Chapter One
Of all the guys I've met, siya ang pinakakaiba. Don't get me wrong, hindi siya kasing gwapo ng Kuya ko but he is handsome in his own way. Hindi rin siya palangiti, hindi palakwento, ni hindi nga halos kumikibo. Mabait siya? Hindi rin. Snob nga,eh.
Lahat ng pagpapa-cute na ginagawa ko lagi niyang dini-deadma. Minsan nga naisip ko baka kailangan na niyang palitan ang salamin niya kasi parang hindi niya makita ang kumakaway kong--ehem, kagandahan.
O 'di naman kaya bakla lang talaga siyang nagkukubli. Siguro nga bakla siya kasi para sa akin hindi siya normal. Like hello, marami ang nagsasabi na nasa akin na ang lahat. Marami akong manliligaw na bigtime kaya lang wala naman akong feel sagutin sa kanila. Kasi naman pare- pareho lang naman sila.
Nakakatawa lang kasi umabot ng taon ang pagpapa-cute ko sa kanya pero lagi naman akong bigo. Nagpunta na 'ko ng Italy, nanatili nang matagal, nag-pursue ng career, gumawa ng pangalan, bumalik ng Pilipinas, nagbakasyon sandali, makikita ko siya, mari-realize ko na na- miss ko siya nang sobra pero siya, parang tulad lang ng kahapon. Deadma.
Nakakapikon siya, ha. Grabe!
At ako naman 'tong si engot, hindi man lang nagsasawa. Siya pa rin kahit marami naman diyang iba. Inuubos ba niya ang pasensiya ko? Palay na nga 'tong lumalapit siya pa 'tong may ayaw?
Aba, kapag ako napikon pasensiyahan na lang kami dahil gagamitan ko na talaga siya ng dahas!
Sino ang tinutukoy ko? Si Mang Tomas. My Kuya's Assistant.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/6927086-288-k223758.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]
RomanceBasahin na habang hindi pa nabubura. Forgive the errors. Tamad na kasi akong mag-edit, eh. Hehehe. Jennica almost got everything a girl could wish for. Beauty, brains talent and fortune. She's a happy-go-lucky girl, at imposibleng walang lalaking ma...