Chapter V

2 0 0
                                    

CAROL

Pagdating ko sa bahay umakyat agad ako sa kwarto ko at naligo. Bakit ngayon, bakit ngayon pa? Oo masaya ako nung nakita ko siya pero hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Ang saklap ng ginawa niya sa'kin. Tatanong niyo kung kilala niyo ba siya? Kilala niyo ata. Siya lang naman si EJ Alcantara, full name? Ethan Jhay Alcantara. Description ko sa kanya ay 4P's. Player, playboy, pa-fall at paasa. Pero kahit na ganun siya mahal ko parin siya. Shit! Kanina parang gusto ko siyang yakapin pero nung naalala ko ang ginawa niya sa'kin parang mas gusto ko siyang suntukin. Tsk tsk.

(FLASHBACK)

"EJ, comfort room muna ako ha." Paalam ko kay Ethan. Dito kami sa starbucks nagyon. Dito na kasi tambayan namin after ng summer guitar class namin. Kakatapos lang namin magmeryenda.

"Sige ingat ka ha. Pag may kuma-usap sayong lalaki at 'di mo kilala 'wag mong pansinin o 'di kaya sabihan mong kasama mo boyfriend mo." Sabi nya sa'kin at kinindatan ako.

"Boyfriend ka dyan? 'Di pa nga kita sinasagot eh at isa dyan lang ang cr oh." Sabi ko sa kanya at tinuro ang direksyon ng comfort room.

"Alam ko na hindi mo PA ako boyfriend pero alam kong sasagutin mo rin ako." Mayabang niyang sabi then he smirk at me.

"At paano mo naman na sabi yun Mr. Alcantara?" Nakapamewang ko naman na tanong.

"Simple lang, kasi mahal mo po ako Ms. Salvador." Sabi niya at may manlokong ngiti sa kanyang labi.

"Tss. Whatever mister." Tanging sabi ko sa kanya at tinalikuran na siya papunta na akong comfort room.

Nang malapit na ako sa comfort room narinig ko siyang sumigaw kaya napatinging ako sa kanya. Ay hindi lang pala ako, pati rin ang mga tao dito sa loob nang starbucks napatingin rin sa kanya.

"Don't worry Ms. Salvador, mahal din kita!!!" Pagkasabi niya nun ay nagwink siya sa'kin kaya napatingin ang mga tao sa'kin. Ngumiti lang ako at pumasok agad sa cr.

Siguradong ang pula-pula na ng pisngi ko ngayon. Kainis naman kasi si EJ eh. Bakit kailangan niya pang isigaw yun. Pero tama siya. Mahal ko siya, ay hindi pala mahal. Mahal na mahal. Actually ngayong araw ko siya balak sagutin kaso hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya. Bahala na nga basta ma sabi ko lang sa kanya ang salitang 'YES' alam niya na ano ibig sabihin nun.

Pagkalabas ko ng comfort room nagulat ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko sa back pocket ng pants ko at tinignan kung sino ang nagtext. Si Ethan lang pala.

From: EJ❤ko -- (Siya nagsave nyan -__-)

CJ ko dto na po ako sa parking lot.

Bakit nandun na siya? Bahala na nga. Magrereply na sana ako kaso nagvibrate ulit ang phone ko.

From: EJ❤ko

Dala ko na po gamit mo :)

To: EJ❤ko

Ok ... I'm on. my way na po dyan :)

After ko siyang replyan nagsimula na ako maglakad papalabas nang starbucks. Pagdating ko sa parking lot nagulat ako sa nakita ko. Tama ba tong nakikita ko, s-si Ethan m-may k-ka-kahalikang babae na loob ng kotse niya? Aalis na sana ko ng maalala ko na nasa sasakyan niya pa pala ang mga gamit ko. Pumunta ako sa sasakyan niya at binuksan ang pinto ng back seat niya para kunin ang bag at gitara ko.

DESSERTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon