Chapter 6

116 32 7
                                    

Second Attack

Empty Seat

--

Vince's Point of View

Hala?! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari pero just what the hell? Bakit bigla-bigla nalang chinop-chop ang buong, as in buong katawan ni Dave? Oo, aaminin kong nakakainis siya minsan pero grabe itong ginawa ah! Pero ang mas naging kakaiba ay wala ang ulo niya? Sobrang nakaka-iba. Nandito kami sa kwarto ni Dave at madami na ding pulis ang nandito. Nang makita namin ito ay agad itong ni-report sa pulis at agad namang pumunta ang mga ito dito. Nagtitingin-tingin na sila kung anong pinagmulan ng lahat.

"Hindi naman pwedeng magpakamatay nalang siya diba? Tsk, tsk, ang tanga naman niya kung magpapakamatay siya diba? Tsaka wala ang ulo niya kaya mas lalong nagsasabi ito na pinatay siya at kung sino man ang pumatay ay kinuha ang ulo niya" sabi ni Timothy habang tumutulong sa mga pulis na nagi-imbestiga.

"Oo nga naman, may tama si Timothy. 'E paano ba nangyari ito? Hindi naman pwedeng gawin niya ito sa sarili niya diba? Tsaka paano niya ito magagawa ng walang kasama diba? Ang laki-laki at ang bibigat ng mga blades na pumatay sa kaniya. Nakakabobo naman ito" sambit naman ni Shawn.

"Oo nga 'e. Paano kaya nangyari 'yon?" takang tanong naman ni Marco habang kumakamot sa batok niya.

Kami-kami lang nina Timothy muna ang nakaka-alam tungkol dito dahil hindi pa namin pinapaalam sa iba. Baka kasi magsumbong ang mga 'yon sa mga teachers tapos kami pa ang mapapagalitan.

"'E teka nga, sino bang naiwan dito kagabi? 'Yong huling kasama ni Dave? Diba tayo-tayo lang din diba? Nagkaroon ng maliit na party dahil 'don sa nangyari kay Dave kahapon diba?" sabi ni Shawn.

"Oo nga. 'Yon nga ang iniisip ko 'e. Sino namang gagawa sa atin? Pwedeng lalaki pero pag-babae? Mukhang malabo, makakita nga lang ng patay halos mahimatay na 'e" sabi ko. "Tsaka siguro may sira sa utak 'yon. Loko-loko siguro ang gumawa nito" pagpapatuloy ko.

"Oo nga 'e" pagsang-ayon naman ni Marco.

"Hoy Timothy! Bakit sobrang dami ng pulis na nandito? May training ba dito ang mga pulis-- oh my God" napasigaw nalang sina Kate nang makita nila ang katawan ni Dave na walang ulo at wala ng buhay.

"Katawan ni Dave 'yan? Sure kayo?" takang tanong ni Hannz. Tumango naman kami.

"Oo pero wala itong ulo nang makita namin" sabi ko.

"'E sinong gumawa niyan kay Dave?" takang tanong naman ni Judith at tinuro pa ang katawan ni Dave.

"HIndi nga namin alam" sabay naming sinabi sa kanila.

"Hah? 'E teka nga, baka naman tayo ang masisi niyan ah? Wala tayong kinalaman kahit na tayo ang huli niyang nakasama kagabi" sabi ni Ajing.

"'E hindi naman sana. Tsaka iniwan naman nating okay siya. Siguro may nakapasok dito sa kwarto niya na may sira ang plaka sa utak kaya pinata si Dave' sabi ni Timothy.

"Mga kababaihan at kalalakihan, anong ganap?" biglang sulpot naman ni Sofia sa harapan namin.

"Oh my God" gulat na sambit niya nang makita ang katawan ni Dave. Sinampal-sampal pa niya ang sarili. Akala siguro nito ay panaginip lang ito. May mga dugo pang nakakalat sa paligid.

"Sinong may gawa nito? Sinong may gawa niyan?!" nakatakip pa ang kamay niya sa bibig niya nang magtanong siya.

"Sobra kung maka-react ah? Hindi nga din namin alam 'e" sabi ni Shawn.

"Teka, tatawagin ko sina Trisha!" sigaw niya at tumakbo na ito palayo sa amin. Ano ba 'yan, tinignan ko nalang ulit ang katawan ni Dave.

Sinong may gawa nito sayo? Bakit ka bigla niyang pinatay? Mayroon ka bang kagalit? May naka-away ka ba na hindi namin alam? At anong rason ang meron siya para patayin ang isang inosenteng tao katulad mo?

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now