Chapter Seventeen

795 28 3
                                    

After our foundation week, naging madalang ang pagpaparamdam ni Avery. Hindi tulad dati na halos buong araw kaming magkatext o tawagan kapag hindi kami nagkikita, ngayon sobrang dalang niya nang magreply.

Ngayon nga ay nasa bleachers ako sa field ng aming campus at nakatunganga lamang habang pinanunuod ang mga soccer players na nagwawarm up para marahil sa kanilang training. Tanaw ko mula sa aking kinauupuan si Trevor na nag-i-stretch. Naisip ko si Justice.

And speaking of Justice, nakita kong paparating siya kasama iyong si Juan Carlos or mas kilala namin sa tawag na Carl. Nagtatawanan ang dalawa.

Napakunot ang noo ko. Kelan pa naging close ang dalawang ito?

Napalingon sa aking pwesto si Justice at agad siyang kumaway. Kumaway naman ako pabalik at nag-ayos ng upo.

"Hi Shan!" bati niya saka bumeso nang makalapit. Si Carl naman ay nakabuntot lang sa kanya, sa balikat ay nakasukbit ang bag. Naka-attire na siyang pangtraining.

"Hi." Bati rin nito sa akin na tinanguan ko naman. He doesn't need to introduce himself. Kilala ko na siya.

"Sige Carl, you go ahead. Nagsisimula na pala ang warm-ups niyo. Naabala pa kita." Ani Justice sa kasama.

Umiling naman ito saka ngumiti. "It's okay, hindi ka naman abala, Justice. Paano? See you later?"

"Yeah. See you..." at pinanuod na naming dalawa na bumaba si Carl doon sa mga kateam niya.

Nakita pa naming inakbayan siya 'nung isa at mukhang may tinanong na kung ano kaya naman lumingon sa pwesto namin ito. Ngumiti ito kay Justice na ginantihan naman ng aking kaibigan.

Pero hindi iyon ang napansin ko kung hindi ang pagtigil ni Trevor sa ginagawa at paglingon niya rin sa pwesto namin ni Justice. Naabutan niya pang nakatingin din ako sa kanya kaya malungkot lang siyang ngumiti at tumango bago nag-iwas na ng tingin. Napailing ako.

Bumaling ako sa aking kaibigan na nakaupo na ngayon sa aking tabi. She was still smiling when she looked at me. Nawala lang 'yun nang napansin niya ang paninitig ko sa kanya.

"What?"

"Nothing." I shrugged. "Talaga palang pinursue ka 'nung Carl?"

Justice timidly nodded her head and averted her eyes from me.

"He did. Noong last day ng foundation week natin, I bumped into him when I went to the powder room. He asked me if I received the flowers and I told him oo and I thanked him of course. Ayun, medyo nagkakwentuhan kami saglit bago niya ako tinanong kung gusto ko bang sumama sa kanya on a date Sunday after that. I... I said yes..."

Tinitigan ko siya saglit. I was trying to find something in her face but when I couldn't find it, napangiti ako. Finally, huh?

"Are you happy?"

Natigilan siya saglit. May tinitigan siya mula sa field and I didn't have to trace her sight to know who it was because I know very well kung sino iyon.

"I can't say that I'm happy yet but...you know, everything feels new to me. Almost all my life revolved around one person only. I loved only one guy who never really appreciated what I felt for him. Nasanay akong ako 'yung nag-i-effort, Shan. So, now that someone's doing the things I did for Trev, nakakapanibago. But it feels nice. To be appreciated, to be pursued, to see someone make efforts for me..."

Niyakap ko siya mula sa gilid at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

I don't think I need to tell her this but I'm truly happy for Justice. Siguro ay masakit para sa kanya na hindi iyong lalaking minahal niya ang gumagawa nito para sa kanya but in time, I think she'll realize na mas mabuti nang ganito.

Avery Montemayor - He's No Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon