To the guy who never saw my worth,
Okay naman tayo dati a? Diba? Palagi tayong magkasama, masaya, nandiyan tayo para sa isa't-isa. Hindi pa nga tayo nag-aaway diba? Masaya lang palagi.
Kaso dumating siya. Hindi na tayo nakakapag-bonding, palagi na lang tayong nag-aaway, di na tayo nagpapansinan. Hindi ko na nga nakita yung mga matatamis mong ngiti e. The smile that could light up this whole town.
Okay lang naman sakin yun e. Kasi kahit papano nakikita kitang masaya. Mahal na mahal mo siya e. Sino ba yung hindi sasaya pag kasama nila yung taong mahal nila? Kiatang-kita ko pa nga kung gaano mo siya kamahal e. Ang sarap mong panoorin na masaya. Pero masakit dahil nasa piling ka niya at hindi sakin.
Nung iniwan ka niya, nung nawala siya sayo, para ka na ring nawala. Hindi ka na ngumingiti, tumatawa, ang suplado mo pa nga e.
When she left, I was there. When she made you cry, I was there. When she broke you, I was there. When she ruined you, I was there. Before, when, and after you met her, I was there. All along I was there and I will always be here.
Ano bang meron siya na wala ako? Bakit sobrang hirap sayo na mahalin ako? Kapag kasi ako yung minahal mo, hinding-hindi kita iiwan. Handa nga akong maging rebound basta sumaya ka lang ulit e.
To the guy who never saw my worth, I will never leave you even if it hurt af.
BINABASA MO ANG
To The Guy Who Never Saw My Worth...
HumorHere's a letter of realization for the guy who never saw my worth.