Chapter 2: Deal

320 25 0
                                    

Nagising ako mag aalasotso na.
 
 
 
Pambihira. Anong oras na. Alas dyis pasok ko. Isang oras pa byahe ko.
 
 
 
Pambihira talaga.
 
 
 
Tumayo ako agad sa higaan saka pumasok ng cr.
 
 
 
Nagmadali akong maligo dahil kailangan. Di ko to usually ginagawa pero kailangan ko talagang magmadali.
 
 

Ano bang ginawa ko kahapon?
 
 
 
"Sinasabi ko na nga ba namamalikmata lang ako. Hay Kent may sayad ka talaga. Bumili ka pa ng sapatos. Basang basa ka pa."
 
  
 
Umuwi pala akong basang basa kagabi at dahil pagod ako nakatulog ako. Natuyuan na ako ng basang damit habang tulog. Kaya pala parang magkakasakit pa ako.
 
 
 
Pagkatapos kong maligo. Agad kong hinanap yung sapatos na binili ko kagabi.
 
 
 
"San ko ba nilagay yun?"
 
 

Naghalungkat na ako sa ilalim ng kama ko sa aparador pero wala pa din imposible naman sigurong tinapon ko yun.
 
 
 
Bumili ba talaga ako?
 

 
Hindi kaya? Imagination ko lang yung mga nangyari kahapon?

 
 
Ay Kent nababaliw ka na.
 
 
 
Chineck ko yung wallet ko habang nagbibihis. 200 na lang pera ko.
 
 
 
So ibig sabihin bumili talaga ako ng sapatos?
 
 
 
Napatingin ako bigla sa paligid ko. Tahimik lang ako at malalim na nagiisip.

 

Paano nangyari yun?
 
 
 
Hay. Ewan di ko alam. Ayoko ng alamin.
 


Kinuha ko na yung mga pinamili ko para sa bulletin board tsaka umalis ng bahay.
 
 

Pagbaba ko. Nanonood na naman ng balita si Kentarou.
 
 

"Hindi pa rin nahahanap ang labi ng limang estudyante na sinasabing kasama sa nahulog na bus sa Baguio"
 
 

"Kentarou. Ilipat mo nga yan"
 
 

"Nacucurious lang ako kuya. Tatlong buwan na yung balita na to di pa din nasosolve. Kawawa naman"
 


Kinuha ko na yung remote saka nilipat sa Hero.
 
 

"Yan ang panoorin mo. Alis na ko"
 


"Siya nga pala kuya. Anong ginagawa mo sa kwarto mo kagabi at may mga kumakalabog? Nagwawala ka ba?"



"Ha?"
 


Tulog na ako kagabi ah.
 
 

"Pinagsasabi mo?"
 

 
"Wala hayaan mo na. Bye"
 

 
Lumabas na ako ng bahay at naglakad.
 
 

Mainit na. Tirik na araw. Mabuti't may payong akong binili.
 

 
Habang naglalakad ako di ko alam pero parang may sumusunod sa akin.
 

 
Ayoko namang lumingon. Nakakatamad.
 
 

Nagmamadali nga pala ako.
 

 
Binilisan ko yung lakad ko at naririnig ko na binibilisan din nung sumusunod sa akin yung lakad niya.
 
 

"Sandali pagod na ako"

Halis mabitawan ko yung payong ko sa narinig ko. Naramdaman ko ding parang nagbend yung tuhod ko bigla na parang nawalan ng lakas.
 
 
 
Napalingon ako sa gulat sa kung sino yung nagsalita?



"I-ikaw?" Agad ko ding binawi yung pagkakaturo ko sa kanya. Lumingon lingon ako sa paligid saka kinagat yung daliri ko at baka manuno ako bigla.
 
 
 
"Oo ako. Parang gulat na gulat ka naman"



"Teka. Paanong...paano ka. Paano?"



"Ha? Wala akong naintindihan"



Napatingin ako sa paa niya.



Suot niya yung sapatos na binili ko kagabi.



"Paano mo nakuha yan?"
 


"Sinuot ko?"

 

"Paano?"
 

 
Takang taka talaga ako sa mga nangyayari na hindi ko na maintindihan. Ano na ba'to? Baliw na ba talaga ako?
 

 
"Mr. Kent Vinyl Arellano. Kumalma ka"



"Teka nga. Kagabi nawala ka. Umuwi na ako ng basang basa. Natulog ako. Paano ka .. Paano mo nakuha yan. Paano?"



May dumaang magkakariton sa gilid kaya nanahimik ako at nagkunwaring may kausap sa phone.



"Ahh oh sige papasok na ako"


 
Lumagpas na si Manong.
 

 
"Andun ako kagabi. Paanong di mo ko nakita. At hindi lang ikaw ang basang basa ah. Basang basa na din ako kagabi. Pagbalik mo ginaw na ginaw na ako. Tas di mo ko nakita? Sinundan kita hanggang sa bahay niyo?"

 

"Ha?"



"Anong ha? Nasa likod mo lang ako kagabi. Di ko alam kung bakit di mo ko nakita"



Napahawak ako sa ulo ko na parang mahihimatay na ako sa kaguluhang 'to.

 

"Okay okay. I'll just pretend you didn't exist okay"


 
"Hoy wag kang pretentious. Di to panaginip. Yes nakikita mo ko. At kung multo ba ako o hindi di ko alam. Pero ikaw lang ang nakakakita sa akin. At kung multo man ako. Ang ganda ko namang multo"
 


Napa wow na lang ako sa hangin tsaka naglakad paalis.

 
 
Pero sumusunod pa din siya.
 

 
"Nagtataka din talaga ako bakit di mo ko nakita kagabi eh. May oras lang ba na pwede mo kong makita?"
 


Di ko siya pinapansin. Nagaabang na ako ng bus na masasakyan ng bigla siyang magsalita.
 

 
"Siya nga pala. Pwede kong mahawakan ang kahit anong bagay na nahahawakan niyo. Natry ko na yan kahapon. Pwede rin nila akong mabangga. Pwede nila akong maramdaman. Pero ikaw lang ang nakakakita sa akin. Kaya bawal ka sa jeep okay kasi pag siksikan na. Iisipin nila anong meron dun sa inuupuan ko at di sila makausog. Dba?"



Tama naman.


 
"Another one. Wag kang magsasalita sa harap ng tao. I mean wag mo kong kausapin. Hayaan mo lang akong magsalita. Okay"
 


Tama naman ulit.
 


"Okay ba?" paminigurado nya na naiintindihan ko yung sinasabi niya.

 

Okay naman.
 


"Huy Kent Okay ba?"
 
 
 
"Oo nga okay nga!!"

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon