Chapter 21

29 9 0
                                    

Ninth Attack - Missing Book Pt. IV
Empty Seat

--

"Timothy!"

"Ano ba 'yan, Ryan? Nakakagulat ka naman! Jusko" napalingon naman agad ako kay Trisha na ngayon ay may hawak-hawak na isang bote ng tubig. Napa-tingin naman ako sa paligid at mukhang maayos naman.

"Anong nangyari?" tanong ko sakanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari? Uhm. Natulog tayong lahat kagabi kahit siksikan tayo dito at maganda naman ang tulog ko. Mukhang binangungot ka naman" sabi niya at kumuha ng tinapay sa isang drawer.

"Si Timothy? Nasaan?" tanong ko sakanya.

"Bakit? Nasa court sila, naglalaro ng basketball" sabi nito kaya agad naman akong tumayo at dumeretso sa court. Nakita ko naman silang naglalaro 'don kaya agad ko silang nilapitan.

"Timothy!" tawag ko dito at agad namang lumingon ito saakin. "Bakit?" tanong niya habang tumatakbo palapit saakin.

"May nangyari bang masama kagabi? Uhm. Ayos ka lang ba?" tanong ko habang seryosong nakatingin sakanya.

"Aba Ryan, dumadamoves ka na ba kay Timothy?" tawa naman na sabi ni Marco. Tinignan ko lang siya ng masama at bumalik ulit ang tingin ko kay Timothy.

"Nasaan si Ghien?" tanong dito.

"Hindi ko alam. Kasama siya nina Angel kanina" tumango nalang ako at tumakbo paalis. Baka may nalalaman si Ghien.

Habang tumatakbo ako nakasalubong ko sina Feah, "Ryan! Saan ka pupunta?" bungad saakin nito kaya napatigil ako.

"Hinahanap ko si Ghien, nakita niyo ba siya?" tanong ko dito.

"Kakasalubong lang namin at hinahanap ka din niya" sabi nito kaya tinanguan ko nalang sila at tumakbo na ulit ako.

"Ahh!" bigla akong napadapa nang may bumaon sa binti ko na matulis na bagay. Agad itong dumugo kaya kahit masakit ay pinilit kong tanggalin, "a-ahh!"

"Sht. Nandito 'din ata ang killer" bulong ko sa sarili ko at hirap na tumayo. Tumakbo ako kahit mahirap.

Mamaya-maya ay bigla nalang akong lumutang sa lupa. Putek, anong nangyayari?! Napalingon naman ako at n-nakita k-ko--

S-siya.

"It's time for you to die" sabi nito.

*slash*

--

Ghien's Point of View

"Ghien nakita mo na ba si Ryan? Hinahanap niya ikaw kanina pa eh" bungad saakin ni Timothy. Hinablot naman niya ang hawak-hawak kong pagkain.

"Hindi ko naman siya nakita ngayong araw eh" sabi ko dito.

"Kanina ka pa niya hinahanap eh" sabi nito habang ngumunguya.

"Hindi naman siya nagpakita saakin eh" sabi ko dito at nilagpasan siya. Humila ako ng isang upuan at umupo dito.

"Ghien? Akala ko kasama ka ni Ryan?" bungad naman saakin ni Feah. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ba ako hinahanap ni Ryan? Ni-hindi ko nga nakita si Ryan ngayon eh.

"Ghien! Ghien! Kasama mo ba si Ryan? Ibabalik ko sakanya yung ballpen na hiniram ko sakanya dati pa, hindi ko kasi siya makita eh" sabi naman ni Pia at iniabot saakin ang isang ballpen. Lalong kumunot ang noo ko.

"Hindi ko naman siya nakita ngayong araw" sabi ko kaya natigilan sila. "Luh? Paano naman nangyari 'yon? Eh halos buong maghapon kang hinahanap ni Ryan. Tanong nang tanong nga saamin eh" sabi ni Pia.

"Hindi ko alam. Baka niloloko lang kayo" sabi ko.

"Hindi ah, nagmamadali nga siya kaninang umaga" sabi naman ni Trisha. Bakit naman ako hinahanap ni Ryan?

"Guys!" sigawan nina Angel sa labas.

"Bakit?" tanong namin

"Patayin niyo ang ilaw! May padating!" sabi nila kaya takbuhan agad kami sa mga switches at tinabunan na din ang mga bibig namin.

"Asan yung iba?" narinig kong bulong ni Trisha.

"Hindi ko alam pero na-inform na sila" sabi naman ni Angel.

"Anyone here?"

"Dyahe, umi-english english pa ito" bulong naman ni Pia. Medyo napatawa sina Haeira kaya napatingin sa may bintana yung lalaki.

"Who's there?" sabi niya. Grabe maka-english?

"Ryan!" nagulat kami nang may tumawag sakanya.

"Sht"

S-si Ryan?

--

Pnsphy 2016-2017

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now