My Kuya's Assistant by LittleRedYasha
Chapter Thirty- Six
LUMAPIT ako para umawat sa kanila pero mabilis akong pinigilan ni Johann na sabog ang mga labi.
"Stay away, Jen, baka madamay ka pa."
"No!" sabi ko at tinabig siya."Thomas, stop it!"
Patuloy pa rin sa pagsuntukan ang dalawa. Natataranta na 'ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Tama na 'yan sabi!"
Nang bumagsak si Bruce ay mabilis akong pumagitna para pigilan ang tangka na namang pagsugod ni Thomas dito.
Wala na. Nagkandalitse-litse na. Kasalanan ko 'to. Ako ang dapat sisihin dito.
"Thomas, ano ba? Tama na sabi, eh!" sigaw ko.
"Who the hell is this guy, Johann?" galit na tanong ni Bruce nang alalayan itong tumayo ni Johann.
"Bruce, I can explain. Come on, umalis na muna tayo dito," sabi naman ng isa.
"Johann, I'm so sorry. Hindi ko ginusto 'to, believe me," sabi ko naman na maiiyak na.
"Bakit ka nagsu-sorry, Jen? Ikaw na nga ang niloko ng taong 'yan!" galit na sabi ni Thomas.
Hindi ko ini-expect na ganito pala magalit si Thomas. He almost killed these two.
"Ano ka ba naman, Thomas? Naturingan kang abogado pero ikaw 'tong naunang manggulo! Nanapak ka pa!"
"Bakit ba sa'kin ka nagagalit? Siya ang nanloko sa'yo, Jen!"
"Hindi mo naman kasi naiintindihan, eh!"
"Pinagtatanggol mo pa siya?" aniyang matalim ang tingin sa 'kin.
"Umalis na tayo, Thomas!" sabi ko at hinawakan siya sa braso.
Binalingan ko naman ang dalawa.
"I'm really sorry, Johann. Please mag-usap tayo pagkatapos nito."
"Sige, Jen. Call me."
Naaawa ako sa dalawa lalo na kay Johann. Kasi naman eh. Bakit ba nagreact nang ganun si Thomas?
"Johann, what the hell is going on?" tanong naman ni Bruce.
Hinila ko na si Thomas palabas ng coffeeshop nang harangan kami ni Thomas ng manager.
"Teka lang po. Pa'no naman 'yong damage na ginawa nitong kasama niyo?"
"I'm sorry po, Miss, ito na lang," kumuha ako ng maliit na papel sa bag ko at inabot sa kanya."Calling card ko 'yan. Tawagan niyo 'ko mamaya. I'll pay all the damages. Pasensiya na po sa abala."
Kinaladkad ko na si Thomas palabas ng coffeeshop at dumiretso sa kotse niya.
"Magdrive ka papuntang apartment mo," pautos kong sabi at tuloy- tuloy na sumakay.
Hindi siya kumibo at pumwesto na sa driver seat.
Marahas akong napabuntong-hininga. Can somebody tell me this is not happening?
Tumingin ako sa labas habang nasa biyahe kami to indicate na ayoko siyang kausapin. Honestly, I don't know what to say to him.
NANG makadating kami sa apartment niya, hindi ko na siya hinintay at tuloy-tuloy na bumaba ng kotse.
Sinusian niya ang pinto ng apartment at saka ako tuloy- tuloy na pumasok.
"Talk to me, Jen," sabi niya at bigla ko siyang hinarap.
"Nasaan ang first aid kit mo?"
"Kukunin ko lang sa kwarto."
"Hindi, ako na," putol ko at tinalikuran siya.
***
Hala, Thomas, lagot ka. Nyahaha.
-LittleRedYasha
BINABASA MO ANG
My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]
RomantikBasahin na habang hindi pa nabubura. Forgive the errors. Tamad na kasi akong mag-edit, eh. Hehehe. Jennica almost got everything a girl could wish for. Beauty, brains talent and fortune. She's a happy-go-lucky girl, at imposibleng walang lalaking ma...