Chapter VII

0 0 0
                                    

CAROL

Pagkalabas ko ng gate nila Melize ay nagsimula na akong maglakad hanggang sa exit ng subdivision. Doon nalang siguro ako maghihitay ng masasakyan, bihira lang kasi may pumasok na taxi sa loob ng subdivision nila Melize. Nang makalabas na ako sa exit gate ng subdivision nakapagtataka dahil wala yung bantay sa guard house. Usually kasi merong isa o dalawang guard sa guard house lalo na ngayong oras na ito.

Habang naghahatay ako ng masasakyan dito sa kanto malapit sa exit gate ng sub nila Melize may naririnig akong yapak ng mga sapatos na papalapit sakin. Lumingon ako sa left side ko wala naman, pag lingon ko right side ko may apat na lalaking papalapit sakin. Kaya tinawagan ko kaagad si Kuya Frans sabi niya papunta na daw sila dito ni Kuya Paul. Hanep sinermunan muna ako sana sinabi nalang niya agad na papunta na sila dito. -__-

"Miss mukhang nababagot kana dyan ah. Gusto mo bang pasayahin ka muna namin?" Sabi nang lalaking may tattoong ahas sa leeg niya.

"Oo nga miss. Masarap ka pa namang pang pulutan. Ubos na kasi pulutan namin nakakabitin din. Game ka?" Hirit pa nung isang lalaki na may tattoo ring ahas sa kanang braso niya.

"Uh. Excuse me?" Pataray na tanong ko sa kanila.

"Excuse me ka dyan eh hindi ka naman dadaan." Sabi nang isa pa nilang kasama at dahan-dahang lumapit sakin.

"Pagkatapos mo Fred ako naman." Sabi nung isa nilang kasama at tumawa silang apat at panay parin ang lapit nang lalaking 'to sa'kin kaya ako naman panay ang atras.

"Oo nga tol. Pagkatapos mo kami naman." Napatigil sa paglapit ang lalaking nagngangalang Fred sa'kin ng marinig niya ang lalaking nagsalita. Ako rin napatigil sa pag atras nang marinig ang pamilyar na boses nung lalaking nagsalita. Kung hindi ako nagkakamali, siya si.....

"Nice one Ethan." Natatawang sabi ni Kurt.

ETHAN

"Oo nga tol. Pagkatapos mo kami naman." Tumigil sa pag hakbang paabante yung lalaking may tattoong sa kaliwang braso nung lalaki, pati ang mga kasama nung lalaking nasa harap ni Carol.

"Nice on Ethan." Natatawang sabi ni Kurt na may pasuntok pa sa kanang braso ko.

"Layuan mo si Carol loko ka." Sabi ni Paul dun sa lalaki.

"Ito bang si miss hamis ang tinutukoy niyo na layuan ko?" Tanong niya sa'min at bigla niyang hinila ang buhok ni Carol. Lintik na lalaki 'to.

"Aray!! Ano ba?!?! Masakit na ah!!!" Sigaw ni Carol.

"Gago ka! Bitawan mo yang buhok niya!" Papalapit kong sabi dun sa lalaki at bigla siyang sinuntok kaya nabitawan niya ang pagkakahawak niya sa buhok ni Carol at bumagsak ang pwet ni Carol sa daan.

Agad naman siyang itinayo ni Flint at dinala sa sasakyan nila Paul. Kami namang natira ay nakipagsuntukan sa apat na bastos. Habang sinusuntok ko yung naghila ng buhok ni Carol sina Kurt, Paul, Miggy at Frans naman ay pinag tutulungan yung tatlo.

"Ito para sa pambabastos mo kay Carol." Medyo napalakas ang pagpasuntok ko sa kanya dahil napatumba ko siya. Hindi pa ako nakuntento kaya lumuhod ako at hinila ang t-shirt niya.

"Ito naman para sa paghila mo sa buhok ni Carol." Sabi ko at sinuntok siya ulit.

"At ito naman.....Wala lang." Sabi ko at bitaw ng napakalas na suntok sa kanya dahilan para mawalan siya ng malay. Tinignan ko yung apat kung okay lang ba sila. Mabuti naman sila walang galas sa mukha tinignan ko yung mga nakahiga sa likuran nila then I smirk.

Matagal na din kasi kami nila Kurt hindi nakikipag bakbakan kaya med hindi kami nakapaghanda.

"Tara na Paul. Hatid na natin si Carol sa kanila." Sabi ni Frans tumango naman si Paul at lumapit sa'min.

"Thanks sa tulong niyo mga brad." Sabi ni Paul, ngumiti at tumango naman si Miggy.

"Wala yun." Sabi ni Kurt.

"Paano mga tol, una na kami." Sabi ni Frans at pumunta na sa sasakyan ni Paul.

Buti nalang at dumating kami agad dahil kung hindi baka na paano na si Carol. Lintik na. Tsk. Delikado na kami lalo na si Carol. Baka balikan siya ng mga 'to, mukhang member pa naman 'to sila ng frat dahil sa mga tattoo nilang ahas sa kanilang katawan.

Hahakbang na sana ako papuntang kotse ko nang biglang tumigil sa harap ko ang sasakyan ni Paul at bumukas ang bintana sa likod nang kanyang sasakyan at nakita ko ang magandang mukha ni Carol.

"Thanks E-ethan." Nahihiya niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya.

"No prob." Sabi ko sa kanya. Nagtitigan muna kami sadali at tinaa niya ang binta ng sasakyan ni Paul.

———————————————————————————

A/N: Ito muna sa ngayon. Sana nagustuhan niyo 😊😊

DESSERTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon