Chapter 9

100 27 15
                                    

Third Attack - Bloody Hell Pt. II

Empty Seat

--

Trisha's Point of View

"Don't you fucki'n force me!" narinig kong sigaw ni Mikko sa loob ng kwarto niya. Nandito kami sa hospital at okay na si Mikko. Natanggal na ang kutsilyong naka-baon sa hita niya at talagang sobrang daming dugo ang nawala sa kanya kaya ang sabi ng doktor ay hindi pa pwedeng makatayo si Mikko. Hindi din namin alam kung saan nanggaling iyong maliit na blade na nakatama sa braso ni Matt habang sinasakay niya sa tricycle si Mikko noon. Lalong dumiin ang kutsilyo sa hita ni Mikko dahil sa pagkabitaw ni Matt dito kaya sobrang galit ni Mikko sa kanya. Pero okay na sila at okay na din si Matt kahit na may sugat siya sa braso kung saan siya natamaan nung blade.

"Mukhang hindi pumapayag si Mikko" narinig kong bulong ni ryan na kanina pa tingin nang tingin doon sa bintana ng pintuan ng kwarto ni Mikko kaya napa-iling nalang ako. Paano kaya ito?

"Paano natin ito magagawa kung wala si Mikko diba? Si Matt na din ang nagsabi sa atin na kailangan na natin mahuli ang taong gumagawa nito dahil kung hindi ay baka mabiktima na din tayo at iyong iba" sabi naman ni Feah. Tatango-tango naman si Sofia habang nakikinig sa usapan namin.

"Pero paano na ang plano? Kung ayaw talagang pumayag ni Mikko?" tanong naman ni Sofia at naisip nanaman ang hindi pagsang-ayon ni Mikko. Napabuntong hininga nalang ako.

"Kailangang pumayag siya kung hindi ay hindi natin maisasagawa ang plano natin. Tsaka mukhang si Mikko ang bibiktimahin niya. So pwede pa nating mailigtas si Mikko mula sa kanya diba?" sabi ko.

"Oo nga kaya hindi ko alam kung bakit ayaw ni Mikko gawin ang plano natin kung ito naman ang makakasagip sa buhay niya" sabi naman ni Feah.

"Ayaw niya talagang pumayag" sabi ni Matt nang makalabas siya ng pinto. Umiling naman 'yong tatlo at napatingin naman ako kay Matt.

Paano kaya kung hindi namin sasabihin kay Mikko ang plano namin? 'Yong gagawin namin kasama siya pero wala siyang ka-alam alam? Papayag kaya siya?

"Matt" tawag ko kay Matt habang busy ito sa pag-iisip. Iniisip niya siguro kung paano niya mapapapayag si Mikko sa planong ginawa.

"Oh?" tanong nito sabay tingin sa akin na parang binabasa ang nasa isip ko.

"Paano kaya kung gawin natin ang plano ngunit hindi ito alam ni Mikko?" suggest ko sa kanya. Napa-isip naman siya.

"Paano mangyayari 'yon?" tanong naman ni Ryan at nagsilapitan silang tatlo sa amin.

"Kung kaya gagawin natin 'yong plano na kasama si Mikko pero wala siyang ka-alam alam sa gagawin natin. Parang isasama lang natin siya pero siya ang may pinakamalaking gagawin" sabi ko.

"Pwede 'yang naisip mo pero naisip mo din bang sabi ng doktor na bawal pang lumabas si Mikko dahil doon sa sugat niya?" singit ni Sofia.

"So gagawin natin dito sa hospital" sabi ko.

"Pwede din" sabi naman ni Matt.

"Nagbabalik ang magandang ako!" narinig naming sigaw ni Haeira habang may dala-dalang pagkain. Pinabili namin kasi ng pagkain ang isang 'to dahil ginugutom na kami. Eksakto namang gusto niyang bumili kaya inutusan nalang namin. Hindi pa kasi kami kumakain 'e.

"Anong mayroon?" tanng nito habang ngumunguya ng piatos.

"Gumawwa kami ng isang plano para mahuli na natin kung sino ang gumagawa ng mga kalokohang ito sa atin. Siguro siya na din ang pumatay kay Judith at Dave. Para na din mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila" sabi ni Feah kaya naman napatango nalang si Haeira.

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now