FHFH #41

6.4K 118 13
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^

“You’ll never know if you won’t try.” - - Light

**After three days…**

“Ano ba Cloud?! Hindi ka ba talaga titigil kakainom mo!?” sigaw ni Red kay Cloud sabay agaw nang isang boteng tequila na tinutungga nya.

“Ibalik mo nga sakin ‘yan best friend!” - - Cloud

“Wow naman! Buti nakilala mo na rin ako. For the past two days, wala kang nakikita kung hindi si Raine lang!” - - Red

“Kasi sya lang ang laman nang isip at puso ko.” kumuha ulit sya nang bagong alak, binuksan nya ito sabay tungga.

“Ah talaga? So wala na palang veins and blood ‘yang heart mo, buti buhay ka pa.” - - Red

“Bakit ka ba nandito? Hindi ka ba busy sa company mo?” - - Cloud

“Wag mong ibahin ang usapan at isa pa…” dinampot ni Red ang ilang damit pangbabae na nakakalat sa sahig. “To whom clothes are these?!” - - Red

“Ahh… hindi ko na maalala. Sa dami nilang pumunta dito hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila.” - - Cloud

Napatitig si Red sa best friend nya na para bang hindi makapaniwala sa narinig nya.

“No way.” - - Red

“Yes way.” - - Cloud

“You bastard!” sabay hampas nang mga damit kay Cloud.

“Ano na naman!? Best friend ah!” - - Cloud

“Bumalik ka na naman sa dati!? Nambababae ka na naman!? How dare you?!” sabay hampas ulit nang damit kay Cloud.

“Tama na! Oo na! Eh anong magagawa ko!? Kailangan ko nang pampalipas oras!” - - Cloud

“Pampalipas oras mo mukha mo! May dalawa kang…---” - - Red

“Wala pa kong anak ah.” - - Cloud

“Gago! May dalawa kang business! Napapabayaan mo na! Ayusin mo nga ‘yang buhay mo! Alam kong broken hearted ka pero wag mo namang idamay ‘yung mga business mo! Hindi lang ikaw ang maaapektuhan kung may mangyari sa business mo, marami kang pinapasweldong empleyado!” - - Red

“Wala na ko ganang mabuhay pa.” humiga sya sa kama. “Pabayaan mo na lang ako.” - - Cloud

“Tanggalan mo ko nang konsensya, sige pababayaan kita. Pwede ba naman ‘yun!? Best friend mo ko, wala pa si Zoey ngayon para bugbugin ka. Sana pala nag-aral ako nang taekwondo eh.” - - Red

“May balak ka pa talagang bugbugin ako sa kabila nang pinagdadaanan ko?!” - - Cloud

“Uhuh. Why not lalo na kung hindi ka umayos dyan.” - - Red

Tumayo ulit si Cloud at nagbukas na naman sya nang alak sabay tungga hanggang sa maubos nya.

“Baliw ka na Cloud.” - - Red

“Ayaw nya na ko makita kahit kelan pero ako hindi ko kayang hindi sya makasama. Anong gagawin ko?” - - Cloud

“Ayan oh, ginagawa mo na. Nagpapakamatay. Keep up the good work.” - - Red

Frigid Heartbeats of Frozen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon