078

82 6 1
                                    

dis chapter is not chat style okeh /le dugo flow to nose;

- - -

clex' pov

pinindot ko ng pinindot ang elevator pero di pa rin ito bumubukas. wtf it is broken =__=

sinipa sipa ko na ito hanggang sa nadulas ako kaya napa "ow" ako sabay himas sa likod ko. tangina masaket guys.

i dont have a damn choice.. nag stairs na lang ako papuntang 169. ayos lang yan, basta sa babaeng mahal ko, kahit ano gagawin ko. kiligin kayo please.

nakapunta na rin ako sa room 169 at hingal na hingal ako pero napakalapad ng ngiti ko dahil makikita ko na naman si frellix.

puta yung feeling na maiihi ka na lang sa kilig.

napasinghap ako sabay katok ng apat na beses. about a minute, ng wala pa ring bumubukas, kumatok ulit ako pero di na isang pinto ang nakatok ko kundi ang gwapong pagmumukha ni dad.. ang daddy ni frellix. nakangiwi siya at halos magkasalubong na ang mga kilay pero geez gwapo pa rin niya, pakisabi na lang rin kay frellix na sinabi ko to ehehe.

"hello dad-"

nabigla ako ng napaupo na lang ako sa sahig dahil sa lakas na kamaong tumama sa mukha ko.

"walang hiya kang tarantado ka! hayop ka!" biglang lumabas si mom.. ung mommy ni frellix at inawat si dad ng akmang susuntukin ulit ako, "diba binalaan na kita sa simula pa lang na layuan mo na ang anak ko?! diba?! at sinabi ko na sayong layuan mo na siya dahil ayokong may mahal siyang isang lalaki! ayokong masaktan siya dahil diyan sa kondisyon niya!" nakikita kong napapaluha na siya, tumayo ako at pinunasan at dugo sa gilid ng labi kong pumutok dahil sa lakas ng pagsuntok niya.

"pero da-" sinamaan niya ko ng tingin, "i mean... mr. sandoval, mahal na mahal ko po ang anak niyo at ipaglalaban ko siya hanggang sa hu-"

sinuntok na naman niya ang gwapo kong mukha TT^TT

"gago ka ba?!" pinilit niyang kinalas ang kamay niya kay mom at dinuro duro ako habang nakapamewang, "kahit na nasasaktan na ang anak ko.. ayos lang sayo? ha? hayuf tol, nasasaktan ako tuwing naaabutan ko siyang umiiyak paguwi galing sa school niya. tuwing gabi.. lagi ko siyang naririnig na
umiiyak."

"b-bakit po?"

"dahil sayo! dahil ayaw ka niyang mawala sa buhay niya! dahil mahal na mahal ka niya!!"

"a-ano pong konek?" sabay kamot ko sa batok ko.

"gago. mahal na mahal ka niya to the point na nasasaktan na siya dahil gusto ka na niyang kalimutan pero hindi niya kaya dahil andiyan ka.. at di ko alam na chinachat ka pa rin pala niya gamit ang ibang account dahil miss na miss ka na niya at na sa tingin niya, iyon lang ang paraan para iparamdam sayo na mahal ka niya at para makalimutan mo na rin siya pero gago loyal mo rin eh no, hanggang ngayon siya pa rin.. hanggang ngayon si frellix pa rin pala ang laman niyang puso mo."

"p-paano niyo po nalaman yung tungkol sa chat?"

"sinabi sakin ni midge."

"galit po ba kayo sa a-akin?" nauutal kong sambit sabay pikit, hinihintay ko ang pagsuntok ulit niya sakin pero wala akong naramdaman.

jusko, nasa vertigo hotel na ba ako?

"gago bakit ka nakapikit?!" sigaw ni dad kaya dali dali akong napadilat.. nakita kong nakakunot ang noo niya.

i sighed, "galit ka po ba sa akin?"

lumapit siya sakin tsaka niya ako binatukan, "gago. bilib ako sayo kiddo. maswerte ang anak ko dahil nakilala niya ang isang tulad mo.. wag mo siyang iiwan tarantado ka, kapag iniwan mo siya, may mga grupo ng mga badjao na susugod sayo." sabay tawa niya at sinuntok ng mahina ang braso ko. puta ang cool niya guys.

napangiwi ako ng pabiro, "dad naman eh." ginulo niya ang buhok ko kaya napatawa na lang ako.

"kamusta na po ang lagay ni frellix?" this time, seryoso na ang tono ko.

"coma siya" bakas sa boses niya ang lungkot at pag aalala, "kakatapos lang ng surgery niya."

"sana magising na siya bago magpasko.. miss na miss ko na siya." dagdag pa niya.

"frellix is a strong girl.. alam kong matapang po talaga siya, nung time na niligtas ko siya sa mga bullies, hindi siya lumaban at hindi ibig sabihin non ay duwag siya.. pinapakita lang niya na may pinag aralan siya" ngumisi ako, "at dahil po iyon sa sinabi niyo.. mabuti po kayong ama, kayo po ni mom, mabuti po kayong magulang sa kanya at mahal na mahal niya po kayo." napangiti sakin si mom and dad.

"pero mas mahal ako ni frellix." agad napawi ang ngiti nila at halos magdilim na ang paningin ni dad pero natawa na lang kaming tatlo.

"magigising rin siya.." napangiti ako.

"sige na dude, pasok ka na sa loob." tinap ni dad ang likod ko at umalis na sila ni mom, siguro kakain na sila.

napabuntong hininga ako at pumasok sa loob, hindi ko mapigilang mapaiyak ng makita ko siyang nakahiga sa kama at mahimbing ang tulog. may mga nakakabit rin sa kanyang dextrose at mga kung anu-ano. lumapit ako sa kanya at umupo malapit sa kanya.. hinalikan ko ang noo niya.

"h-hi kaykay ko.." tangina umiiyak na ko, siguro kung gising na si frellix ngayon pinagtatawanan na niya ako.

"geez clex.. kelangan mong maging matatag. yang si frellix? sus magigising rin siya.. yan pa ba e nag pangako siya na magpapakasal pa kayo at magkakaroon ng maraming mga anak.." sabay tawa ko dahil sa sarili kong biro. para naman akong tanga, iiyak tatawa.

"kamusta na? masarap ba ang tulog mo? gumising ka na, mags-segseu pa tayo diba?" sabay tawa ko ulit, "biro lang."

napansin ko na suot pa rin pala niya yung necklace niyang may nakaukit na "C ♡ F" napahawak naman bigla ako sa necklace kong may nakaukit rin na "F ♡ C"

"uy kinilig ako.. akala ko sinira mo na yan pero suot mo pa rin pala. hihihi."

napatingin ako sa wrist watch ko at napahikab ako nang makita ko ang oras, 6:31pm pa lang pero inaantok na ko dahil sa pagod.

hinalikan ko ang kamay niya at nahiga sa tabi niya, "goodnight kaykay ko."





frellix。Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon