Glaix's POV
Noong inannounce pa lang 'tong closing party na ito. Masama na talaga ang kutob ko, ayaw ko sanang sumama kaso pinilit ako ni Grethel. Iba ang pakiramdam ko noong paalis pa lang kami at bigla na lang nangasar si Angel at naimbyerna talaga ako ng todo. Tangina! Nakakainis na siya! Naiinis ako sa mukha niyang puro make- up. Buti na lang talaga at napigilan nila ako sa gagawin kong mas malala sakanya.
I'm a great fighter and trashtalker. Matalino ako when it comes to mysterious things happenning arround me.
Ang ayaw ko lang talaga sa closing party na ito ay 'yong room arrangement namin. Well, di na ako nagtataka kasi ang bobo lang nung nag arrange saamin. Tsk, isasama yung lalake sa mga babae? Hindi ba naisip ni Nicole na delikado iyon? At ang mas malala pa is room mates kami ni Nathan. Sawang sawa na ako sa presensya niya! Katabi ko siya sa room, ka group ko, at marami pang iba. It's not that I hate him pero ganito talaga ako.
Ang saya.
Yan yung pumasok sa isip ko noong bago pa mawala si Ally. Tinatrashtalk ko yung mga GGSS saamin at wala silang magawa. Huh, nanlalaban lang kasi pag nakatalikod ka na at puro sila sabunot! Pag ako talaga nawalan ng timpi baka pinaglalamayan na sila ngayon.
*flashback
"Nath! Tignan mo 'to!" Sabi ko kay Nath at pinakita ko yung palad ko sakanya. "Anong laman?"
"Wala." Sagot ni Nath saakin.
"Ganyan yung feelings ko sayo, WALA!" Naiirita kong sagot sakanya.
"Glaix naman..." Ramdam ko ang pagod sa kanyang boses noong sinabi niya ang pangalan ko. Nag confess siya sakin six months ago na gusto niya ako, at hanggang ngayon, kinukulit niya pa rin ako. Well, may appeal siya kaya okay lang. It's not that tumitingin ako sa itsura ng mga taong gugustuhin ko , ha? He's smart! Marami siyang alam sa mga gadgets and kung paano gumawa non. Noong ngang nasira yung phone ko eh bigla niya na lang iyong kinuha at inayos.
"Nathan." Seryoso kong sagot sakanya at napatingin sa likod niya kung sino yung dumating, it's Danielle. Napa roll eyes na lang ako kasi nakita ko siya. Gusto ko tuloy kantahin yung isang sulyap mo.
SA ISANG SULYAP KO AY NAKAKOPYA AKO PARA BANG HIMALA NAKA PERFECT AKO.
Puta. Ang daya niya kaya! Ako nga, nagpapakahirap sa grade ko, tss.
"Nathan..." Sambit ni Danielle at tumayo na ako doon at umalis. Kainis! Nanliligaw pero lumalandi.
Nagpunta ako sa gilid ng pool at nakita ko si Ally na pumasok sa loob. "Boo!" Bigla na lang akong ginulat ni Chis at nasapak ko siya. Pasalamat siya hindi ako na hulog log log---- okay stop.
Kinanta ko yun sa isip ko at saktong nahulog si Barry sa pool dahil ang tanga niya. Inapakan niya yung balat ng saging eh nakita niya naman! Ano yun, try lang ganon?! Mga walang common sense!
Dahil inis na inis ako sakanila, nagpunta na lang ako sa room namin at nakita ko dun si Nath na nakahiga sa kama namin. Yep, katabi ko pa siya!
Lumapit ako sa kama at nahiga doon. Naramdaman ko na nag side si Nath para makita akong nakahiga. "Bakit?" Tanong ko habang nakapikit. "Wala naman.." Binuksan ko ang aking mga mata at umupo sa kama, tinignan ko yung ginagawa niya sa cellphone niya, nag ma-minecraft. "Wow! Ang ganda niyan ah?" Nakita ko siyang ngumiti sa sinabi ko. "Talaga? Hayaan mo pag kinas---" Hindi natapos ni Nath ang sasabihin niya sana ng may biglang sumigaw.
"Tulonggggggg!!!!!"
Nagkatinginan kami ni Nath at tumayo, dahan dahan naming binukas yung pintuan dahil hindi kami tanga para mag OA dahil may sumigaw lang. Nanggaling ang sigaw na iyon sa hallway. Nagtago kami sa isang batong harang at may nakita kami ni Nath na anino at nakita kong meron siyang sinaksak.
BINABASA MO ANG
Silent Killer
Mistério / SuspenseHumanda kayo... Sisikapin kong mapatay kayong lahat! Hahahah Maghihiganti ako sa mga ginawa nyo sa akin! Wala akong ititira sa inyong lahat !!