(Kenji's POV)
"Kentarou!"
"Po?"
"Anong itsura ng girlfriend ni Ken-ken?" tinutukoy ko si Kent. Ganun kasi tawag ko sa kanya nung mga bata pa kami hanggang ngayon naman. Kaya lang dahil bihira akong umuwi dito. Di ko na din siya natatawag ng ganun.
"Maganda"
"Panong maganda"
"Ewan ko feeling ko lang maganda. Kasi minsan naririnig ko si kuya Kent sa kwarto niya na may kausap. Pero pag gabing gabi na wala na. Baka umuuwi na yung girlfriend niya pagka gabi na"
"Sinong may girlfriend?" Si Mommy habang naglalagay ng pagkain sa mesa. "At nasaan na ba si Kent. Mag aalasdose na"
"Ah pauwi na daw siya, may binili lang" Kapag nababanggit talaga si Kent seryoso ang mood ni Mommy. Si Daddy naman di lang nagsasalita.
Naririnig ni Kentarou na may kausap si Kent sa kwarto pero di pa niya nakikita. Ang weird naman. Di ba yun dumadaan dito sa sala? Di ba siya nagsasabi na 'Oy may bisita ako'.
Bakit di niya pinapakilala sa amin? Kahit sa akin na lang.
Ano bang pinaggagawa mo sa buhay Kent. Graduating student ka pa naman. Magtino muna.
Bumukas yung pinto sa kalagitnaan ng pag-iisip ko.
Nagulat ako at nagsalita si Mommy.
"Umupo ka na dito at kakain na. Kung saan saan ka pa pumunta"
Malamig pa rin ang pagkakasabi niya nun pero alam mong nag-aalala pa din naman siya kay Kent.
Di nagsalita si Kent at umupo lang saka kumain. Pahapyaw ko siyang tinitingnan tingnan habang kumakain pero nakaderetso lang ang atensyon niya sa kinakain niya.
Makikita mo sa aura niya na parang may mabigay siyang dinadala na hindi ko maintindihan.
Pagkatapos kumain dumere deretso lang siya paakyat sa kwarto niya. Hindi naman nagsalita sila mommy sa ginawa niya.
Nagligpit ako ng pinagkainan saka ako umakyat sa taas at pinakinggan ung pintuan niya.
"Huy Kent nagugutom na din ako"
Nagulat ako sa narinig ko. Boses ng babae.
"Mamaya na kapag wala na sila sa baba. Pano ako magdadala dito"
"Ano ba yan kahit pasimple lang. Wag mo kong ginugutom grabe ka ilang araw na ako dito nung nakaraang mga araw lang ako nagsimulang kumain. Di ka ba naawa?"
Naguguluhan ako sa naririnig ko dahil sumasabay yung ingay ng mga bata sa labas, mga nagkakantahan pati yung tugtog sa loob ng kwarto ni Kent.
Bakit may babae sa kwarto niya? Kanina pa ba yun nandun? Kasi wala naman siyang kasamang pumasok at umakyat. Nahihiwagaan ako na hindi ko maintindihan.
Maya maya pa pinihit ko ng dahan dahan yung doorknob tsaka bahagyang binuksan yung pintuan.
Nakaupo si Kent sa kama at nakaharap sa may malapit sa pwesto ng desktop. Di ko makita kung sino yung kausap niya dahil bahagya lang yung pagkakabukas ng pinto.
Pinagpapawisan yung kamay ko at kinakabahan ako sa ginagawa ko na naeexcite ako na hindi ko maintindihan.
Tumayo ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
When She Died
ParanormalAng weird lang. May multo bang harmless? May multo bang nawawala sa ulan? Minsan nakakabaliw na lang talaga yung nangayayari sa earth eh. Napahinga ako ng malalim habang tintingnan siya. Nakatayo ako sa gitnan ng kalsada habang umuulan. "Hey!! Kung...