(Kent's POV)Naalimpungatan ako na nakahiga ako sa balikat ng katabi ko.
Agad naman akong napabalikwas. Dahil natutulog din yun.
Nagpasalamat na lang ako at hindi niya ako nakilala.
Lumanding yung eroplano. Nagising yung babae hindi ko siya nilingon oh kahit sa peripheral vision man lang. Nakakahiya naman kasi, isa pa hindi rin naman niya alam na humiga ako sa balikat niya.
Dumere deretso lang siya ng lakad hanggang makababa kami. Paglabas halos hindi ko na din siya nakita dahil sa dami ng tao.
Dumating naman agad si Kuya Kenji para ihatid ako sa resort nila sa Batangas.
"Kuya!" si Kentarou.
"Bakit po?"
"I think I saw someone familiar?"
"Saan?"
"Kanina sa airport"
I remember. Si Kentarou ang huling nakakita kay Denise 5 years ago.
"Sino naman?"
"Your girlfriend"
Nagkatinginan naman kami ni Kuya Kenji.
"Kentarou ano bang pinagsasabi mo diyan. Maglaro ka na nga lang" sabi ni Kuya.
Ngumiti naman ako at tumingin sa labas. Siguro tama na din 'to. Tama na din na itigil ko tong kabaliwan ko. Mas mabuti nang maging ala-ala na lang ang lahat.
Dalawang oras pa yung lumipas bago kami nakarating sa resort.
Nakapagpahinga naman ako sa eroplano kaya di naman ako gaanong pagod.
Hinatid lang ako nila Kuya at babalik na sila sa Manila.
Solo ko yung lugar.
Derederetso akong naglakad sa dagat at tiningnan yung paglubog ng araw.
Binagsak ko yung gamit ko sa buhangin saka pumikit.
May mga kabanata talaga ng buhay na nagtatapos nang hindi masaya.
Pero makapal pa naman yung libro. Napakadami pang mangyayari. Magbubukas pa yung panibagong kabanata.
Sana sa susunod na kwento. Happy na yung ending.
Siguro naman I deserve a happy ending. Everyone does.
Umupo ako sa buhangin at nilabas yung phone ko sakto namang tumatawag si Kuya.
"Hello?"
"Kent, nakalimutan ko, may pupunta pala diyan sa susunod na araw for a photo shoot. Saglit lang yun. Kung may kailangan sila pwedeng ikaw muna ang kumausap. May mga tao naman diyan na pwede mong utusan."
"Bakit di mo sinabi agad na hindi ko rin pala masosolo yung lugar?"
"Saglit lang naman sila diyan don't worry"
Nagpaalam na ako at binaba yung phone. Tinanggal ko din yung sim. At niligpit sa bag ko.
Bahala sila diyan basta hindi ako magpapakita sa kanila bukas.
Bitibit yung gamit ko marahan akong bumangon at naglakad papuntang cottage.
I will spend my week here.
BINABASA MO ANG
When She Died
ParanormalAng weird lang. May multo bang harmless? May multo bang nawawala sa ulan? Minsan nakakabaliw na lang talaga yung nangayayari sa earth eh. Napahinga ako ng malalim habang tintingnan siya. Nakatayo ako sa gitnan ng kalsada habang umuulan. "Hey!! Kung...