FHFH #56

5.3K 101 9
                                    

“People come and go.”

[Red’s POV]

Nagsimula nang kumanta si Zoey and Jules, hindi ko talaga inaasahang makikita ko sila dito lalo na ang pagkanta nila ngayon.

Nakahawak sa bewang ko si Light habang nakapaikot naman ang mga braso ko sa leeg nya habang nagsasayaw. Nakangiti kaming pareho tsaka kami nakatitig sa mga mata nang isa’t isa. Hindi ko maexplain pero ibang kaligayahan talaga ang nararamdaman ko.

“Para kang baliw dyan.” sabi nya kaya lalo akong napangiti.

“Ikaw din kaya.” sagot ko.

“Masaya lang ako.” sabi nya sabay yakap sakin. Niyakap ko rin sya kaya nagsesway na lang kami habang magkayakap.

“I never thought na makakaramdam ako nang ganitong klaseng kaligayahan.” hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya then I closed my eyes habang finifeel ang kanta nang dalawa.

“And I never thought na magiging ganyan ka ring kavocal sa nararamdaman mo sakin.” sabi nya sabay tawa.

“Kahit kelan hindi ako nahiya sayo. Walang hiya ako pagdating sayo nuh.”

“Mahal mo na talaga ako.” hindi tanong ‘yun. Statement ang sinabi nya.

“Bakit? Nagdududa ka pa ba?” tanong ko.

“Not like that but knowing you, hindi ka madaling painlove-in. Haha!”

“Nahirapan ka ba?”

“Sobra! Kung alam mo lang na muntik ko nang ikamatay ang pagmamahal ko sayo.” seryoso nyang sagot.

“Are you serious? You’re just kidding, aren’t you?” ano ‘to, too much love will kill him?

Instead of answering me, he just laugh tapos naramdaman ko na lang na hinalikan nya ko sa ulo. “By the way, you look so stunning on your dress.” pambobola nya sakin.

“I know.” mabilis kong sagot then he laugh again. “Light…” malambing kong tawag sa kanya.

“Umayos ka Ashley, baka nakakalimutan mong yakap kita.” ano daw? “Baka kung ano magawa ko sayo.” anong pinagsasasabi nito?

“Ikaw ang umayos, may itatanong lang ako. Dorky ka talaga.” sagot ko.

“Ayusin mo kasi yang tono mo! Kinikilabutan ako sayo eh!” medyo napataas ang boses nya.

“Ang dumi kasi nang isip mo.” imagine, tinawag ko lang naman ang pangalan nya kung anu-ano ang sinabi.

“Gwapo ako.” leche.

“Anong kinalaman nang---” nako naman oh. “Back to the topic… gusto lang sana itanong ‘yung tungkol sa isang rose.”

“Which one?”

“Yung sinabi mong wag na ulit kita iiwan. Bakit mo naman naisip na iiwan kita?” malumanay kong tanong. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip nya noong sinusulat nya ‘yun.

Ilang segundo pa siguro bago pa sya sumagot. “People come and go.” maikli nyang sagot.

Nalungkot ako sa naging sagot nya. Sa tingin ko iniisip nya na isa ako sa mga taong aalis.

Frigid Heartbeats of Frozen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon