Tulad ng napag-usapan namin, sinundo ako ni Kace sa bahay ng 8 o'clock.
"Good morning." Bati niya saka matapos akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan.
"Morning."
Napansin ko agad ang porma niya. He's wearing a black dress shirt tucked inside his gray slacks. Not his usual outfit na nakasanayan kong makita. He's a bit formal today.
"You look formal." Puna ko sa kanya habang nasa daan na kami patungo sa venue ng kanilang press conference.
"Pupunta kasi ako sa office mamaya." Aniya habang nakatutok sa kalsada ang mga mata.
"Nagpatawag ng meeting ang board. I have to attend it dahil medyo matagal ko ring iniasa ang kompanya sa COO."
"Well, you've been busy with the preparations for your new album and sa mga gigs ninyo. I'm sure naman maiintindihan nila 'yon. That shouldn't be a concern dahil ginagawa mo pa rin naman ang trabaho mo kahit abala ka sa career mo in music industry." I said.
Tumango naman siya. "They do understand my situation. I just really must make an appearance every now and then to make sure that the company's running smooth. May tiwala naman ako sa mga tauhan ko."
"You got my Kuya Toby to back you up naman if you'll encounter problems. He's always willing to help."
My cousin became their company lawyer three years ago. I didn't recommend him. In fact, nagulat nga ako nang malaman kong ang pinsan ko pala ang tumayong abogado nila noong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng isang investor. The dispute had been settled at hanggang ngayon naman ay investor pa rin nila iyon.
"He said congrats pala, by the way. Humihingi rin ng pasensya dahil hindi nakadalo kahapon sa album launch ninyo. May hearing yata siya kahapon."
"Oo nga. Tumawag rin kahapon sa akin. Medyo malaking kaso yata ang hawak niya ngayon."
I sighed. That is one of the most controversial cases in the country right now. Paano kasi ay nainvolve na pala ang parehong kampo sa parehong krimen din years ago ngunit mukhang nakalusot 'yung kabila dahil sa pagiging maimpluwensya ng pamilya. Ngayon, hindi ko na lang alam kung pareho pa rin ang magiging kahahantungan. Kuya Toby is one of the plaintiff's lawyer. Most cases na hinahandle niya, kung hindi nagkakaroon ng agreement, palaging nahahatulan ng guilty ang kabilang kampo. He's handled a lot of high-risk cases but knowing Kuya Toby, wala lang iyon sa kanya.
Kasama niya sa kampo niya ay iyong si Attorney Fatima Dillon. She's the same age as I am. And as far as I could remember, she topped the Bar Exam two years ago and has been one of the most sought-after lawyers of the country. Nakilala ko siya dahil nasa iisang law firm sila ni Kuya Toby. And she's one of our corporation's lawyers. Coming from a family of lawyers, magaling din talaga siyang abogado.
"I know the defendant actually. Kaibigan ni Lowell." Ani Kace kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Really?"
Tumango siya bilang sagot tsaka nailing.
"The guy's bad news."
"Why does Lowell hang with people like him then?"
"They are college classmates, Shan." iniliko ni Kace ang sasakyan. "At business partners din yata."
"So... pwede siyang madamay sa kaso na ito kung sakali?"
"Unang beses pa lang, damay na siya." aniya.
Nacurious ako bigla. Isa kasi si Lowell sa mga tahimik lang na kaibigan nila. I've seen him a few times pero hindi tulad nila Kace na naging kaclose ko, siya ay iba talaga ang aura kaya hindi kami kahit kailan nagkaroon ng conversation. Hindi siya kasing friendly ni Camden.
BINABASA MO ANG
Avery Montemayor - He's No Prince Charming
RomantikBad Boys Next Door Series Book #1 Shan is a huge fan of fairy tales. She believes in happy ever after. Naniniwala siyang tulad ng mga prinsesa sa mga fairy tale books na nabasa niya, makikilala niya rin ang kanyang knight-in-shining-armour, o kaya...