Chapter Six

3K 81 2
                                    

If you ask me how I survived the rest of Camden's birthday celebration, I'd answer I don't know either. Kasi hindi ko talaga alam kung paanong nakatagal pa ako roon kahit na mas mabuting umuwi na ako agad.

After Avery dropped that question, pareho na kaming tahimik na dalawa. Ako, tumahimik dahil hindi ko alam kung anong tamang sagot sa katanungan niya habang siya, tahimik din dahil hindi ko na siya inimik pa.

It's been five days and I haven't heard anything from him since then. Maski sa text ay wala, hindi rin siya nagtitext. Iyong huling text niya pa ay 'yung text niyang hindi ko nireply. Hindi ko rin naman magawang unang magtext dahil sa kaba at baka kasi tanungin niya ang sagot ko, hindi pa ako handa. Baka kasi bigla akong mapaamin, baka kasi masagot kong siya lang 'yung naiisip kong idate. At ayoko. Hindi dahil sa ayaw kong umamin kung hindi dahil sa posibleng isagot niya sa akin.

"Uy. Earth to Shantell..."

Napakurap-kurap ako nang pinitik ni Camden ang daliri niya sa harap ng mukha ko. Nang tignan ko siya ay nakataas lamang ang kanyang kilay habang pinanunuod ako.

Napaayos ako agad ng pagkakaupo at pilit na ngumiti.

"Ayos ka lang?" tanong niya na siyang tinanguan ko.

"Sorry, may naalala lang ako..." sagot ko saka nagpatuloy sa pagtitipa sa aking laptop.

Nasa Library kami ngayon. Wala akong klase sa aking morning class kaya dito ako tumambay pansamantala. Mag-iisang oras na ako rito nang dumating naman si Camden, aniya'y kailangan niyang magresearch para sa isang subject niya. Kaya ayun, hinayaan kong samahan niya ako kasi wala namang masama.

Mas lalong tumaas ang kilay ni Camden saka ako nginisian. He leaned on his chair and crossed his arms as he gave me a look. Ako naman ang napataas ng kilay sa kanya.

"What?"

Hindi siya sumagot at mas lalo pang ngumisi. I frowned at him and decided to ignore him instead. Weirdo.

"I really don't want to interfere but I just really can't keep this to myself," he said. Hindi ko sana siya titignan kung hindi dahil sa susunod niyang sinabi.

"You like Avery, Shan."

I gawked at him, not knowing what to say. Paanong... What?! Did my friends tell him? Sinong nagsabi sa kanya?

He chuckled after seeing my expression. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na baka bitag lang pala iyong sinabi niya at hinuhuli lamang niya ako. At dahil sa ipinakita kong reaksyon sa kanya ay saka niya pa lamang napatunayang tama siya! Damn it!

"What are you saying?" kunwa'y tanong ko pa kahit na alam ko namang wala ng silbi. He already knows. Alam na niyang gusto ko ang kaibigan niya kahit anong pagtatago o pagdideny na gawin ko ngayon.

He sighed. "I noticed it during your second meeting with him. Ayoko sanang isipin na gano'n but it's obvious, Shan." Aniya. "You've got your eyes on him."

"Please don't tell it to him..." 'yun na lamang ang tanging nasabi ko. Pakiramdam ko'y bigla akong nanlumo na hindi ko maintindihan.

Ngumiti si Camden at tumango, and that's the only time I felt relief wash over me. Nagpasalamat ako sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Like it wasn't what he wanted to hear from me. Kaya isinara ko ang aking laptop at itinabi iyon. I fidgeted with my fingers while I try to find the words to say at kung tama bang aminin ko ito sa kanya. Kahit pa sabihing um-oo siyang hindi niya sasabihin kay Avery, I doubt he really won't. Magkaibigan sila and boys will always be boys. Paniguradong sasabihin niya ito hindi lamang kay Avery kundi pati na rin sa iba pa.

Avery Montemayor - He's No Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon