Chapter IV

5 1 0
                                    


ETHAN

Pagkaupong pagkaupo namin ay may biglang bumukas sa pinto nang office ni Harvey at may narinig kaming dalawang boses ng babae na nag-uusap. Nagulat pa nga kami ng biglang sumigaw ang isa sa kanila

"Pwede ba kayong dalawang gurang umupo kayo dyan sa tabi?!?! Maliit na nga ang pwesto naghahabulan pa kayo dyan na para bang walang katao-tao itong kwartong 'to." Sigaw nang isang babae dun sa dalawa na kanina pa naghahabulan. Pamilyar ang kanyang boses.

"Tol parang si...." Hindi na na tapos ni Miggy ang sinasabi niya dahil biglang nagsalita si Frans.

"Chill ka nga Carol. Kanina ka pa beastmood." Sabi ni Frans.

"O-oo nga Carol." Na-uutal na sabi ni Paul kay Carol. Natatakot ata sa kanya.

"Psssh. Nga pala Kuya Paul, kanina ko pa napapansin na simula nung dumating tayo dito sa bar na-uutal ka na sumagot."  Sabi ni Carol kay Paul. Na-uutal nga siyang sumagot pero kay Carol lang. May gusto ba 'to kay Carol?

"Hahaha. Napansin mo rin pala beast?" Natatawang tanong nung babaeng kasabay ni Carol na pumasok.

"Natatakot kasi siya sayo Carol. Hahaha." Sabi naman ni Frans na hanggang ngayon hindi parin tumitigil sa pag tawa.

"Bakit ka naman natatakot sa'kin Kuya Paul?" Tanong ni Carol kay Paul.

"Kung makatitig ka kasi para kang kakain ng tao dagdag mo pa ang bossy tone mo. Sinong hindi matatakot nun??" Sabi ni Paul kay Carol.

"Hindi ka pa ba sanay na ganito talaga ako tumitig? Grabe, for 1 year and 4 months nating pagsasama hindi ka parin sanay sa mabangis kong titig?" Tanong naman ni Carol.

"Okay guys, that's enough. Ikaw naman kasi Paul alam mo na nga na madaling ma-inis 'tong si Carol eh iniinis mo pa." Sabi ni Harvey.

"At ikaw naman Carol...." Tumingin sa Harvey kay Carol. Hindi ko alam kung ba't biglang napatahimik si Harvey at nagsalita ulit na parang kinakabahan.

"Wala lang. Hehe." Sabi ni Harvey.

"Ano ba kasi sasabihin mo kuya?" Iritang tanong ni Carol kay Harvey na naglalakad pa balik sa aming apat. Hindi parin kami humaharap kina Carol.

"Saglit nga lang Carol. Kahit kailan talaga napakamainipin mo." Sabi ni Harvey sa kanya.

"Guys, I want you to meet Miggy, Kurt, Flint and Ethan. Makakasama niyo sila in your TTh schedule. They still studying in Hanford University. Same year niyo lang girls, napakilala ko na sila kina Paul at Frans."

Humarap kaming apat sa kanila. Halata sa mukha ni Carol ang pagkagulat at parang galit na galit. Expected ko na talaga na ganyan ang magiging reaksyon niya pag nagkita kami.

"Okay" Tanging sabi ni Carol. Nagsalita siya ulit.

"Guys una na ako. Kita nalang tayo sa bahay niyo maya beast."

"Teka beast. Anong gagawin natin sa bahay maya?" Takang tanong ng kaibigan niyang babae.

"Practice. Set natin bukas, diba?" Sabi ni Carol.

"Oo nga pala." Sabay sabay na sabi nung tatlo.

"Geh kita kits maya. Bye." Sabi ni Carol sa'min at lumabas na nang office ni Harvey.

Paano ko siya makaka-usap ng maayos kung umiiwas siya sa'kin? Tsk. Huwag niyo ng tanungin kung paano ko nalaman na umiiwas siya kasi halata masyado sa kanya.

———————————————————————————

A/N: Ano kaya meron sa kanila ni Ethan at Carol bakit galit at iniiwasan ni Carol si Ethan at Bakit gusto maka-usap ni Ethan si Carol?? Hmmm....Alamin natin sa susunod na chapter.

Please vote and comment naman din po kayo dyan. Night2 guys. God bless you 😊😇😊

DESSERTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon