"Kuya Toby!" masayang bati ko sa aking pinakamatandang pinsan nang pumasok na sila sa hall kung saan idaraos ang New Year's party ng kumpanya.
My cousin smiled and returned my hug. Ginulo niya pa ang buhok ko nang bumitaw na siya.
"How's my favorite cousin doing?"
"Ayan! Lumabas din ang katotohanan! May favoritism ka talaga, Kuya! Dideny mo pa sa 'ming wala, huh?" kantiyaw ng iba naming pinsan nang marinig ang sinabi niya.
We laughed at it and I greeted them all.
"I'm doing fine, so far. Kahit stressful ang school ang nakakasurvive pa naman. Though I doubt I could still say this after the break. Magiging abala na ulit kami sa pag-aayos 'nung feasib namin." I sighed when I remembered I still have a lot of reports to finish before the classes resume.
Inakbayan ako ni Kuya Toby at tinapik niya ang aking balikat. "That's okay. You can do it. May background ka naman na sa ganyan dahil sa kumpanya kaya sigurado akong sisiw na lang 'yan sa 'yo."
"Hindi pa naman ako totally natitrain sa kumpanya. Unlike you who's already working there. Ikaw na lang kasi ang magmana. Alam naman nating lahat na ikaw talaga ang pinakasuitable sa posisyon na 'yun eh."
"It's not my thing, Shan." he chuckled. "At alam naman 'yun ng lahat even Grandpa. I'm just helping out for the meantime because you're still studying. Pero once na gumraduate ka na at natrain ka na ng maayos ni Tito, I'll be stepping down from my position."
I pouted. Tumawa pa siya lalo.
"Don't worry I will still be helping out but not in the way the family wants me to. I'll finish Law first then I'll take the Bar exam after and hopefully I'll pass on my first try so I could be one of the company's lawyer. Ayaw mo 'nun? Kapag ikaw na ang head ng kumpanya ay hindi mo na poproblemahin ang babayaran mo sa 'kin because I'll definitely give you a discount."
"One hundred percent off?" biro ko kaya nailing naman siya.
"Naku eto na naman 'yung dalawang walang ibang pinag-usapan kung hindi ang negosyo at kung anu-ano!" sita sa 'min ng aming Tita, ang bunsong kapatid nila Daddy.
Ngumiti kami ni Kuya Toby sa kanya at nagmano.
"Ano na ba'ng balak mo, Cristobal? Aba't mauunahan ka pa yata ng pinsan mong si Nate sa pagkakaroon ng pamilya!" anito kay Kuya Toby habang iyon pinsan naman naming si Nate ay napahinto sa pagsubo ng cupcake nang marinig ang pangalan niya.
"Ako ba tinutukoy ni Tita?"
"May iba pa ba tayong Nate na kamag-anak? Malamang ikaw 'yun!"
"Here we go again, Tita." Kuya Toby scratched the back of his head and I could only chuckle.
Being the eldest not only gives him the responsibility of being the heir of the family's business but also the responsibility of producing the next-in-lines. Mabuti na lamang at naging babae ako dahil tiyak kong matutulad din ako sa aking pinsan.
Or so I thought.
"Si Shan din, Tita! Etong isang 'to ay hindi pa rin nagbo-boyfriend hanggang ngayon. Aba! Sayang magandang lahi natin, cous! Don't tell me walang mga nanliligaw sa 'yo?" biglang baling naman nila sa akin.
Napaturo pa ako sa sarili ko dahil doon. Now I think I know what Kuya Toby feels.
"I'm not in a rush naman po. And besides, I'm just turning 20 next year. Mahaba pa ang oras ko—"
"Ay nako hindi dapat ganyan ang mindset, hija!" saway sa 'kin ni Tita. "You should already have someone in your life as early as now! Kasi mas mahirap maghanap kapag nagtatrabaho ka na! And knowing you, magiging tulad ka rin dito sa Kuya Toby mo na hindi pinaprioritize ang love life!"
BINABASA MO ANG
Avery Montemayor - He's No Prince Charming
RomanceBad Boys Next Door Series Book #1 Shan is a huge fan of fairy tales. She believes in happy ever after. Naniniwala siyang tulad ng mga prinsesa sa mga fairy tale books na nabasa niya, makikilala niya rin ang kanyang knight-in-shining-armour, o kaya...