopps, Carol pala. Haha."
"Kuya Fred talaga. Geh labas na po ako ingat po sa pagmamaneho kuya. Bye. Lablab."
"Hahaha. Oo, aalagan ko 'tong mahal mong si Crussie. Ingat ka rin dyan princess, lablab din." Sabi ni Kuya Fred at umalis na.
Naglalakad ako ngayon papuntang library, dun muna ako since wala naman akong class ngayon. Mamaya pa naman pasok ko eh sinadya ko talagang maaga ako pumunta dito kasi boring sa bahay. Si Melize, may pasok siya this morning kaya hindi ko siya makakasama. Sa afternoon lang kami magkaklase ni Melize sa dalawang major subjects namin.
Time check 10:45, nakakagutom palang magbasa ng notes at libro makapunta na nga sa cafeteria. 2 hours din pala ako dito sa library. 11:30-12:30 ang klase ko ngayon siguro hindi na ako magmemeryenda kakain nalang ako ng lunch. Late ko na napansin na kanina pa ang break time. Naaliw na ata ako sa kakabasa at tambay dun sa library, bukod sa tahimik na malamig pa.
Pagkalabas ko sa library tinext ko agad si Melize kung may vacant ba siya ngayon para sabay na kaming dalawa maglunch.
To: M👹
Beast, may bakante ka?'Di naman ako ganun katagal naghintay sa reply niya dahil mabilis naman yun magreply eh.
From: M👹
Yup. Sabay tayo?To: M👹
Yes. Meet me at the right door of the cafeteria.From: M👹
Roger beast. Hehe 😁Napangiti nalang ako sa reply niya. Lokaret talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan. Hindi naman ako natagalan sa pagdating dun sa cafeteria kasi malapit lang naman ang library sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
DESSERT
RandomAkala ko iba siya sa mga lalakeng mapanakit nang damdamin ng mga babae, pero akala ko lang yun dahil wala siyang pinagkaiba sa mga lalakeng mahilig paglaruan ang damdamin ng mga babae. I can't believe na dahil lang sa dessert ay nakilala ko siya at...