FHFH #11

8.5K 144 5
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^




“Be ready for the one who’s coming. He’s either a friend or an enemy.”

 



**After one week - International Airport**



“Ma’am okay lang po ba kayo?” tanong nang PA ni Gecca sa kanya. Napansin kasi nang PA nya na kanina pa nakakunot ang noo nya.



“Ano sa tingin mo?!” nasa loob sila nang airport para i-cover ang pagdating nang isang international model. “Sino ba kasi ‘yung model na ‘yun?!” - - Gecca



“Hindi mo sya kilala ma’am?” singit nang cameraman.



“Obvious ba?! Bakit ba ako ang nilagay dito?! Dapat doon ako sa press con ni Mimi Cruz eh!” pagrereklamo ni Gecca.



“Ma’am kaya nga po kayo nilagay dito kasi international model ‘yung darating.” - - PA



“Oh so!? Ano naman kung international model sya!? Tsaka isa pa, hindi ko nga sya kilala! Pano ko sya iinterviewhin kung wala akong alam sa kanya?!” - - Gecca



Kinuha nang PA nya ‘yung tab nya. “Ma’am gusto nyo po i-google natin?” - - PA



“Gusto mong isapak ko sayo ‘yang tab ko!?” sabay irap sa PA nya. “Asan na ba sya?! Ang tagal ha!” - - Gecca



Palakad lakad si Gecca habang hawak ang mike at halatang bored na bored na. Naka-stand by naman ang PA nya at ang cameraman.



Maya-maya pa bigla na lang nagkagulo ang iba pang reporter at press na naroon. Nakisingit na rin ang iba pang civilian.



Agad din namang nakisingit si Gecca para mainterview ‘yung international model.



“Ano ba!? Umalis nga kayo dyan!” hinawi ni Gecca ang mga tao sa harap nya para makapunta sa harap. “Excuse me! Paraan please!” sa pakikipagsiksikan  ni Gecca biglang may bumunggo sa kanya. “Ano ba?!” sabay tingin ni Gecca sa lalaking nakabunggo sa kanya.

Frigid Heartbeats of Frozen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon