december 24, 2015
12:36pm
"happy bestfriendsary!!!!" masigla kong sambit kay frellix at pumasok ng room niya, tulog na naman siya.. kailan kaya siya magigising?
pero mas lumapad pa ang ngiti ko. alam ko kasi na magigising pa siya.. alam kong hindi niya ako iiwan. oo alam kong napakaraming hindi naniniwala dito pero.. naniniwala ako sa forever.
wews siguro andami ng umungol- este umangal HAHAHAHAHAHHAHAHAHHHHHAHA.
"paggising mo, magiging tayo rin at is-surprise na kita at hindi iyon bestfriendsary kundi monthsary na ^____________^" inilapag ko sa couch yung balloons at yung board na may design at pictures namin.. nilapag ko naman yung bouquet sa table at sandamakmak na chocolates.
"nakikita mo yon?" sabay turo ko sa mga pictures namin na ginawa ko last night, "paggising mo, pati rin mga anak natin masasama diyan. joke huehue" bata pa kami hahaha.
"dapat talaga street foods yung ibibigay ko sayo pero wala naman yon dito sa cali, pero hayaan mo kapag nakauwi tayo bibilhan pa kita at eat all you can pa" natatawa kong sambit. natandaan ko nga nun nung 13 years old pa lang kami, nung pumunta kaming magbabarkada sa isang park, bumili kami ng kwek-kwek, fishball, isaw etc. except frellix. tinanong ko siya kung bakit di siya bumili at nabigla ako ng di pa pala siya nakakakain non kaya binilhan ko siya. nung una para siyang nadidiri pa pero nang matikman na niya, sabi niya bilhan ko pa raw siya ng maraming marami at halos maubos na pera ko kakabili ng street foods =______=
"ibang iba ka talaga sa mga babaeng nakilala ko.. ibang iba. ikaw walang arte, mabait, medyo matalino pero hindi naman hahaha-" tangina umiiyak na naman ba ko?!
"kailan ka ba magigising uy?" napangiwi ako at tuluyan ng bumuhos ang luha at sipon ko.
napalingon ako sa pintuan at sinamaan sila ng tingin dahil sinira nila yung momentum namin. tsk.
"nakakain ka na?" tanong ni four kaya napailing ako.
"hindi pa."
"oh, tara labas na muna tayo!" masiglang sigaw ni dash kaya napangiwi ako.
"anong gagawin natin don?" tanong ko.
"magb-badjao dance -_-" binatukan siya ni garret at sinamaan ko naman siya ng tingin, di ko talaga alam kung bakit ko sila naging kaibigan, siguro lumalapit lang sila sakin dahil gwapo ako.
"malamang para kumain! diba sabi mo kumain ka na?!"
"ayoko," ngumiwi ako, "walang kasama si frellix."
"ohmygahd clex! seriously wala namang mangyayaring masama sa kanya e, look! she was just sleeping like a sleeping beauty and waiting for her prince charming to kiss her."
"namimilosopo ka ba?" para akong may naramdaman na kung ano.. nakaramdam ako ng galit dahil sa sinabi ni viola. para kasing may kung ano.. parang pinapahiwatig niya na hayaan na namin si frellix at magsaya at maglibot kami dito sa cali kesa sa kanya. putangina uunahin pa ba namin yun?!
"err.." umiwas na lang ng tingin si viola sabay tamad na umupo sa couch.
nang mapansin naman ni viola yung balloons, napangisi siya sabay kuha nito, "dahil ayaw ni clex at kj siya na lumabas tayo.. let's play a game na lang! so here is the game.. ang unang makaputok nitong balloon ay siyang winner. ano game?!"
"t-teka-"
nanlaki ang mga mata namin nang tumayo siya sabay talon sa balloon at pumutok ito ng malakas, napapikit at atsaka dumilat at sinamaan siya ng tingin.
"v-"
"si frellix!!!" biglang tili ni midge at lahat kami ay napatingin kay frellix, napansin ko yung screen sa gilid niya na nagiging straight na, hindi na yung may curve kaya bigla akong napasigaw.
"tumawag kayo ng pulis!" binatukan ni garret si dash.
agad agad akong lumabas at tumawag ng doctor, putangina pag may mangyaring masama kay frellix.. di ko mapapatawad sarili ko.
- - -
kasalukuyan akong andito sa mini chaple dito sa hospital, nagdarasal ako.
"God... mahal na mahal ko po si frellix, please po wag niyo muna siyang kunin sakin oh please? magpapakasal pa po kasi kami at magkakaroon ng maraming mga anak- joke lang po ehehehehe."
"kay frellix ko lang po naramdaman tong nararamdaman ko ngayon.. ngayon ko lang po naramdaman tong kaba, kakaiba po kasi ito.. mas kinakabahan po ako ngayon kaysa mag roller coaster." napabuntong hininga ako.
"God... wag niyo pong papabayaan si frellix ha? mahal na mahal ko po siya.. may tiwala po ako sa kanya at sa iyo.." ngumiti ako at nag sign of the cross.
naglakad na ako papunta sa room na kinaroroonan ngayon ni frellix at nakita kong napaiyak ang mga magulang ni frellix pagka alis ng doctor.
"a-ano pong nangyari kay frellix?" kinakabahan kong tanong nang nakalapit na ako.
mas lalong umiyak si ma nang mas lalo pa siyang naiyak at mas lalo rin akong kinabahan. nakayuko rin si pa at nakikita kong napapaiyak na rin siya.
"a-ano pong.. nangyari?"
"s-s-s-si f-frellix.. a-a *hik* ang anak k-ko..."
"ano pong nangyari?" napaiyak na rin ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
"G-GISING NA SIYA!!!!!!!!!!!!!" napasigaw ako sa tuwa nang sinigaw iyon ni pa at pumunta sa gitna sabay sayaw ng badjao dance.
"gago tol t-tama na yan!" sabi ni pa, "pumasok ka na sa loob."
ngumisi ako sabay takbo sa loob ng room, nadatnan ko si frellix na gising na, nakadilat na ang mga mata niya! thank you God!
"f-frellix!" napatingin siya sakin nang nakakunot ang mga noo.
"s-sino ka?" nanlaki ang mga mata-
"pfft! HAHAHAHAHAHAHAHA GAGO PRICELESS YANG MUKHA MO! HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA JUSME" napaluha siya dahil sa tawa, nagpout naman ako.
"akala ko naman nalimutan mo na ako.."
"i had leukemia not amnesia.. and kahit naman magka amnesia ako, di ka pa rin naman malilimutan nitong puso ko" sabay turo niya sa part ng puso niya sabay taas baba ng kilay niya.
"hashtagkilergs" napalingon kaming pareho sa likod ng pinto ng makita sila, sino pa ba? edi yung mga ungas.
"ohmygaaaaaaaaaahd frellix thank goodness you are awake now!" napayakap ng mahigpit si midge kay frellix in about a minute at kumalas rin naman, atsaka ko inakbayan si frellix.
"erm erm... nagpapasabog na naman kayo ng sweetness ha!" "gago inggit ka lang" at tumawa kaming lahat, napasulyap ako kay viola at nakita ko siyang ngumiti ng pilit.
lumapit si viola kay frellix at hinawakan ang kamay nito, "f-frellix *sob*sob* im so sorry... sorry kung makulit ako, sorry kung pumutok yung balloon.. kinabahan ako, akala ko kung napano ka na. salamat na lang at nagising ka na." kahit na nalilito, ngumiti pa rin si frellix.
"gaga kahit di ko alam ang nangyari.. ayos lang yon!"
"GROUP HUG MGA TRUPAH!"
- - -
ps; MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBASA AT SA MGA MAGBABASA PA LAMANG. MARAMING SALAMAT TALAGA AT SA MGA KAIBIGAN KONG SINUPORTA AKO. ATSAKA SA MGA READERS KONG NAKARATING DITO, SA PART NA TO HAHAHA MARAMING SALAMAT TALAGA KAMSA GOMAWO ARIGATOU!!1!1!11!1!!1!!1!1!1!!!3! SARANGHAE GUYTH I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MA HEARTEU ♡
BINABASA MO ANG
frellix。
Short Storylixlex couple, sila ang magpapatunay na may poreber!! #1 epistolary series [120915] © koeryans 2015