Chapter 22

31 9 2
                                    

Tenth Attack - Beeping Dictionary Pt. I
Empty Seat

--

Angel's Point of View

"S-si Ryan? Si Ryan ang pumapatay?" gulat na tanong nina Hannesy saamin. Tumango naman kami isa-isa.

"Kaya pala tumatahimik-tahimik lang siya" sabi naman ni Bonna habang umiiling-iling pa.

"Bakit naman niya kaya nagawa 'yon?" tanong naman ni Ghien, lumingon ako sakanya, "parang ang laki naman ng kasalanan natin sakanya" sabi ko.

"Dapat kailangan natin siyang mahanap at nang matanong natin kung bakit niya ito ginagawa saatin. Bakit niya tayo iniisa-isa" sabi naman ni Trisha.

"Ang huling kita natin ay noong gabi na wala siya at ang araw na 'yon ay 'yong araw na hinahanap niya si-- uhm" sabi ni Pia sabay dahan-dahang tumingin kay Ghien.

"A-ano? A-anong ibig sabihin n-niyo?" pautal-utal na tanong ni Ghien.

"Gosh Ghien! H'wag kang lalabas na walang kasama okay? Baka ikaw ang kasunod" sabi ni Quennie. Bigla namang nanginig si Ghien.

"Nasaan ang mga lalaki?" tanong naman ni Shaira.

"Hindi namin alam. Nagising nalang kami na wala na sila" sabi naman ni Haeira.

"Hala! Baka napatay na sila ni Ryan!" singit naman ni Pia. "Pia nganga" sabi naman ni Fea at nilagyan ng buong tinapay ang bibig ni Pia.

"H'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano" sabi nito. Tumahimik pa kami ng ilang sandali. Paano? Paanong nangyari ito saamin? Ang laki masyado ng galit saamin ni Ryan para isa-isahin kaming patayin.

"Simula ngayon h'wag na h'wag kang aalis na walang kasama okay? Kahit pa pumuntang cr h'wag na h'wag kayong pupunta nang mag-isa, hindi tayo ligtas sa lugar na ito" sabi ni Trisha at nagtanguan naman kami.

"Paano na tayo ngayon?" natatakot na tanong ni Feah.

"Wala na tayong magagawa" sabi naman ni Haeira.

"Hindi ba tayo pwedeng humingi ng tulong sa pulis? Farrah?" baling namin ka Farrah pero umiling lang ito.

"Nawawala ang mga cellphones natin simula noong kinuha nina Haeira sa mga kwarto kwarto natin dati" sabi ko naman.

"Ano ba 'yan. Walang tutulong sa'tin. So ano ito? Tayo-tayo lang ang maglulutas? Gosh" inis na sambit ni Ghien.

"Wala na tayong choice eh" malungkot na sabi ni Trisha.

"Hays so ano nang gagawin natin ngayon?" malungkot na tanong ni Ghien.

"Hanapin natin 'yung mga lalaki!" sigaw naman ni Shaira. Oo nga 'no? Asan na ba 'yung mga 'yon? Ilang minuto na silang nawawala eh.

"Kaya nga, tara na baka may mangyari pang iba" sabi ni Feah kaya isa-isa na kaming naghanap.

"Tandaan lang na h'wag na h'wag kayong maglalakad mag-isa okay? Sige tara na" sabi ni Trisha at naghiwalay-hiwalay na kami

--

Trisha's Point of View

"Ano ba 'yan! Ang hirap naman hanapin 'nong mga lalaking 'yon!" reklamo ni Haeira habang naglalakad kaming apat dito sa field. Napailing nalang si Feah at nanatiling tahimik si Pia.

"Wala tayong magagawa, nagtatago sila kaya kailangang hanapin natin" walang gana kong sagot at bumuntong hininga.

"Sa tingin mo? Nasaan kaya sila?" tanong niya ulit.

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now