Chapter 9: Lost

176 22 2
                                    

Isang nakaririnding katahimikan pa din kahit magkasama na kami ni Denise. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagiba siya, imposible naman dahil wala naman siyang emosyon dapat.

Kinuha ko yung sapatos ko na nabasa kanina ng shake. Nakalimutan kong itanong na bakit nga pala di ko siya nakiya kanina nung nabangga ko siya.


"Denise.."
 

"Uy bakit nabasa yang sapatos mo?"


Nagulat ako sa tanong niya na para bang di niya alam kung bakit nabasa yung sapatos ko kanina dahil sa kanya.


Tumawa lang ako.


"Haha"

"Anong nakakatawa?"



"Ikaw pa talaga ang di nakakaalam bakit 'to nabasa no. Eh nabangga nga kita kanina"


Tumingin siya sa akin ng nagtataka habang nagtatali ng buhok.


"Ako?"


"Oo"


"Ba't di ko alam?"

"Ewan ko ba't di mo alam"


"Eh nung naguusap kayo ni Altair kanina kakarating ko lang"


Ako naman ang mas lalong nagtaka sa sinabi niya. Hindi naman ako pwedeng magkamali kanina may nabangga talaga ako na di ko nakita.


Tumaas yung balahibo ko na di ko maintindihan kung bakit.

"Matulog na tayo baka imahinasyon ko lang yung kanina"


Humiga ako pero nagiisip pa din ako kung ano yun.


"Siya nga pala Kent"

"Hmm?"


Pareho na kaming nakahiga sa magkabilang dulo ng kama.


Di siya nagkukumot dahil di naman siya nilalamig, di naman niya nararamdaman yung lamig.


"Bukas na yung concert diba? Pupunta ka ba?"


Oo nga pala. Naalala ko na naman na may pinangakuan ako.


Hindi ko naman masabing di ako pupunta dahil nakapangako na nga ako.


"Okay lang naman. Kasi bukas aalis din ako. Lalabas kami ni Altair"


Medyo nagpanting yung taenga ko kaya napalingon ako sa kanya at tumalikod.



"Bakit? San kayo pupunta?"


"Wala mamamasyal lang"


Di naman ako pwedeng humindi dahil baka sabihin niya pinagbabawalan ko siya.


"Sige ikaw bahala"


Tumalikod na din ako.


Wala naman akong nararamdamang espesyal kay Denise. Sadyang espesyal na tao lang talaga siya.


Kung may nararamdaman man ako sa isang tao at kung sino yun. Sa akin na lang yun.


Friday 6pm


Nauna akong makarating sa Arena pero wala pa si Trixie. Tatawagan niya siguro ako mamaya. Wala pa naman akong load.


Nagvibrate yung phone ko.


When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon