(Gianna's POV)
Kanina pa niya ko tinitingnan na para bang kilalang kilala niya ko.
“Sir, may sasabihin ka ba? Kasi una di kita kilala at imposibleng kilala mo din ako. O stalker ka ba? Admirer o kung ano man?”
Ngumiti at umiling lang siya na parangconfused.
“Ah No. It’s just that you look very familiar”
“Hoy di mo ko madadaan sa kakaganyan mo. Marami ng nagtry niyan para kunin yung number ko. Akin na phone mo”
“What?”
“Sabi ko akin na phone mo”
Binigay naman din niya agad.
Walang lock. Kaya sinave ko na number ko. Di ko din alam bakit ko yun ginawa. Siguro dahil may hitsura naman siya. Tsaka para di na siya mahirapab alam ko namang hihingin niya din number ko.
“Oh”
Sabay abot ng phone sa kanya. Nakatingin pa din siya habang inaabot niya yung phone niya.
“Andiyan na yung number ko. Okay ka na ba?”
“Ha?” Parang bigpa siyang nagising sa sinabi ko. “Hindi ko naman hinihi…”
“Shhhhh. Sige na una na ako ha.”
Naglakaf na ko derederetso palabas ng shop.
Ang weird. Kung hindi lang siya gwapo baka di ko yun nagawa baka nagiskandalo ako.
Haay. Gianna ewan ko sa’yo.
-----
Did I just saw Denise?
Yung mata, ilong, bibig, mukha, height. Si Denise yun? Pero imposible. Imposible. Isa pa iba yung pangalan niya, di niya kilala si Denise. Nahihibang lang ba ako?
Gianna? The name is Gianna ang layo nga naman sa Denise. Pero bakit sila magkamukha?
Nakaupo pa din ako sa coffee shop nang may makita akong naiwan dun sa upuan.
Sketch pad.
Tiningnan ko yung sketch pad dun.
Baka naiwan niya ‘to. Isasauli ko na lang may number naman niya ako.
Umalis na ako ng shop saka bumalik sa firm.
“Bakit ngayon ka lang? Kailangan ko na yung blueprint”
“Ha?”
“Yung blueprint!”
“Ahh oo nga. Tatawagan si Mr. Hinomori nakaready na yung blueprint nila”
“Siya nga pala. Hindi pwedeng di ka sumama sa Japan ahh kailangan kita dun.”
“Ahh sige sige. Wala naman akong magagawa”
“Anong nangyari sayo ba’t parang preoccupied na preoccupied ka?”
“Ha wala. Nasobrahan lang siguro ako sa kape”
“Sigurado ka? Baka mamaya kung ano na yan ah.”
“Baliw anong iniisip mo?”
“Hulaan ko nakakita ka ng multo”
Ganun na nga.
“Ha? Ano bang sinasabi mo”
“Haha. O sige na. Mauna na ako. Mamayang gabi may pa dinner daw sila Ric. Sumama ka kasi magpopropose daw siya kay Maris mamaya.”
BINABASA MO ANG
When She Died
ParanormalAng weird lang. May multo bang harmless? May multo bang nawawala sa ulan? Minsan nakakabaliw na lang talaga yung nangayayari sa earth eh. Napahinga ako ng malalim habang tintingnan siya. Nakatayo ako sa gitnan ng kalsada habang umuulan. "Hey!! Kung...