Chapter 24

51 11 1
                                    

Eleventh Attack - Dark Nights Pt. I
Empty Seat

--

Quennie's Point of View

"Shaira! Ano nang nangyayari diyan?! Shaira! Sumagot ka!" narinig kong sigaw ni Von habang sinisira ang pintuan.

"Umalis ka dyan" mahina pero rinig naming sambit ni Farrah. Kinuha niya ang hair pin na nasa buhok niya at agad na tinanggal ang pagka-lock nung pintuan. Mabilis namang pumasok ang mga lalaki at nang makita namin ang nasa loob ay napa-awang agad ang mga bibig namin.

"W-wait. P-plastic lang 'y-yan! Hindi 'yan ang totoong katawan ni Shaira!" galit na sigaw ni Von. Pinigilan naman siya ng mga lalaki at pinakalma.

"Totoong dugo ito mga bes" sambit naman ni Angel habang pinagmamasdan ang nagkalat na dugo ni Shaira.

Napatingin ako kay Bonna na ngayon ay nangingilid ang luha. "Teka nasaan naman si Alyssa at si Trisha?" takang tanong naman ni Angel. Napalingon naman ako sa paligid. Oo nga 'no? Nasaan sila?

"Nasaan sina Haeira?" tanong ko sakanila. "Nasa safe room sina Haeira, Pia at Fea. 'Yung dalawa ang nawawala" sagot ni Angel.

"Hayaan na muna na'tin dito okay? Umalis na muna tayo" aya ko sakanila. Tumango naman sila at inilalayan namin si Bonna dahil umiiyak pa din siya. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya 'e. Hindi niya kasi matanggap pero kailangan naming tanggapin dahil hindi na siya mababalik.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sina Vince. "Saan kayo pupunta?" takang tanong ko sakanila dahil bawal na kaming lumabas ngayon. Duh, maga-alas tres na ata?

"May kukuhain lang kami" sagot ni Vince. Bakit parang ang lamig? Bakit parang nanlalamig na sila ngayon? O sadyang malamig ang simoy ng hangin ngayong madaling araw?

"Sige pero balik din agad kayo ah?" sabi ko at tumango naman sila. Nagsimula na ulit kaming maglakad at habang naglalakad kami sina Shawn naman ang nakita namin. Bakit parang nakakalat sila ngayon sa school? Hindi ba nila alam na delikado na maglalabas ng ganitong oras?

"Umalis na tayo dito!" bungad sa amin ni Shawn. Halatang hingal na hingal siya. Tinignan ko ang may leeg niya at agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit ka may dugo sa leeg Shawn?" gulat na tanong ko. Napahawak naman siya sa kanyang leeg at tinignan niya ang kanyang kamay, may dugo na ito. Narinig ko pang bumulong siya ng 'fck'.  Medyo dumistansya kami sakanya at hinigpitan ang hawak kay Bonna.

"W-wala ito" naging malamig ang kaniyang boses. Lalo akong napakapit kay Bonna. Napatingin pa ako kay Angel na ngayon ay kinakabahan na din.

"Sumagot ka Shawn. Ikaw ba ang pumatay kay Shaira?" tanong ko sakanya. Nanlaki ang mga mata niya kaya naman hinanda ko ang sarili ko para tumakbo pero biglang dumating si Marco.

"Shawn! Umalis na kayo!" sigaw nito habang tumatakbo. Lalo akong kinabahan. B-bakit? A-anong nangyayari?

"Bakit?" takot na tanong ni Shawn dito.

"Dadating na siya! Dadating na siya! Umalis na tayo dito!" sigaw nito kaya napatingin sila sa amin. Parang may sinasabi sila sa amin. Hindi ko alam. Wala akong maintindihan. Ano bang nangyayari?

"Umalis na tayo dito!" sigaw ni Shawn at agad na hinawakan ang braso ko at hinatak kami paalis. Bakit?

"Shawn! Ano ba? Bakit tayo tumatakbo?" tanong ko habang tumatakbo kami. Hila-hila ko si Bonna at nakakapit naman ng mahigpit si Angel kay Bonna. Si Marco naman ay nasa likod lang namin.

"Basta!" sigaw nito at dinala kami sa isang classroom. Ito 'yung katabing classroom kung saan pinatay si Shaira.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko. Tahimik lang sina Angel. Halos kaming dalawa lang ni Shawn ang nag-uusap.

"Mamaya niyo malalaman. Tumahimik ka muna" sabi nito sa akin. Tumahimik naman ako.

"Twinkle, twinkle little star. How I wonder what you are? Up above the the world so high. Like a diamond in the sky. Twinkle, twinkle little star. How I wonder where you are" narinig kong sabi nung nasa labas. Ang creepy ng boses niya. Hindi ko matukoy kung babae ba siya o lalaki. Ang gulo, parang babae siya na parang lalaki.

Patuloy pa din siyang kumakanta hanggang sa tumigil siya sa mismong tapat ng pintong tinagaguan namin.

"How I wonder where you are" sambit nito na ikinataas ng mga balahibo ko sa katawan.

"Why are you all hiding? Are you afraid of me? Don't be afraid love, I don't bite, I'm just gonna hurt you really really hard" sambit nito. Para akong binuhusan ng tubi na sobrang lamig.

"Maybe next time" sambit ulit nito ay umalis na siya pero tuloy pa din ang kanyang pagkanta.

"Sino siya?" mahinang tanong ko kay Shawn.

"Hindi ko din alam. Gusto kong alamin pero ang hirap 'e. Sobrang hirap. Para lang malaman kung sino ay kailangan mong isakripisyo ang buhay mo" sabi nito sa akin. Nang maging okay na ay lumabas na kami.

"Balik na tayo. Mukhang okay na ang dadaanan na'tin" sabi nito sa akin kaya tumango nalang ako.

--

Trisha's Point of View

"Bakit mo kailangang gawin ito?! Wala kaming ginawang masama sa iyo! Bakit mo kailangang isa-isahin kami? Bakit? Bakit mo ito ginagawa sa amin?" galit na tanong ko sa taong ngayo'y binibitin ako.

"Hush honey" sabi nito pero marahas akong umuling. "Sabihin mo sa akin! Sino ka ba talaga?! Bakit mo ito ginagawa? Anong rason mo?" tanong ko ulit dito. Nakita ko ang kamao niya. Wala akong pake kung saktan man niya ako. Kailangang malaman namin kung sino siya!

"Don't ask ridiculous questions" galit na sambit nito.

"Tigilan mo ito! May pag-asa ka pang magbago!" sigaw ko dito pero lalo lang ata itong nagalit sa akin.

"Shut up! I've been nice to you since the day we've met but no one, no one ever came when I-- why am I telling you this?!" sabi nito at bakas sa mukha nito ang galit.

"Maaari ka pang magbago" mahinang sambit ko ay doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko aakalain na gagawin niya ito sa amin.

"Change?! I cannot change anymore! I've killed more than fifty people and you're telling me to change?!" galit nitong tanong sa akin. Hindi niya pinapakita ang mukha niya.

"Tumingin ka sa akin" sabi ko sakanha pero marahas lang siyang umiling.

"No" matigas niyang sabi sa akin. Pero kailangan ko talaga.

"Please!"  pakiki-usap ko sakanya pero mukhang hindi pa din siya papayag.

"Papayagan kitang patayin ako. Ipakita mo lang sa akin ang mukha mo" sabi ko. Pero katulad ng dati ay umiling lang siya.

"You don't need to see my face" sabi nito.

"Please! Start a new! Start a new journey! Hindi mo kailangang maging ganyan! Pwede ka pang magbago!" sigaw ko pero nagalit ko siya lalo.

Isang malakas na suntok ang naramdaman ko. Fck ang sakit, "shut up! Just shut the hell up!" sigaw nito. Pero hindi siya tumitingin sa akin. Nanghihina man ay tinignan ko ang paligid ko. Nakita kong tumalsik pala ang maskara niya. Fudge hindi niya ako kayang patayin ng hindi suot ang maskara niya.

Makikita ko na, makikita ko na.

Unti-unti na siyang humaharap sa akin pero isang matulis na kutsilyo ang bumaon sa tyan ko.

"Shit!" sigaw ko habang unti-unti nang nanghihina. Mas madami pang bagay ang ginawa niya sa akin bago niya ako saksakin. Shit lang. Unti-unti na ulit siyang humaharap sa akin pero nanlalabo na ang aking paningin. At siya ay si--

"TRISHA!"

--

Pnsphy 2016-2017

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now