To the guy who never saw my worth,
Di ko gustong sirain kung ano man yung meron kayo. Di ko gustong mawala siya sayo. Di ko ginustong saktan ka.
Niligtas lang kita sa mga manloloko. Nilayo lang kita sa mga makakasama sayo. Minahal lang kita.
Di ko akalain na dahil lang sa gusto kitang protektahan, makakabitaw ka ng mga masasakit na salita saken. Di ko inakala na dahil lang sa kanya kaya mo akong saktan. Di ko akalain na Kaya mong ipagpalit yung sobrang tagal nating samahan para sa ilang buwan niyong samahan lang. Di ko inakala na kaya mo akong ipagpalit sa kanya.
Sana pinabayaan na lang kita. Pinabayaan na lokohin, paglaruan, at saktan. Sana hinayaan ko na lang na mag mukha kang tanga. Sana di na lang kita pinakealaman. Baka sakali pag yun yung ginawa ko at nasaktan ka, maaalala mo ako at mabibigyang halaga. Dapat pala ganon na lang.
To the guy who never saw my worth,
Sorry kung mahal kita. Sorry kung dahil sa pagmamahal kong yun masasaktan ka. Sorry.
Di ko naman sinasadya e. Di ko naman akalain na aabot tayo sa ganitong punto.
To The guy who never saw my worth, I should've let her make fun of you instead of protecting you.
BINABASA MO ANG
To The Guy Who Never Saw My Worth...
HumorHere's a letter of realization for the guy who never saw my worth.