TTGWNSMW 1

136 4 1
                                    


To the guy who never saw my worth,

Naalala mo ba dati? Diba hindi tayo magkasundo nun? Pag magka-group tayo at may isa-suggest ako lagi kang against. Pag tayo yung ipe-pair sa mga contest tinatanggihan mo. Pag magkasama tayo di mo ako pinapansin. Bakit? Bakita ka ganon? Alam mo ba na kahit di ko pa naririnig yung boses mo, kahit di pa tayo nag ka usap, nagkakaroon na ako ng 'mini heart attack'.

Naalala mo ba nung time na hindi ko sinasadyang makita kang umiyak sa likod ng school? Yung inabot ko sayo yung panyo ko pero di mo tinanggap? Nung tinanong kita kung bakit, sinigawan mo ako. Ayokong isipin na ayaw mo sakin. Kasi nasasaktan ako. Mas masasaktan ako.

Eh nung nilibre kita ng ice cream? Naalala mo? Favorite mo yung Ube kaya yun yung binili ko sayo. Pero bakit di mo tinanggap? Wala namang lason yun eh. Sobra kitang gusto para lasunin lang.

To the guy who never saw my worth, kelan mo ba ako mapapansin? Yung hindi lang puro mali ko yung makikita mo. Yung hindi lang yung mga katangahan ko. Sobrang sakit na kasi minsan. Minsan, gusto ko nang umayaw. Kaso bigla kong naiisip, anong aayawan ko? Ikaw? Eh ikaw nga ayawm mo saken eh.

Sana mapansin mo ako. Sobrang sakit kasi. Alam kong di mo ako pinaasa pero umasa parin ako. Ni hindi ko nga naramdaman na interesado ka saken eh. Pero alam mo, kahit sobra na kong nasasaktan handa padin akong magpaka tanga sayo. Hindi ko alam kung bakit. Pero yun talaga sinasabi ng puso at utak ko.

Alam kong wala kang pakealam sakin o kahit ibigay ko pa sayo tong sulat nato. Ang gusto ko lang is yung mapansin mo ako. Kaya lang naman ako nagpapaka tanga kasi naniniwala ako na isang araw, mapapansin mo din ako. Hindi na ako magiging stalker mo. Dahil ako na yung palagi mong kasama.

Sana, sana may patutunguhan tong mga luha ko, pagpapakatanga ko, yung sakit na nararamdaman ko. Sana may makuha ako.

Handa akong sumugal. Kahit ano itataya ko para sayo. Gagawin ko yun kahit alam kong aayaw ka pag nalaman mo na ako ang kalaro ng tadahana mo. Ng tadahana natin. Pero wala na akong pakealam. Ang gusto ko lang ay yung mapansin mo.

Sana mapansin mo na ako. Sana mapansin mo yung pagiging maalaga ko sayo. Sana mapansin mo yun. Kasi sobrang tagal ko nang nagpapapansin sayo.

Sana isang araw pag makita mo'ko ngingiti ka na. Sana isang arawlag nakita mo'kong umiyak yayakapin mo'ko. Sana isang araw maging isang importanteng tao ako sa buhay mo. Sana isang araw di na ako masaktan nang dahil sayo.

To the guy who never saw my worth, Im worth it. Trust me. Give me your attention. I'll prove you that Im worth the risk in this game for two. I'll prove you that all my foolishness is worth it for this game for two. I'll show you how worthy I am.

To the guy who never saw my worth, Im worth it.

To The Guy Who Never Saw My Worth...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon