Chapter 17: Stars

172 20 3
                                    

Sana magustuhan niya.

I may now be the happiest man alive. Ngayon na okay na kami ng family ko, na wala na akong sama ng loob sa sarili ko na even si Keen eh di naman galit sa akin despite of what happened.

I learned a lot. Pakiramdam ko tumatanda na nga talaga ako.

Ilang buwan na lang graduation na panibagong yugto ng buhay. Tas board exam, tapos certified Architect na. Harinawa.

Wala na akong mahihiling pa kundi simple at maayos na pamumuhay syempre kasama lahat ng taong nasa paligid ko.

Kahit alam kong magiging busy ako ngayong araw nakuha ko pa talagang dumaan ng mall para lang bumili neto. At ang mahal ah.

Tumunog yung phone ko.

Si Syrene.

"Hello?"

"Huy ano na were here na sa Zambales. I bet di ka pa nakakaalis diyan. Nagaayos na kami ng mga decorations para mamayang gabi."

Siya nga pala yung apo nang may ari ng school na Vice President ng student council. Kaya di na kami nakapalag na sa barko gaganapin yung year-end party for graduating students eh dahil di ka naman talaga makakapalag sa luho nila.

Sinigurado naman nila na less than what we expect ang babayaran ng mga estudyante. Na nangyare naman. Masyado nga lang malayo yung Batangas para sa venue from manila.

"Inaantay ko lang yung kasabay ko. Papunta na ako diyan"

"Sige bilisan mo"

Nakaayos na yung mga gamit ko kagabi ako na lang hinihintay.

Tagal naman ni Altair. Tinanggihan ko na nga si Kuya na siya maghatid sa akin eh para di niya na din ako mabisto sa ka weirduhan ko. Muntik na nga kami mabisto nung nakaraan. Pambihira talaga.

Ilang minuto lang nakarating na ako sa bahay. Nilabas ko na mga dadalhin ko. Yung coat, polo, tie, slacks, belt, sapatos lahat ng gagamitin for decor. At itong malaking box na'to.

Si Altair na lang kulang.

Tumunog na naman phone ko.

"Hey Kent, labas ka na. Sorry natagalan. Tanghali na napahiram ni Tito yung kotse."

"Ang tagal mo. Alas onse na anong oras tayo makakarating sa venue. Magaayos pa ako"

"Oo nga eto na nga"

Binaba ko na yung phone.

"Huy tulungan mo nga ko magbuhat"

Sabi ko kay Denise na kanina pa inip na inip at gustong gusto na makapunta ng Batangas.

"Baliw ka ba? Edi nakita nila na lumulutang yung hawak ko?"

"Haay. Sige wag na. Sunod ka sa akin baka masarahan ka ng pinto maiwan ka pa."

"Okay Boss. Aye aye captain"

Pinasok ko na sa likod ng kotse yung malaking box at sa loob naman yung mga susuutin ko. Andun din yung susuutin ni Altair.

"Ano ba kasi tong malaking box na'to?" Si Denise.

"Diyan kita ilalagay mamaya pag nagkulit ka. Pumasok ka na."

Sa passenger seat na ako umupo at si Denise lang ang nasa likod. Syempre di naman siya nakikita ng lahat kaya mukhang walang tao sa likod.

"Bakit kasi wala kayong kotse at sa Tito mo pa kayo nanghiram? Sa yaman niyong yan"

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon