Chapter 7

3 0 0
                                    

Chapter 7

Vera's POV

"Aray naman! Ang sakit kaya." Reklamo ko.

"Magtiis ka." Inirapan ko na lang siya. Pinagpatuloy niya naman din ang paggamot sa sugat ko. Ang sakit ah!

"ARAY! NANANADYA KABA?" PUTANGENERNS HA! Idiniin ba naman ang cotton sa sugat ko.

"Kung makasigaw ka kala mo ang layo ko sa'yo ha. Para kang may megaphone sa lalamunan." Inis niya ding sabi.

"AKO? MAY MEGAPHONE SA LALAMUNAN? HOY LALAKE--" hindi pa ako natatapos magsalita eh inunahan niya na ako.

"HOY BABAE, COULD YOU SHUT THE FVCK UP?" Makasigaw sha dyan. Iumpog ko siya sa pader eh.

"EH KUNG AYOKO?" mataray kong tanong.

"Kung ayaw mo? Edi I'll make you shut up, the Rence Klei Printon's way." Then he grinned at me.

"May pa Rence Klei Printon's way kapang nalalaman diyan. Mukha mo." At binelatan ko siya. Ang kapal ng mukha ng kumag.

Napikon ata kaya umakyat papuntang hindi ko alam.

Nandito ako ngayon sa bahay niya. Kung bakit? Ganito yung nangyare.

*flashback*

*boogsh*

Napasapo ako sa pwet ko. Anak ng.

"IKAW NANAMAN?" Sabay naming sabi.

"Aminin mo, sinadya mo akong banggain noh? Kupal ka talaga." Inis kong simag sa kanya. Shet! Ang tuhod ko. Pag ako nagkaroon ng peklat, nako uupakan ko talaga tong lalaking to.

"Hoy Ms. Ignacio, ikaw nga tong hindi tumitingin sa daan kaya binangga mo ako." Sabi niya sabay tayo. Bwisit, wala mn lang siyang galos, kabantot! Pinagpag na niya yung sarili niya at tada malinis na ulit siya. Ganun lang yun?

"Hiyang hiya naman ako sa tumitingin sa daan kaya nakabangga sa akin." Sarkastiko kong bulyaw sa kanya. Kalbohin ko siya eh.

"For your information, tumitingin ako sa dinadaanan ko. Tumayo ka nga dyan, para kang batang nakaupo sa daan. Hindi ka naman baby-face." Aba sumusobra na siya ah. Bwisit, nasan ka ba Zachary? Pag nalaman kong umuwi ka at hindi moko hinanap nako lagot ka sa akin.

Itinayo na niya yung bike niya at tinignan niya ako.

"ANO?" makatingin siya diyan kala niya close kami. Heh!

"Ano uupo ka na lang ba diyan?"

"Oo. Bakit may pake ka?" Shoo ka na shoo! Alisss!

"Wala naman. Mukha ka lang kasing tanga." Sabay sakay sa bike niya at nang mawala na siya sa paningin ko, tinignan ko ang kanang tuhod ko.

Dumudugo ito at napakahapdi. Hinihipan ko ito ng sa ganon ay mabawas bawasan ang sakit. Tumingin tingin din ako sa paligid at sa kasamaang palad, wala akong nakitang ni isang nilalang.

Sinubukan kong tumayo at sa kadahilanan na wala akong masandalan, natumba ako ulit. Napatingin ulit ako sa humahapdi kong tuhod. Anak ng bike. Paano ako makauuwi nito. Magbabayad ka talaga Mr. Prinston!

Twenty minutes has passed at ni isang anino ng tao ay wala akong nakita. Well, nakita ko naman ang anino ko pero hindi yon counted sapagkat isa akong dyosa. Kinakagat na din ako ng mga lamok. Ang beautiful skin ko. Shoo mga lamok! Hindi tayo friends.

Im losing hope na may makakakita pa sa akin. Inaantok na din ako. I look helpless. Damnit.

*beep beeeeppp*

My Tremendous JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon