Chapter 2

17 1 0
                                    


Chapter 2


Vera's POV


After 25 minutes nakarating na din kami kina Ate Leanne. Yeh mayaman silat malaki ang bahay nila o mansion nila. Kaya nga siguro strict ang parents niya. Sila lang naman may-ari ng pinapasukan kong school. Hmm.

 Bumaba naman ako at nakita ko si Ate Leanne na kumakaway sa akin habang nakangiti. I smiled back. At first talaga, ayaw na ayaw ko kay Ate Leanne for Kuya. Ang hinhin kasi kaya ayun naging bitter ako sa kaya. Onti lang! Ayaw ko kasi yung taong sobrang tahimik. Bakit? Basta lang heh. 


 Well nung kaming dalawa lang naiwan kasi may lakad si Kuya, nakipagkwentuhan sya sa akin at ang kalog niya pala. Palakwento siya at mas madami pa siyang tawa kesa sa kwento. Kaya ayun, naging close kami. Open minded naman siya at nakikisabay din sa mga kwento ko. Hahaha nung inaway nga ako ni Kuya eh, sa kanya ako nagsumbong. Para tuloy meron akong ate. Hahahah selos naman si Kuya. Bakit daw mas close kami eh siya yung boyfriend. Edi siya na may lovelife. Pumanget sana siya.


Bumaba na din si Kuya at niyakap si Ate Leanne. Sila na sweet.


"Nilalanggam ako uy.." Tukso ko sakanila. Tumawa lang si Ate Leanne. Si kuya naman tinignan ako ng masama.

Inirapan ko nga ng pabiro. Makayakap kala mo naman isang taong hindi nagkita.


"I miss you hon." Ewhhh ang corny ng kuya ko.


"I miss you too." Akmang maghahalikan ata.


"Ehem"


"HAHAHA bitter yan. Wala kasin jowa." Bleh at binetan ako ni Kuya.


"Pag walang jowa bitter agad? Hindi ba pwedeng wala akong pake sa love love na yan." Tinawanan na naman ulit ako ni Ate Leanne. Nakisabay rin si Kuya.


"Heh magsama kayo. Pwe." At padabog na akong naglakad papasok.


Tawa naman ng tawa yung dalawa na akala mo eh wala nang bukas eh. Batukan ko sila eh..


Nagpunta ako sa sala nila at naupo. Sina kuya at ate naman nagpunta sa kusina. Hmmm akala ko sa bedroom eh. HEHEH!


IIlang sandali pa ay tinawag na ako ni Ate Leanne. Parating na din kasi yung parents niya. Nauna kami ni Kuya sa kusina at ilang sandali pa din ay dumating na sina Tita Minda at Tita Carlos. Oo nakikitita din ako. Bakit ba?

From the looks, mayaman na mayaman talaga ang dating nila. Akala mo eh ang susungit nila pero wag kayo, baliw din yang mga yan kagaya ni Ate. Si Tita Minda yung jolly type. Masayahin, palatawa, kalog pero may pagka prangka. Seryoso siya when it comes to business. Si Tito Carlos naman may pagkabossy. Well palabiro then siya pero to be honest hindi naman nakakatawa. Sinisipa nlng ako ni Kuya para tumawa. Heh ang plastic nito! Well whatever!

Nagsimula nadin kaming kumain. Usap naman sila ng usap. Kadalasan about sa wedding preparations para next month. Ako naman nakikinig lang. Gusto ko laging kumakain dito eh. Angsarap ng mga luto eh. Hindi ko na din inintindi pa yung ibang pinagusapan nila. Basta kumakain ako, masaya ako. Bakit ba?


"I heard darating na daw si Rence mamaya." Nakuha nito ang atensyon ko at naki kinig na din ako. Sa pagkakaalam ko, si Rence ay yung younger brother ni Ate Leanne.

Nakatira siya sa States. Mukhang hindi ata niya palalampasin ang kasal ng ate niya.


Well laging kinukwento ni Ate Leanne sa akin si Rence. Magka edad lang daw kami tsaka ang gwapo daw niya. Wala nga lang siyang pic kay Rence kasi dw takot sa camera. Mabait si Rence pero masungit daw minsan. Moody kumbaga. At ang pinakamasay eh takot siya sa daga at isda. Abg arte naman! Ayaw na ayaw niya daw pinapakain siya ng isda. Ang sarap kaya ng isda. Arte naman. Pero grabe din kasi nung bata pa dw sila, siya daw yung laging nagtatanggol kay Ate pgka binubully siya nuon sa States. Kinuwwento naman ni Ate na mataba siya nung nagmove sila sa States kaya ayun laging napagtritripan ng mga kaklase niya. Kaya ayun to the rescue naman ang gwapo niyang kapatid. Kaya ako naman eto, may paglihim na pagtingin sa kanya. Bakit ba?

Ehhh sa naiimagine ko siya bilang prince charming ko. What the fuuckk! Ewhhhh yucksss. But whatever crush lang naman eh. Baka naman tsaka yung face niya. Pero ang ganda kaya ng lahi nila. Hihihi.


"Yes ma. Actually kahapon pa siya dumating eh. Kaya lang nag gala na naman. Alam mo na." Kwento ni ate Leanne.

Napatango nalang sina tita at tito. Uhh?


"And mom may good news" abot tenga pa yung ngiti ni Ate Leanne.


"Ano?" Sabay silang dalawa ni tito. Yung tataa? Bading c tito? Mom ang sinabi hindi dad. Hmfp!


"He's staying here for good."



--



My Tremendous JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon