FHFH #38

6.4K 105 11
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^

“Love is just one part of a substance of a good relationship.”

 

“A-Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa dyan? Narinig mong lahat?” - - Cloud

Tumango lang si Raine sa lahat nang tanong ni Cloud. Hindi nya alam kung ano ang dapat maramdaman sa lahat nang narinig nya.

Lumapit si Cloud sa kanya tsaka sya nito tinitigan sa mga mata nya.

“I’m so sorry Raine. Sorry talaga.” - - Cloud

Tinitigan lang din sya ni Raine sa mga mata. Ilang minuto silang nagtagal sa ganung posisyon hanggang sa magsalita na si Raine.

“Para saan?” - - Raine

“Para sa lahat nang ginawa ko sayo. Alam kong maraming beses kitang nasaktan pero sana maintindihan mo na naging ganun lang ako kasi nasasaktan din ako.” - - Cloud

“Nasasaktan ka?” - - Raine

“Oo kasi hindi ko kayang may kasama kang ibang lalaki lalo na ‘yung Miguel na ‘yun.” - - Cloud

“Dapat ba kong matuwa dahil nagseselos ka o dapat akong magalit kasi wala kang ginawa?” - - Raine

“Dapat ba kong may gawin? May karapatan ba ko Raine? Wala naman diba?” - - Cloud

“Bakit ba kay Miguel napunta ang usapan natin?” - - Raine

“Gusto kong malaman kung gusto mo ba sya? Gusto kong malaman kung kayo ba?” - - Cloud

“Bakit mo tinatanong? Wala naman na ta…---- Cloud! Anong ginagawa mo!?” nagulat si Raine at nataranta nang biglang lumuhod si Cloud sa harap nya. Hinawakan ni Cloud ang dalawa nyang kamay.

“Ulan ko… mahal na mahal kita. Please give me another chance. Ayoko makita ulit na masaya ka sa piling nang lalaking ‘yun. Gusto ko ako lang magpapangiti at magpapatawa sayo. Gusto ko ako lang ang mamahalin mo. Please come back to me. I love you Ulan ko.” - - Cloud

Frigid Heartbeats of Frozen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon