Chapter 15

45 12 2
                                    

Seventh Attack - Fast Skills

Empty Seat

--

Kate's Point of View

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Hannz. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino dahil sa nangyari kay Ate niya, ni hindi man lang daw niya nakita ang bangkay ng Ate niya. Ayoko kasing ipakita dahil baka lumala lalo ang kanyang galit kina Farrah eh malayong malayo namang patayin nina Farrah si Ajing.

"Hannz tara na, kain na muna tayo" mahina kong sambit sakanya at hinagod ang kanyang likod. Nakahiga kasi siya ngayon sa kama niya. Nakadapa siya at hindi siya nakatingin saakin. Akala naman niya maniniwala akong natutulog siya? Eh naririnig ko kaya ang mahina niyang pag-iyak.

"Hannz naman. 'Wag ka nang malungkot please. Makakasama yan sayo sige ka" pananakot ko pero parang wala naman siyang pake sa sinabi ko. Napabuntong hininga nalang ako. Tumayo na muna ako mula saaking pinagka-uupuan at nilibot ang kwarto ni Hannz.

Maganda ang kwarto ni Hannz at parang masasabi mo ding parang hindi lalaki ang nagma-may ari nito. Malinis si Hannz sa katawan at malambing din. Hindi siya siga katulad ng iba, pala-kaibigan din siya. Hindi din siya pala-away at kahit kanino sumasama siya. Nag iikot ang paningin ko nang may mapansin ako sa may cabinet niya. Lumapit ako rito at laking gulat ko nang magsink in saakin ang nakita ko.

Isang picture ni Ajing na nakangiti (I bet ito yung pic niya sa facebook) at may nakapatong ditong kutsilyo na may dugo. Agad akong tumingin kay Hannz na ngayon ay nakadapa pa din.

"H-hannz a-ano 'to?" natatakot at kabadong tanong ko sakanya sabay pinnakita ang kutsilyo at picture ni Ajing. Agad namang napalingon si Hannz at katulad ng naging reaksyon ko ay nagulat din siya.

"H-hindi ko alam kung p-paano yan napunta dyan!" pag-tanggi ni Hannz at tumayo pa at kinuha ang pic ng Ate niya. Napa-iling ako at agad namang iniwas sakanya ang nakita ko. Tinago ko ito sa likod ko.

"I-ikaw b-ba? I-ikaw ang p-pumatay k-kay Judith? K-kay Dave? K-kay Mikko at M-matt? S-sa mga t-teachers? P-pati n-na din k-kay Ate m-mo?" utal na tanong ko sakanya at napa-atras ng hahawakan niya sana ang braso ko.

"Akin na nga sabi eh!" galit na sambit nito at aagawin sana saakin yung picture at kutsilyo.

"S-so ikaw nga?!" gulat na tanong ko.

"HINDI! Bakit ko naman sila papatayin?! Wala naman silang ginagawa saakin!" inis at galit ang nakikita ko ngayon sa mata niya.

"N-no way" sabi ko at lumingon lingon pero alam kong nakatingin pa rin siya saakin. Napa-atras ulit ako.

"K-kate i-ibigay mo na s-sakin y-yan--"

"So ikaw nga?! I can't believe you!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan, "KATE! HINDI KASE AKO YON!" narinig kong sigaw ni Hannz pero hindi ko siya pinansin at patuloy ang takbo ko hanggang umabot ako sa kwarto ko. Hinagis ko kung saan man yung nakita kong ibidensya laban kay Hannz at umupo sa pinakasulok ng kwarto ko. Tinitigan ko iyon at tinanong sa sarili,

'Bakit magagawa ni Hannz saamin 'yon?'

Unti-unti nang tumulo ang luha ko nang magflashback ang mga nangyari kanina.

Flashback

"Ate!" sigaw ni Hannz. Natakot nga kaming sabihin sakanya ang nangyari kay Ate niya eh, baka kasi magwala, mamatay din katulad ng nangyari kay Ate niya. Mahirap na. Si Hannz ay kapatid ni Ajing, hindi sila kambal pero sabay silang nakapasok sa grade 8.

"Sino?! Sinong may gawa?!" galit na tanong saamin ni Hannz. Hindi kasi siya makapaniwala na wala na ang Ate niya. Nakatungo lang ako. Kasama ko sina Farrah ngayon. Sila ang sumama saakin para sabihin kay hannz ang nangyari kay Ate niya.

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now