Ilang saglit pagkaalis ni Avery ay nagpaalam na rin kami ni Accel na babalik na sa aming booth.
"Cel, you go ahead first. CR lang ako."
"Oh. Okay! Sunod ka ha!" tinanguan ko na lamang si Accel at pumasok na agad sa Girl's bathroom.
I stared for a whole minute at my reflection in the mirror and smiled a little.
Hindi ko alam kung ano pa nga bang hinihintay namin ni Avery at hindi pa kami official pero ayos lang sa akin. What we have right now is more than enough. Label na lang naman ang kulang and darating din kami sa puntong iyon sa tamang oras.
And if that time comes, I'll probably be one of the happiest girl in the world.
Matapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na rin ako agad ng banyo. I was humming to myself when someone spoke and scared the shit out of me. Wala pa namang masyadong tao sa building na 'to!
"Sorry. I didn't mean to scare you." nakangiting paghingi ng paumanhin ni Yuji na nakapamulsang nakasandal sa dingding malapit sa banyo.
Tumikhim ako at bahagyang umiling. "It's okay."
"Pabalik ka na sa booth ninyo?" tanong niya na sinagot ko naman ng tango.
"Can I walk with you?"
"Uh... Sure. Paalis ka na ba?"
"Hindi pa naman." He smiled again.
Nagsimula na kaming maglakad. For some reasons, I don't really feel awkward with him. Hindi rin naman ako kumportableng kasama siya, sakto lang. Is it because he's related with Avery? Pwede bang maging dahilan 'yon?
"How long have you known Avery?" out of the blue niyang tanong kaya napalingon ako sa kanya na may pagtataka. "I hope you don't mind me asking. Pwede namang hindi mo sagutin kung ayaw mo."
"It's okay." I said. "More than five months na rin kaming magkakilalang dalawa. I met him thru Camden, in case you didn't know."
"That part, I know of it. Tsaka 'yung sa parteng si Camden ang unang may gusto sa iyo."
Mas chismoso talaga ang mga lalaki hindi lang halata. I'm sure of it now. Lalo na ang grupo nila.
"Kung sakali bang pinagpatuloy ni Camden ang pangungulit niya sa iyo, will you still notice Avery?"
For the nth time, umiling ako. "Siguro kung nagpatuloy si Camden sa pangungulit, I will never even meet Avery. Or maybe I would. Pero..."
"Pero baka hindi kayo ganito ngayon?" dugtong niya. Tumango naman ako.
Yuji smiled and nodded his head knowingly.
"You know... Isla likes you. You're probably the second girl she liked for his brother."
"Second?" hindi ko naiwasang maitanong right after he said that. Pangalawa?
"Yeah." Yuji smiled innocently. "She told me about you kaya nacurious din ako sa 'yo. I wanna meet the girl who makes my frigid cousin change. And now that I've finally met you, oo nga. Iba nga talaga ang epekto mo kay Avery."
Wala sa loob na tumango na lamang ako kahit na sa totoo lang ay bothered na ako nung sinabi niyang pangalawang babaeng nagustuhan ni Isla para kay Avery. Gusto kong malaman kung sino 'yung una at kung bakit hindi siya nababanggit ni Avery...
But is it okay for me to ask about it? Am I allowed to?
Hindi ko namalayang nakarating na kami sa booth sa sobrang occupied ng utak ko. kung hindi nga lang tinapik ni Yuji ang balikat ko ay hindi pa ako hihinto sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Avery Montemayor - He's No Prince Charming
RomanceBad Boys Next Door Series Book #1 Shan is a huge fan of fairy tales. She believes in happy ever after. Naniniwala siyang tulad ng mga prinsesa sa mga fairy tale books na nabasa niya, makikilala niya rin ang kanyang knight-in-shining-armour, o kaya...