Chapter 5: Victoria

19 6 0
                                    

BDPhoenix20 :) Hi!
Scarlett's POV

Andito kami ngayon sa school grounds. Hinihintay namin si Gideon pumasok sa eskwelahan. Ang tagal talaga ng lalaking iyon. Parang bakla.

“Scarlett? Carrie?”
Isang lalaki ang nasa harap namin ngayon. Napangiti ako ganun parin siya. 

“Haron? Ikaw nga! Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang pumasok? Haha.”
Pagbati Ni Carrie na parang isang batang may candy.

“Ayos lang ako. Kamusta ka na Scarlett? Transferee ka pala.”
Nakangiti nitong sabi.

“A-ayos lang ako. ”
Patigil tigil kong sagot. Kinakabahan ako na ewan.

“Balita ko kaklase ka rin namin? Ano ayos ba?”

“Ahhhhhh........ Oo. S-siguro.”
Siguro nga. Bukod sa napaka-misteryo nila. Wala ng dahilan para ma-question ang katangian nila.

“Masasanay ka rin.”
Sagot nito.

Masanay? Bakit masanay? Hindi ba nababago ang ugali sa sarili?

“Ahem.”
Paubo-ubo ni Gideon.

“Oh Gideon.Andyan ka na pala. Ang tagal-tagal ka naming hinintay. Tara na sa classroom.” Sabi ni Carrie.

Dumiretso na kami sa classroom kasabay si Haron.

Dumating narin Ang professor ng ilang saglit nung pumasok kami. Nagdiscuss narin ito ng tuloy-tuloy.

Sa kabilang dako, wala sila Demi at ang barkada nito. Siguro'y late ito o kaya naman hindi papasok. Tahimik parin ang mga kaklase namin katulad ng dati.Pakiramdam ko wala silang pakialam sa isa't isa. Isang grupo ba ito? O paksyon?

Nanatili lamang ang tingin ko sa bintana. Ewan ko ba kung ilang beses lamang ako nakikinig sa discussion, isa ba o dalawa? Ewan ko sa sarili ko. Palagay ko maraming kailangang isipin,kilatisin at tuklasin sa Micheldeke Academy. Simula noong unang araw. May namatay na. Ang masaklap pa, estudyante ang may kapakanan. Wala narin akong balita sa tatlong guro. Ang tanong hinalungkat ba ito ng pulisya? Malamang hindi. Niha niho, wala.

“Scarlett, ayos ka lang ba?”
Pagtatanong ni Haron na nasa tabi ko lamang.

“Oo. Medyo malalim lang itong iniisip ko.”

“Ano bang iniisip mo? ”
Pagtatanong nito ng may ngiti. Kahit kailan, hindi nakakasawang titigan ang matatamis na ngiti ni Haron.
“W-wala.”
Pagtanggi ko. Hindi ko siguro maaring sabihin kay Haron. Wala siya noong araw na iyon. Kaya't sa palagay ko, hindi niya ito maiintindihan.

“Sige na. Ikwekwento mo lang naman eh.”
Pangungulit nito.

“Wala talaga, Haron.”
Sagot ko.

“You sure? ”
Pangungulit nanaman nito. Minsan naiisip ko parang bata si Haron sa mga sinasabi niya. Pero hindi ganun ang isip niya.

“Sinabi na ngang ayaw niya eh! Ba't ba ang kulit mo!?”
Sabat Ni Gideon na may halong inis.

“Chill. Hindi naman masamang mangulit eh.”
Sagot ni Haron kay Gideon.

“Tss.”
Sabi ni Gideon.

“Gideon,Haron and Scarlett! No talking at my class! Out of the house!!! ”
Sigaw ng professor namin.

Lumabas kaming tatlo at naghintay sa tapat ng pintuan.

“About what you did. I'd like you to search these following keywords from the library. I want it to be finish by tomorrow morning.  EIGHT of the morning.”
Sabi ng professor sabay about ng isang folder.

“Yes,Mam.” sabay naming sagot at umalis na ito.

“Gawin na natin ito after class. ” sabi ni Haron.
Tumango naman kami ni Gideon at bumalik sa loob ng classroom.

--

Demi's POV

Andito ako sa rooftop kasama ang mga kabarkada ko.  Bakit? Magtatambay.

“Asan si Victoria? Diba sabi ko dapat absent tayo sa klase ngayon?” pagtatanong ko sabay irap. Ano nanaman bang inatupag ng babaeng iyon!? Porket nangunguna siya sa klase ganito na siya sa barkada!? Mga paepal talaga.

“Tss. Malamang, study first.”
Sagot ni Clark. Boyfriend ko.

“Tumahimik ka nga! Naiinis na ako!”  sagot ko.

“Demi, ang boring naman dito. Wala ka bang cigarette dyan?” sabi ni Yeri ang conyong nakakainis.

“Shut up! Kung gusto mong manigarilyo! Gumawa ka ng yosi mo!”Sagot ko ito. Nakakainis na ha. Isa pa. Itatapon ko sila sa baba ng buhay!

“Huminahon ka Demi. Kanina ka pa eh.” sagot ni Renn.

“Arghh! Bahala kayo! Mga panira ng araw!” sagot ko sabay alis. Nakakainis na sila.

Scarlett's POV
Andito kami ngayon sa library. Ginagawa na namin nina Gideon at Haron ang mga pinapagawa sa among takdang aralin. Naghati-hati kami ng hahanapin upang mapadali na kami sa ginagawa.

Andito ako ngayon sa literature. Medyo dulo ang lalagyanan nito kaya't nahihirapan ako dahil walang ilaw.

Naglakad ako sa madilim na corner ng library. Medyo mahaba rin ang mga shelves sa dami ng librong nakalagay.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad gamit ang maliit na ilaw sa cellphone ko. Naglalakad ako tuloy-tuloy ng naging kabado ang pakiramdam ko dahil sa palagay ko may tumitingin sa akin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makapunta ako sa dulo. Sa dulo? M-malayo na ako sa literature area ah? Kaya't bumalik ako sa literature area. Ngunit ngayon naman, hindi lamang tingin. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Itinigil ko Ang paglalakad ko at tumigil rin ito. Pinagpatuloy ko naman at gayundin ito. Pakiramdam ko sinusundan lamang ako nito kaya't binilisan ko pa. Pero ngayon naman lakad-takbo na ang ginagawa ko. Pero ngayon ay tumatakbo na ito. Kaya't binilisan ko pa hanggang hinihingal na ako.

“Scarlett okay ka lang?”
Tanong ni Haron.

“Oo. Okay lang ako.”
Sagot ko.

Tumingin ako sa likod ngunit wala na ito. Hindi ito lumabas sa literature area.

Ipinagpatuloy na namin ang pinapagawa sa amin pero this time, mas maingat. Mas lalong pinapabilis ng puso ko Ang tibok nito dahil sa takot na dala ng pangyayari kanina.

Victoria's POV
“Victoria,iha. Pwede bang ilagay mo ito sa storage room? Marami kasi akong ginagawa.”
Sabi ni Mam at hinarap sa akin ang bundle bundle na papel.

“Okay po,Mam.”
Binuhat ko ang mga papel na iyon at nilabas sa office Ni Mam.

Tinahak ko ang madilim na hallway papuntang Gahenna Building.  Pinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang Gahenna building hanggang natutong ko ang hallway nito.Medyo madilim ang hallway. Sa sobrang dilim ay pakiramdam kong may kasama akong hindi nagpapakita. Patuloy akong naglalakad sa hallway nito. Bawat yapak ay may tulo ng pawis paibaba. Ang mga pintig ng puso ko ay hindi maabutan sa sobrang kaba. Hanggang natungtong ko na and dulo nito kung saan nakalokasyon ang storage room. Pumasok ako sa loob nito at ipinatong ang mga papel sa isang kahon at lumabas agad dahil sa sobrang init sa loob. Patuloy ako sa paglalakad paalis ng Gahenna Building ng may narinig akong halakhak ng isang babae sa isang kwarto.

“Hahahahaha!!!”
Mas lalong tumindi ang pagtawa nito na mas lalong ikinatayo ng mga balahibo ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. Kaya't tumakbo na ako ng mabilis hanggang hindi ko na maabot ang hininga ko sa pagod. Sa sobrang pagmamadali, napatid ako at nadaplisan ang tuhod ko at sumigaw sa sakit.

“Sino iyan!?”
Galit na tono ng isang babae. Ginuyod nito ang nanginginig kong kaliwang paa na mas lalong nagpanginig sa paa ko. Agad ko namang sinipa ang kanang paa nito na nagpabitaw ng pagkakahawak nito sa kabilang paa ko. Kumaripas ako ng takbo ngunit ginuyod naman nito Ang buhok na naging dahilan upang maharap ko ito sa mukha. Kinakabahan ako dahil tinignan nito ako saglit at nakita ang mukha  ko dahil sa liwanag ng buwan. Tumapat naman ang liwanag sa mukha nito. Nagpumiglas ako at tumakbo ng mabilis palabas ng Gahenna building.

“VICTORIA!!!”
Sigaw nito .K-kilala niya ako? Agad naman akong nag patuloy sa pagtakbo at dumiretso palabas ng eskwelahan. Halos hindi ko na maabutan ang hininga ko dahil sa kaba at pagod sa pagtakbo sa mga sandaling ito.

The Art Of Killing ( On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon