Chapter Four

3.3K 103 2
                                    

Saturday and I was stuck in the house with nothing to do. Wala kasi akong klase dahil nasa isang conference ang aming propesor at abala naman sa ibang bagay ang aking mga kaibigan. My parents are out of town for a business trip kaya ako lang at ang mga kasambahay ang naiwan sa bahay.

"I'm so bored..." bumuntong hininga ako tsaka sumalampak sa sofa na nasa aming sala. I turned the TV on and randomly browsed the channels.

Hindi pa man lumalagpas ang limang minuto kong panunuod ay pinatay ko na ang TV at muling bumuntong hininga. I picked my phone up from the coffee table to check if there are new messages pero wala kaya napanguso ako. I haven't gotten any replies from Avery since this morning which is very unusual considering the fact that ever since we started texting, mabilis siyang magreply. Kapag naman abala siya ay nagsasabi siya. Ngayon, hindi ko alam kung bakit hindi siya nagrireply pa.

It's been two weeks since the last time I saw him pero dalawang linggo na rin kaming madalas magkatext. Nang malaman iyon ng mga kaibigan ko ay agad nilang binigyang malisya ito na mabilis ko namang itinanggi. Pero syempre, sinabi ko na rin naman sa kanila ang pagkakagusto ko kay Avery in which they got so excited about. Bihira daw kasi akong magkacrush at sa nakikita raw nila ay mukhang may pag-asa naman ako kung magpapatuloy na ganito ang sitwasyon namin. Maging ako ay muntik na rin namang maniwala kung hindi ko lamang naalala na wala akong alam tungkol sa personal na buhay ni Avery. He might have a girlfriend for all we know...

I sighed heavily tsaka binitawan ang aking cellphone. Na agad ko rin namang dinampot ulit nang bigla iyong tumunog. Camden's name registered on my phone screen at sa obvious na dahilan ay nawala ang excitement na naramdaman ko.

"Hello, Shan! What's up?" bungad na bati niya agad sa 'kin nang sagutin ko ang tawag.

"Hey, eto wala naman. I'm at home with nothing to do. Why did you ask?"

"So, is it safe for me to assume that you're free the whole day?"

Wala sa sariling umoo naman ako kahit medyo naguguluhan sa kanyang pagiging excited.

"That's great! Gusto sana kitang imbitahan sa birthday celebration ko later. Don't worry, invited din sila Justice so you won't feel out of place—"

"Teka, teka, it's your birthday?" putol ko sa kanya tsaka ako umayos ng pagkakaupo.

"Ah, yeah." He chuckled on the other line. "It is."

"Oh, happy birthday! Sorry hindi ko alam na birthday mo pala!"

"Thank you. It's okay, no big deal!" tumawa siyang muli. "So, can I expect to see you later? If you want, I can even pick you up and drive you home after the party."

"No, you don't have to. I'll be there so just send me the address and magpapahatid na lang ako papunta. Also, mga anong ba?"

And so, Camden told me the details for his party bago niya ibinaba ang tawag. Tumayo na ako sa sofa at umakyat sa aking kwarto para makapag-ayos. Pupunta muna ako sa mall para bumili ng regalo bago ako didiretso sa kanila. He said it's going to be a pool party kaya hinanap ko ang aking one piece swimsuit sa aking cabinet at inilagay sa bag na aking bibitbitin.

Nagsend ako ng text sa aking parents habang nasa byahe na ako papunta sa mall. Nang makarating ay inabisuhan ko ang driver na ititext ko na lamang siya kapag magpapahatid na ako sa kila Camden.

I went inside the mall and saka ko narealize na hindi ko alam kung anong bibilhin kong regalo para kay Camden gayong hindi ko naman alam kung ano bang mga hilig niya. So I sent Eireann a text to ask for her advice dahil sa aming magkakaibigan siya ang pinakamaalam sa mga bagay na ganto. I walked around while waiting for her reply nang bigla akong napapasok sa isang boutique just to hide from a person who's very familiar to me.

Avery Montemayor - He's No Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon