Chapter Seven

3K 77 4
                                    

Bihira akong magsuot ng dress sa school dahil ang hassle kumilos lalo kapag nagmamadali. But today is different. I'm going to have a date with Avery so might as well try to look my best, right? Mabuti na nga rin at natapat sa araw kung kailan ay hindi namin kailangang mag-uniform sa school ang paglabas namin kundi ay nakakaasiwa namang sumama sa kanya na nakauniporme ako habang siya ay nakaporma.

Tinukso naman ako agad ni Accel nang magkita kami sa classroom at nakita niya ang ayos ko.

"You look so girly today! I'm not used to it!" tawa niya habang sinisipat ako.

Nakabraid ang aking mahabang buhok at naglagay din ako ng konting make-up, iyong mukhang natural lang at hindi sobra. Kaya hindi nakapagtatakang ganito ang reaksyon ng aking kaibigan dahil hindi naman ako madalas mag-ayos ng ganito. Ngayong araw lang talaga. And I probably should get used to this lalo na kung...

"Anong meron? Bakit nakaporma?" she queried, ang mapanuksong ngiti ay hindi nawawala sa mukha. "Bakit blooming? What's up with you today, Shan? May birthday ba?"

"Wala! Stop it!" irap ko sa kanya. "Tumigil ka nga, Accel! What's wrong with wearing a dress? Nakita mo na akong mag-ayos ng ganito noon."

Humalakhak pa siya kaya napalingon naman ang aming mga kaklase sa kanya.

"Yeah, right! Maniwala akong wala!" tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya napatalon ako sa kiliti. "Ano nga kasi? Come on! Ngayon ka pa talaga magtatago!"

"Wala kasi!" pag-uulit ko habang nag-iiwas ng tingin. Ayaw ko munang sabihin sa kanila dahil baka majinx tulad noong unang beses kong sinabi na gusto ko si Avery pagkatapos ay nakita ko siyang kasama ang kapatid na napagkamalan kong kanyang girlfriend.

"Weh? As in wala talaga?" pagpipilit niya. "Spill, Shantell Alvarado! I know you're hiding something from us! Ano, kayo na ni Avery?"

"Accel, hindi! Ano ka ba!" pinamulahan na ako ng mukha.

"Weh! Justice told me that you were with Avery the whole time doon sa birthday party ni Camden! Are you saying that she's lying?" pinanliitan niya ako ng mata.

"Hindi. What I'm saying is that hindi kami ni Avery! You're too advanced!"

Mas lalo siyang tumawa kaya pakiramdam ko ay maiirita na ako.

"Fine, fine! If you don't wanna tell me then alright..." pagkatapos niyon ay tumigil na siya pero 'yung tingin niya sa akin ay nang-aasar pa rin kaya makailang ulit ko pa siyang inirapan.

After the first class ay naghiwalay na kami para tumungo sa susunod naming mga klase at hindi ko maiwasang hilingin na sana bumilis na ang takbo ng oras at sana ay four o'clock na!

Halos wala akong maintindihan sa mga klase ko dahil sa magkahalong kaba at excitement para sa mangyayari mamaya.

This is not the first time I'll be on a date with a guy. I've entertained invitations before but after the first date, hindi na iyon nasusundan pa. It's always because I just couldn't see myself going out with them so instead of making them wait for nothing, sinasabi ko na agad na ayaw ko the next day after the date. Marami naman sa kanila ang mabait at matino, pero... Ewan ko. Ayaw ko lang talagang magpanggap na may pag-asa kung wala naman talaga. I may seem heartless for being frank but not heartless enough to make someone wait for me just to get a no later on.

My class ended at exactly four o'clock. Nagmamadaling nagtungo sa ladies' room para magretouch bago ko itinext si Avery na tapos na ang aking klase. Mabilis siyang nagreply kaya bumaba na ako para hintayin siya sa kung saan niya ako naabutan kahapon.

And just like yesterday, I saw the same guy waiting in front of our school gate. Ngayon ay hindi na siya nakauniporme at may bitbit siyang isang pulang box. Tinitigan ko siya. Gusto ko sanang lapitan upang tanungin kung tama nga ba ang hinala ko pero hinayaan ko na lang. Una, dahil sigurado akong hindi niya ako kilala. Pangalawa, alam kong tama ako ng hinala. At pangatlo, siguro naman ay siya mismo ang magsasabi sa 'min kung sakali mang totoo nga ang naiisip ko.

Avery Montemayor - He's No Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon