Chapter 19

40 10 0
                                    

Ninth Attack - Missing Book Pt. II

Empty Seat

--

Haeira's Point of View

"WTF!" bigla nalang napasigaw si Von kaya naman napatingin agad kami sakanya. Nakatunganga siya sa cabinet na binuksan niya. Napahawak naman sakanya si Jobert habang nakapikit ito.

"Ano ba ya--" hindi naman natuloy ni Pia ang sasabihin niya nang silipin niya ang tinitignan nito.

"SHET! ANO YAN?!" sigaw ni Von na agad namang sinarado ang cabinet. Sa sobrang lakas ng pagkasarado nito ay halos mawasak na ang cabinet.

"Galit ka? Galit?" tanong naman ni Alyssa na kasasarado lang ng pintuan. "Anong nangyari?" takang tanong ni Alyssa na pabalik balik ang tingin saakin at kina Jobert.

"KANINONG ULO YON? HINDI KO MAMUKHAAN!" malakas na sigaw ni Von. Binuksan naman ni Alyssa ito at sa pagkakataong ito ay tinignan ko na din ang ulo na sinasabi nila.

"OH WHAT THE!" sigaw ko at napapunta agad sa banyo ng kwartong ito para sumuka.

"K-kaninong ulo y-yan?" natatakot na tanong ni Alyssa.

"Yo guys nakita niyo ba si Ryan? Nakita ko na yung hinahanap niyang libro. Nasa akin pala, nakalimutan kong ibalik" biglang pasok naman ni Trisha.

"Hoy! Pansinin niyo ako" sabi nito ulit pero walang pumansin sakanya kahit ako na tuloy pa din ang pagsuka.

"Anong nangyayari sainyo?" pumagitna ito kay Pia at Von at nakita ang putol na ulo

"H-hanessy?!" malakas niyang sigaw at halos mamula ang kanyang tenga nang makita niya ito.

"S-sinong naglagay niyan dito?! Oh god!" sigaw ni Trisha. Napatigil naman na ako sa pagsuka. Lumapit ako kay Pia at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"H-hannesy" mahinang sabi ni Pia habang nakatingin sa nagdudugong ulo ni Hannesy.

"Kaya siya nawawala?" kalmadong sabi ni Alyssa. "Ialis natin yan habang wala pa yung iba. Sasabihin nalang natin" sabi ni Trisha. Kumuha naman ng tela si Von at tinabunan ang ulo ni Hannesy. Kumuha si Jobert ng isang malaking plastic at doon nilagay ang ulo. Umupo naman si Alyssa habang nakahawak sa baba.

"Sino kaya ang gumawa 'non?" tanong ni Alyssa. Napatingin naman kami sakanya.

"Hindi ko pa alam kasi wala namang gagawa 'non sa ating mga kaklase at--"

"'Yon ang alam niyo" napalingon kami kay Ghien.

"Ghien? Bakit ka nandito?" lumapit saamin si Ghien at hinawakan ang braso ni Trisha.

"Trisha tulong. Please tulungan tayo-- mamamatay tayong lahat! Wala siyang ititira sa ating lahat. Papatayin niya tayo! Lahat tayo! Masyadong malaki na ang galit niya saatin!" nanlaki naman ang mga mata namin.

"Ghien 'wag kang magsalita ng ganyan. Parang alam mo na kung sino ang pumapatay" sabi naman ni Pia.

"Kilala ko siya-- kilala natin siya! Kilalang kilala!" napailing naman si Alyssa sa sinabi ni Ghien.

"Hindi ngayon ang maganda oras para magbiro Ghien ah" sabi naman ni Alyssa.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" nilakihan ng mata ni Ghien si Alyssa. Tumingin naman siya saamin ng ganon din, "kayo? Hindi ba kayo naniniwala saakin?!" medyo may pagkagalit ang pagkabigkas niyang iyon.

"Ghien tigilan mo na 'yan" awat ni Trisha. Tinulak naman siya ni Ghien na ikinagulat namin.

"Edi 'wag kayong maniwala! Pero pag nalaman niyong totoo ang sinasabi ko, 'wag niyo akong lalapitan!" sigaw nito. Tumayo si Alyssa at nilapitan naman siya ni Pia.

"Ghien stress lang 'yan. 'Wag kang magpadala sa pagkastress mo. Nastre-stress din kami" malumanay na sabi ni Pia.

"Hindi ito stress!" sigaw naman nito. Hinawakan naman nila Alyssa at Pia sa magkabilaang braso si Ghien at dito nagsimulang magpumiglas si Ghien.

"Bitawan niyo ako!" sigaw nito pero hindi nila ito binitawan.

"Guys may pagkain ba tayo diyan? Nagugutom kami" biglang sulpot naman ni Timothy sa may pintuan, "ano din 'yung tinatapon nila Von?" pagpatuloy nito. Bigla namang nabitawan nila Alyssa si Ghien.

"I-ikaw! Bakit mo kami unti-unting pinapatay hah?! 'Wag kang magsisinungaling! Nakita kita! Ikaw ang may kasalanan ng pagkakamatay ng mga kaklase natin! Nina Hanah!" biglang sigaw ni Ghien na ikinagulat namin. Pinagpapalo naman nito si Timothy kaya pinigilan siya nina Shawn.

"Anong sabi mo? Ghien! Nababaliw ka na ba? God, sa dinami-daming nangyari, ako pa ang napili mong sisihin? Kung totoo 'yan edi sana lahat kayo patay na!" lalo kaming nagulat nang sabihin 'yon ni Timothy.

"T-timothy" nanginginig na sabi ni Trisha. Bigla nalang tumakbo palayo si Timothy.

"S-so siya nga?" nanginginig na sabi ni Trisha.

"Tama ako! Ano? Naniniwala na kayo?" tanong ni Ghien habang nakangisi.

Napa-iwas nalang kami ng tingin kay Ghien.

--

Pnsphy 2016-2017

Class 8 - 2:08 AMWhere stories live. Discover now