Chapter 1

87 4 1
                                    

Janine's POV

Room 4

Talaga bang kasama ko sa room si Shawn? Okay so katabi ko rin pala  s'ya? Oo crush ko s'ya pero may nililigawan 'yan at iyon si Ally. Kung pwede ko lamang burahin sa isip at puso n'ya yung babaeng iyon ginawa kona.

"Hoy babae! Kinikilig ka nanaman, tara na nga! wag kanang umasa oy!"

"Tsk, grabe ka Khyrie! Oo na sige umaasa na ako tanga ako eh. Pero diba nagmamahal lang naman ako? Hindi ba pwede iyon?"
Mahabang tugon ko kay Khyrie, "Hindi kaya no! Atsaka bakit ako kikiligin? Duh, hindi ako umaasa, saksak nya sa baga n'ya si Ally!" Nakakainis minsan 'tong si Khyrie! Lagi na lang akong nire-realtalk.

Nagpunta na lang kami sa malapit na cafe dito sa school since open gate siya pag break namin. Nakita ko sina Shawn na pumasok sa isang fastfood chain kasama sina Gian, Nathan, Rj, Chris, Rowvi and  Barry.

Napatingin ako sa bintana at nakita kong nakatingin si Shawan sa'kin.

"Ihh! Ang haba ng pila, sa iba na lang tayo." Sabi ni Angie na inip na inip na. Tss, ang arte di naman maganda. Kaya ayun para hindi na magtampo nagpunta kami sa Pizza Hut. Habang naglalakad kami nakasalubong ang kilay ko dahil hindi ko pa na kakabisado yung speech sa english. Pagkatapos pa naman ng break english na. So wala ako sa mood.

"Guys, 3:51 na! Bilisan n'yo nga! 'Di pako nakakapag memorize."

At ayun tumakbo kami parang sira lang. Nakarating din kami sa wakas and good news wala raw yung student teacher namin.

Tumabi sa akin si Shawn syempre, kase ganon yung sitting arrangement sa last period namin.

"Janine, katabi pala kita sa room. Pwede bang mag request?"

Sabi ni Shawn. Oo alam ko na yung request mo, yung magpapalit kami ng pwesto ni Ally diba?!

"Ano naman 'yon?"

"Sa closing party nukas, pwede ba kayong magpalit ng room ni Ally?”

Alam ko, Shawn. Hindi mo pa natatanong, alam ko na. Sa sinabi mong 'yan, na teary eyed ako, buti na lang talaga hindi pumatak 'yong luha ko.

"Ah sige, magpapalit kami. Excuse me lang I will go to cr."

Lumabas ako at nagpunta sa comfort room para doon ilabas ang sama ng loob ko. Ang tanga ko lang bakit ba kasi patuloy akong umaasa? Bigla na lamang akong naiyak at hindi ko alam na nakasunod sa akin si Khyrie at Angie, kaya lubos akong nahihiya.

"Tahan na Janine, marami pang lalaki sa mundo hindi ka mauubusan." Sabi sa akin ni Khyrie habang hinihimas ang likod ko. Dahil doon lalo akong naiyak.

"Tsaka Janine, ayaw mo ba akong kasama? Doon din 'yung room ko bukas?"

Sabi ni Angie, oo nga pala, room din n'ya iyon kaya tumahan ako ng kaunti dahil alam kong magkasama kami ng room.

"Salamat sa pagcomfort sa akin ah? True best friends talaga kayo."

Ayon,  niyakap ko sila para sa group hug nami. Kayakap ko sila, patuloy parin ako sa pag iyak at naglaon tumigil na rin ako at pumasok na sa aming silid.

Shawn POV

"Ah sige, magpapalit kami. Excuse me I will go to cr."

Ang saya ko talaga makakatabi ko si Ally bukas. Buti na lamang at pumayag si Janine na magpalit sila pero hindi pa alam ni Ally na siya ang makakatabi ko. Tsk,  kinikilig ako! Am I a gay?!

Pero naawa ako kay Janine kasi nakita ko at ramdam ko kanina yung dinaramdam n'ya. Alam kong mahal n'ya ako dahil halata sya eh. Pero naka focus ako kay Ally. Im sorry.

Nagustuhan ko rin naman si Janine, dati.

Lalo na yung sweet smile niya nalulusaw ako,  hanggang ngayon at ayoko s'yang umiiyak dahil nasasaktan din ako. Ang saya ko nga eh kasi last period s'ya 'yong katabi ko.

Teary eyed sya kanina, at  nakita ko iyon. Dahil doon nalilito ako sa kanilang dalawa. Pero na realize ko na, hindi ako mamahalin ni Ally kahit kailan dahil ang tinitibok ng puso nito ay si Melvie.

Habang nag lelesson si Ma'am nakita kong pumasok na sila Janine, nagpaumanhin sila kay Ma'am. Pagkatapos umupo na siya. Dahil katabi ko s'ya makakausap ko s'ya ng maayos.

"Janine?"

"Uhh Shawn, pumapayag na ako, tutal makakasama ko naman d'on si Angie."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon nagsmile s'ya sa akin pero nakikita ko sakanyang mga mata ang kalungkutan.

"Uhh Janine, ayoko na sanang magpalit kayo ni Ally. Huwag na kayong magpalit."

"Shawn okay lang ako, sige na."

Pagpipilit ni Janine na nag teart eyed ulit.

"Ayoko na ngang magpalit kayo, hindi mo ba iyon naiintindihan?!"

Napasigaw ako at nagtinginan lahat ng mga kaklase namin kaya nagalit si Maam at pinalabas kaming dalawa. Chance ko ng makausap sya.

Noong nakalabas na kami dirediretso lang s'ya papunta sa open field ng school.

"Janine!"

Di n'ya talaga ako pinansin kaya tumakbo ako at hinila sya at dinala ko siya sa likod ng classroom na abandonado. Walang dumadaan na estudyante dito kaya makakapag usap kami ng maayos.

"Ano bang problema mo ha?!"

Pagalit na sigaw ni Janine at pilit kumakawala sa aking mga kamay. Bigla ko s'yang niyakap at itinulak niya ako.

"Ikaw ang problema ko.." I murmured.

"Bakit ba?! Ano na naman bang kasalanan ko sayo?! Binigay ko na nga yung gusto mo kahit masakit! Oo na,  tanga na ako kasi all these time naghahabol at umaasa parin ako sayo! Hindi ka naman mahal ni Ally pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo sakanya. Kahit ligawan mo sya ng thousand years di ka n'ya sasagutin dahil may iba syang mahal!"

Agad nya akong tinulak at tumakbo palayo habang umiiyak.

MAHAL KITA...

Killer's POV

So bukas na pala ang closing party. Hmm, sino kayang uunahin ko?

Sinabi ko sa aking sarili habang nasa kwarto ako at hawak hawak ang mga litrato nilang lahat uunahin ko muna ito pagkatapos ay mag eempake narin ako para sa '2 weeks' na closing party  at ililapag ko iyon sa sahig.

Mini mini myni mo, sino ang una kong papatayin.

Kumakanta ako habang tinuturo turo ang mga litrato nila at pagakatapos ng kanta tumigil  ang aking daliri sa isang kaklase ko.

Ikaw ang una,  humanda kana! 

Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon