FHFH #10

8.4K 131 7
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^

“I hate how my feelings control me.”

[Cloud’s POV]

Kanina pa ko dito sa labas nang school nila pero hanggang ngayon hindi pa rin sya lumalabas. Nasaan na ba ang babeng ‘yun? I hate waiting.

Inutusan ako ni mama na sunduin si Raine dahil hindi nya dala ang kotse nya at dahil gabi na rin ang end nang class nya. Magteten na nang gabi wala pa rin sya. Akala ko ba 9pm lang tapos nang class nya. Tsk! Ano na kayang nangyarin dun?

I tried to call her many times already pero hindi nya sinasagot. Inisnub ba ko nun o ano?

*Ring!* *Ring!*

 “Hello mama?”

[Hijo pasensya ka na ah ikaw ang nautusan ko ah. Kasama mo na ba sya?]

“Hindi pa po ma. Sigurado po ba kayong 9pm tapos nang klase nya?”

[Oo hijo. Sinubukan mo na ba syang tawagan?]

“Many times po pero hindi nya sinasagot. Sige po mama, hihintayin ko na lang po si Raine dito. Kapag nakauwi na po sya sabihin nyo na lang po sakin.”

[Naku Cloud. Salamat ha. Ewan ko ba kasi sa batang ‘yan kung bakit hindi dinala ang kotse nya.]

“Okay lang po mama.”

[Sige. Salamat. Bye.]

“Sige po.”

Hindi ‘yun si mama as in my real mom. Mama ‘yun ni Raine.

Naghintay pa ko nang ilang oras, halos wala nang tao sa school kung hindi ‘yung mga guard na lang. Tumingin ako sa orasan ko at lagpas alas-dose na nang gabi. Lalo naman akong kinabahan.

Raine ano ba!? Hindi nya sinasagot mga tawag ko! Wala pa ata sya sa bahay nila! Bwiset! Bakit ba nya ko laging pinag-aalala! Napaka naman talaga oh! Kapag may nangyari sa kanyang masama humanda talaga sya sakin!

Tinawagan ko si Manager Cassie.

[Oh Cloud.] bungad sakin ni manager Cassie. Ang ingay sa background, may mga nagsisigawan at ang magulong music. JUREDAINE na JUREDAINE.

“Manager… itatanong ko lang sana kung nandyan si Raine?”

I heard her sighed [Yeah. She’s here.]

“HUH!? Anong ginagawa nya dyan?! Anong oras pa sya nandyan?!” pota! Raine!

[I don’t know. About 8 or 9pm siguro. Bakit?]

“Tangna naman! Anong ginagawa nya dyan!?”

[As usual. Pero mas marami ngayon Cloud. Mas maraming lalaki.]

Hindi agad ako nakasagot dahil sa narinig ko. “S-Sige.” then I ended the call.

Naihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong isipin o maramdaman. Ginagawa ko ba sa kanya ngayon ang ginawa sakin ni Lindsay dati? Ano ba nangyayari sayo Raine.

Tinawagan ko si mama at sinabi kong nasa JUREDAINE si Raine para hindi na sya masyadong mag-alala.

Pumunta ako nang JUREDAINE para sunduin sya. Pagpasok ko sa loob maraming nagwawalang kabataan, nakakabingi ang malakas na music. Pero napadako ako sa gitna nang bistro dahil parang may pinapanood sila at sumisigaw sila nang ‘Take it off! Take it off!’.

Frigid Heartbeats of Frozen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon