Zarie's POV.nandito kami sa may caffe ngayon at etong kasama ako ang landing tignan. nilalandi na nga siya ng waitress sige pa siya ng sige, like duh! hindi naman ako nagseselos! sinong bang nagsabi?! tss. ayoko lang talaga nakakakita nito. nakakairita.
"you okay?" ayba! nagtanong pa si tanga.
"okay lang naman ako, sana humiwalay nalang kayo ng table ng kalandian mo hindi ba?" tss kairita.
nanahimik naman siya at hindi na nagsalita pa, totoo naman ehh ang harot nila at sa harapan ko pa. hindi ba siya aware na mainit ang dugo ko ngayon dahil pinainit ng kalahati kong kapatid. tss.
"nakabusangot ka na naman diyan, tara na lunch na. uwi na tayo." sabi niya.
i checked the time and tama nga siya 12:30 na, infairness hindi ko napansin ang gutom dahil sa init ng ulo ko. tapos dumagdag pa tong nasa harapan ko. narinig ko naman na nagring yung phone niya agad agad niya naman sinagot ito.
"yes---ako nga---ha??!!---oo, sige, pupunta na ako!---okay bye!" actually napapasigaw na siya ng lagay na yun.
ayokong magtanong, kung gusto niyang sabihin edi sabihin niya as if i really care about him. tss umuwi siyang nag cocommute at iwan ang susi sa akin. duh! hindi ko nga siya sasamahan para makaganti naman ako sa ginawa niya sa harapan ko kanina, as if talaga, hindig hindi ko gagawin ang mga yun
"Zarie, pasensiya ka na. ikaw nalang ang pumunta sa Japan at maiiwan nalang ako. uuwi muna ako sa probinsiya kung saan naiwan si lolo at lola pati na ang isa kong kapatid, nagkasakit kasi ang kapatid ko. sorry talaga Zarie." natulala ako sa sinabi niya.
sinabi ko bang hindi ko siya sasamahan??? kung oo binabawi ko na pala yun. may puso pa rin naman ako kasi ayokong nakakakita ng batang may sakit. lalo na kapag malapit sa akin ang isang tao.
"ehh ano pang ginagawa mo? tara na!." sabi ko sabay tayo. kinuha ang wallet at bag ko.
ngumiti naman siya at tumayo na para makaalis na kami. kung hindi ko pa sasabihin hindi pa tatayo ang gunggong. tinawagan ko ang secretary ko at sinabing ipamove ang flight ko sabi niya 1week daw ang itatagal. pagkatapos ng 1week aalis na ako papuntang Japan. nag dadrive lang si Theo hanggang sa makatulog ako.
--------------------------
nagising ako dahil may umaalog sa balikat ko. ayy oo nga pala nakalimutan ko na pupuntahan pala namin ang kapatid ni Theo. umupo ako ng maayos at tinignan ang oras. fuck!!!! 4:00 na!!! shet nararamdaman ko na yung gutom.
"asan na tayo? gutom na ako Theo." masama akong magutom swear.
"andito na hinihintay lang kitang magising, tara na." salamat naman at okay na. akala ko wala pa kami at talagang mag wawala na ako.
bumaba na ako nang hindi nagsasalita agad na may lumapit na matandang babae kay Theo at matandang lalaki. nasa side lang ako ng kotse kahit maldita at mataray ako may respeto naman at paggalang naman ako sa matanda.
"Theo apo. ang tagal ka naming hinintay." sabi noong lola niya. siguro lang.
"La, sorry po at matagal ko po kayong hindi nababalikan, naging busy na rin po ako sa pag aaral ko pati na po sila mama at papa naging busy na po sa kumpanya." sabi ni Theo.
"sino iyang kasama mo?" sabi noong lola niya
"siya po si Zarie, kaibigan ko po." hindi ko alam pero nalungkot ako bigla sa sinabi niya. kaibigan? tss oo nga naman pala.
"halika hija." sabi noong lolo niya.
lumapit naman ako at baka masabihan pa akong bastos kapag hindi ako lumapit. nakakhiya man pero lumapit na rin ako.
"hello po." sabi ko.
"anong pangalan mo hija?" tanong ng lola niya.
"mamaya mo nalang siya tanungin papasukin mo muna sila at nang makapagpahinga sila. malayo ang binyahe nila." sabi ng lolo niya.
haayy sa wakas makakapagpahinga na rin ako. pero pakshit! hindi pa ako kumain at etong Theo na ito hindi man lang sinabi na hindi kami kumain.
"maiwan muna kita dito sa Zarie pupuntahan ko lang ang kapatid ko. mamaya isasama nalang kita" sabi ni Theo.
inisnaban ko siya pero tumango nalang ako baka makita pa noong lolo at lola niya. masabihan pa ako ng kung ano ano dahil apo nila yun.
"hija mag meryenda ka muna." sabi noong lola niya.
nakakahiya na gapangin ko kaagad yung pagkain. kaya kumuha ako ng isang sandwich lang. gutom na ako eh.
"anong pangalan mo hija.??" tanong noong lolo niya habang sabay silang umupo sa harap na upuan ko.
"Princess Zarie Maerine Aliasas po." sabi ko.
"ay kay habang pangalan. pero napakaganda. Ikaw din hija napakaganda mo" sabi ng lola niya.
"Thank you po" sabi ko. At ngumiti.
"Kayo po lola, lolo ano pong pangalan niyo?" Tanong ko.
"Tawagin mo nalang akong Lola Flora at Lolo mo naman ay Lolo Dencio." Sabi niya.
"Zarie po, Zarie po ang pangalan ko." Sabi ko.
"Kain ka muna. Kung mamaya gusto mo bang sumama? Pupunta kami sa Bayan at mamimili. Pwede kang sumama." Sabi ko.
"O sige po. Ipagdadrive ko nalang po kayo." Sagot ko ng nakangiti.
Nakakagaan na makipag usap sa kanila. Mula kasi ng bata ako hindi ko nakasama si Lolo at lola kahit si Jhel pa hindi niya nakasama ito. Kaya ganoon nalang kami kalapit sa mga matatanda.
"Sigurado ka ba Hija?" Tanong ni Lolo Dencio
"Opo naman po." Sabi ko.
Lumabas si Theo sa isang kwarto medyo namumula yung mata niya. Sana naman wala naman nangyaring masama diba? Sana naman!
"Lo, La, bumaba na ang lagnat ni Katy. Gusto niya daw po mamasyal kaya isasama ko po sana siya sa bayan mamaya." Sabi ni Theo.
Thank God walang masamang nangyari sa kapatid niya. Kinabahan naman ako doon shits!
"Ayba sige. Pupunta din kami ng lola mo doon at kasama ang dalagita na ito" sabi ng lolo niya. Mukhang nakalimutan pa ni lolo pangalan ko hehe.
"Sige po lolo, lola. Ako na po ang magdadrive. Si Zarie nalang po ang hahawak kay Katy." Sabi ni Theo.
Wala naman sa akin yun. As long as okay naman kapatid niya. Duh! May kapatid din ako at ayokong nakikitang nasasaktan siya. Malamang sa malamang parehas lang kami ni Theo. Ayy!! Sa ngayon mamaya ko na iisipin yan. Mag papahinga muna ako at iiglip sandali. Mukhang pagod na naman ako mamaya neto. Haayy.
BINABASA MO ANG
The Girl With The Bad Attitude (On Going)
Teen FictionI Princess Zarie Maerine C. Aliasas, and I don't k know the word GOOD