Chapter 16

55 11 0
                                    

Eighth Attack - White Flower Pt. I

Empty Seat

--

Farrah's Point of View

"No no no no! Wag lang ikaw Hannesy! No!" sigaw ni Quennie at lumuhod para hawakan ang duguan nitong katawan. Tinignan ko si Angel.

"Bonna dito muna kayo ah? Pupuntahan lang namin kung saan ang sumigaw" sabi ko dito at tumango naman siya. Hinila ko si Angel at nagsimula na kaming maglakad papalayo sakanila.

"Angel, hindi ko maintindihan. Paano nawalay saatin si Hannesy ay kani-kanina lang ay nakikipagtawanan pa siya saatin?" takang tanong ko kay Angel habang finaflashlight-an ang dinadaanan namin.

"Ah. Alam ko na. Diba nagpaalam siya saatin na magsi-cr sya? Tapos sabi ni Quennie ay sasamahan na niya si Hannesy dahil delikado dahil madilim at baka kung ano ang naglalakad-lakad dito?" sabi nito at agad akong napatango. Oo nga 'no?

"Pero paano siya mamamatay? I mean, hindi naman pwedeng magpakamatay nalang siya basta basta diba?" sabi ko kay Angel at tumango naman siya. Napa-iling nalang ako ng di oras at napatingin sa may gilid ko dahil parang may dumaan.

"Bakit?" tanong niya saakin, "parang may dumaan?" sabi ko na agad namang nagpalaki ng mga mata niya. Kinakabahan ako, baka kami ang kasunod na mamamatay. Hindi pa pwede!

"Bakit kayo nandito?" agad kaming napa-tili ng makita namin si Timothy na nasa harapan naming duguan at hingal na hingal. Kumuha ako ng tubig mula sa bag ko at ini-abot sakanya ito, "salamat"

"So bakit ka nga ba naliligaw?" tanong ni Angel, "hinahabol ko si Hannesy kanina eh" hah?

"Anong hinahabol? Eh patay na si Hannesy? Nakita nga namin yung bangkay niyang nakakalat sa damuhan eh" sabi namin pareho ni Angel. Nagtaka naman ang mukha ni Timo, "anong patay na? Eh hinahabol ko nga kanina? Nababaliw na ata kayo eh. Dala lang yan ng antok" sabi niya. Napa-iling ako

"Totoong patay na si--", "FARRAH! ANGEL! HINDI IYON ANG BANGKAY NI HANNESY! HINDI PA SIYA PATAY! PLASTIK LANG YUNG NAKITA NATIN KANINA!" napalingon kami sa sumisigaw na si Bonna.

"So ibig sabihin? Buhay pa si Hannesy? Ang tanong nasaan siya?" tanong ni Angel. Napalingon-lingon ako at nakakita ako ng isang taong malayo-layo saamin pero alam ko at nararamdaman kong tinitignan niya kami. Napalunod nalang ako bigla at hinawakan ang braso ni Angel ng tinapat niya saakin ang dala niyang kutsilyo. Nakita ko naman ang pagtingin ni Timo kung saan ako tumitingin at bigla nalang niya kami tinulak at siya ang natamaan ng kutsilyo sa likod.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" parang, parang siya din ang sumigaw kanina? Pero paano?

"Hoy! Hoy! Holy sht! Mga lalaki! Dalhin niyo sa clinic dali!" nakita kong dumating sina Trisha at nakita kong inalis nila ang pagka-dagan sakin ni Timothy. Hanggang sa mawalan na din ako ng malay.

--

Trisha's Point of View

"Teka? Ano ba talagang nangyari?" pa-ulit ulit na tanong saakin ni Feah habang paikot ikot na naglalakad.

"Di ka ba nahihilo Feah? Jusko nababaliw ka nanaman eh" sabi ni Pia, "anong nababaliw Pia? Ilan na ang nawawala saatin! Dalawang nawawala! Isang nasasaksak, limang namatay sa kaklase natin at tatlong teacher! Sabihin niyo nga sakin! Sinong hindi mababaliw?!" natahimik nalang si Pia at Haeira at tumungo. Napa-gulo nalang ng buhok si Feah.

"So anong plano natin ngayo--", "guys! Nawawala si Kate!" napalingon agad kami kina Shawn. Nanlaki ang mga mata namin at agad na napatayo.

"Teka?! Anong nawawala? Kasama natin siya kagabi ah?" angal ni Haeira at umiling naman si Marco, "hindi natin siya kasama. Ang sabi ni Hannz ay ayaw daw sumama at masama ang pakiramdam" sabi ni Marco.

"Jusko naman po! Tatlong nawawala na!" kabadong sabi ni Pia, "mamayang gabi at bukas na gabi ulit natin hahanapin yung tatlo tapos ilan sa mga babae ang magbabantay kay Timothy at maiiwan sakanila si Marco at Ryan. Isasama natin si Jobert, Von, Vince at Shawn okay?" sabi ko at tumango nalang sila. Napabuntong hininga naman ako.

Hindi dapat ito nangyayari.

Napa-iling nalang ako sa naisip at naimagine ko. Kung paano kapag lahat kami ay mapatay ng killer? Sinong matitira? Sinong makakaligtas? Hindi pwede mamatay kaming lahat kasi kelangan namin ang tulong ng pulis. Sina Angel nalang din ang gamot kay Timothy. Teka, pulis?

"PULIS!" sigaw ko na gad naman silang napatingin sila saakin.

"Anong pulis?" tanong ni Marco, "pulis! Kelangan natin ng tulong ng pulis! Hindi tayo lulubayan ng kung sino man ang pumapatay kung walang pulis!" sigaw ko at agad naman silang natauhan sa sinabi ko.

"Oo nga! Pulis! Tara Haeira! Kuhain natin yung mga cellphone sa dorm" sabi ni Pia at hinila nalang si Haeira. Napabuntong hininga nalang ako, tumabi saakin si Shawn at sinabing, "sana makatulong sila"

--

Haeira's Point of View

Kinaladkad ako ni Pia hanggang makadating kami sa dorm. Pumasok kami sa mga kwarto nila at hinanap ang mga cellphone nila. Ang tanga namin, bakit nga ba hindi namin naiisipang tumawag ng pulis eh 'no?

"Teka, kwarto ni Kate 'to diba? Pasukin natin?" tanong ni Pia na agad na nagpakunot ng noo ko, "malay ba nating nandyan lang si Kate diba? Nagtatago? Dahil dun sa nangyari kay Ajing? Tsaka, hindi pa niya alam na plastic lang yung katawan na nakita nila nung una eh" pagpatuloy nito kaya naman napatango nalang ako. Pero iba ang pakiramdam ko eh.

Pipihitin na sana si Pia ng pigilan ko siya, "bakit?" mahinang tanong niya saakin, hinawakan ko ang kamay niya at sinabing "p-paano kung may killer dyan? Ayoko pang mamatay" takot kong sambit.

"Edi magpapakabayani ako at papatakbuhin na kita diba? Oha bongga!" sabi nito kaya binatukan ko siya, lumakas ang boses niya at naramdaman naming parang may dumaan. Nagkatitigan kami ni Pia at titili na sana ako ng biglang takpan ni Pia ang bibig ko.

"Pag nag-ingay ka lalo tayong mamamatay nito 'no" sabi nito saakin kaya tinikom ko na muna ang bibig ko. Pinihit naman niya yung pinto ng kwarto ni Kate at unti unti nang binuksan ang pinto. Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay ng talsik ng dugo saakin ni Pia at sumigaw si Pia dahil sa sakit pero wala akong narinig at naramdaman. Pagka-mulat ko andun na siya na parang may tinitignan na bagay. Lumapit ako.

"Ano 'yan?" tanong ko at bigla siyang napatingin saakin ng masama, "tanga ka ba? Akala ko nagtatatakbo ka na. Ginulat mo 'ko kingina" sabi nito kaya napatawa ako ng mahina at muling sinilip ang bagay na kanina pa niyang tinitignan. Teka si--

"PICTURE YAN NI AJING AH!" sigaw ko na agad naman niyang tinakpan ang bibig ko, napatingin kami sa bintana dahil biglang humangin, "namo ka alam mo 'yon? Mapapatay mo ako sa gulat. Hindi na ako mamamatay dahil sa kutsilyo, mamamatay ako dahil sa boses mo" inis na sabi niya saakin.

"Sorry na. Eh teka bakit may picture dyan si Ajing at bakit wala si Kate dito? At bakit may kutsilyo at may konting dugo yon? Pati na din yung pic ni Ajing?" dere-deretso kong tanong.

"Hindi ko alam" mahina niyang sabi at tumayo. Napalinga linga nalang din ako at nakita ang cellphone ni Kate, "oy, oy. Cellphone ni Kate oh" sabi ko at ibinigay sakanya. Nilagay naman niya sa bag niya iyon at akmang lalabas na sana kami ng--

"HAEIRA! YUKO!" sigaw ni Pia at yumuko nga ako. Kingina may kutsilyong tatalsik papunta saakin, "huta papatayin nga ata ako" sabi ko tapos tumayo na kami at naglakad palabas ng kwarto ni Kate.

Nakalabas na kami at sasaraduhan na sana ni Pia ang pinto ng bigla niyang ikinilabog ang pinto na agad akong napatingin sakanya.

"Galit ka? Galit?" tanong ko ng biglang may umuslit na parang karayom, ay hindi kutsilyo ito, "hindi ko naman kakalabugin ang pinto kung gusto ko nang mamatay 'no" sabi nito saakin at hinila na niya ako paalis.

--

Pnsphy 2016-2017

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now