FHFH #57

5.3K 102 3
                                    

“Knock on your conscience.”

[Red’s POV]

“What the hell are you thinking Ash?!” I rolled my eyes. Argh! Napatingin ako kay Slurpy and he gave a ‘I-am-very-sorry-darling’ look. As if naman may magagawa pa ko eh nandito na ang lalaking ‘to. What a very awesome breakfast to start my day.

“How many times do I have to tell you that I am fine?” sabi ko kay Pritz.

“But you almost---”

“Dizziness, vomiting and headache won’t kill me.” I sarcastically said.

“Ang tigas nang ulo mo!” ramdam ko nang galit na galit sya.

“You know me.” humiga ako sa couch tsaka ko tinakpan nang unan ang mga tenga ko showing him that I don’t want to hear anymore about this thing of mine. I had enough.

I heard him sigh. Sign of defeat? “You know your situation Ash, nag-aalala lang ako. Bakit ba ayaw mong ingatan ang sarili mo?” hindi naman sa ayaw kong ingatan ang sarili ko, ayoko lang siguro itreat ang sarili ko na palaging may sakit.

Buti na lang pagkagising ko at saktong pagdating naman ni Pritz ay nakaalis na si Light. Kung nandito pa sya panigurado akong sasabihin na ni Pritz kay Light ang tungkol sa situation ko dahil sa sobrang galit nya.

Bumangon na ko tsaka ako dumiretso sa room ko. “Ashley!” he yelled pero hindi ko sya pinansin. Sorry Pritz, don’t want to talk about this anymore.

Nagbihis na ko and after one hour, I’m off to somewhere. Buti paglabas ko nakaalis na si Pritz, si darling ko naman tahimik lang. Hindi muna ko papasok sa office, I need to unwind.

Nakareceive ako nang message from Light, he said sorry dahil agad syang umalis. May meeting daw sya with his accounting and finance department. Oh yeah, talk about money eh.

“What size ma’am?”

“Grande please.” sagot ko.

“Name ma’am?”

“Red.” sagot ko ulit.

Naghintay lang ako nang ilang minuto pagkatapos nakuha ko na ‘yung chocolate chip cream at umorder din ako nang isang slice nang cake.

Pumwesto ako malapit sa glass window, this is my way of chilling out. Argh! Alone.

I was browsing my phone when suddenly someone approach me, oh… more like---

“Look who’s here.” tumingin ako sa kanya with my poker face. Ngumiti sya sakin then umupo sya sa chair na katapat nang akin kahit hindi ko sya inaalok. Kung alam ko lang na makikita nya ko dito sana pala naglakad-lakad na lang ako sa labas.

“What are you doing here Lady Red?” tinaas ko ang iniinom ko tsaka ako tumingin sa cake ko. Common sense, meron naman siguro sya. “Haha! Sorry, what a silly question.” buti alam nya. Binalik ko ang tingin ko sa phone ko to check my emails.

“You’re hiding something.” ano daw? Ako ba kausap nito? “Ano kaya ‘yung something na ‘yun na hindi mo sinasabi kay Light?” this time tumingin na talaga ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Ano bang pinagsasasabi nang Kaye Lintao na ‘to?

“I heard Gecca saying something na hindi pwedeng sabihin kay Light. Why?” nakangiti nyang tanong. Pero yung ngiti nya nakakaasar. Napailing na lang ako. Ano kaya exactly ang narinig nya?

Frigid Heartbeats of Frozen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon