Chapter Three
"Jack, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko tatanggapin yan?"
Kainis, ha. Pikon na pikon na talaga ako sa lalaking ito. No'ng isang araw, flowers, kahapon, chocolates, ngayon naman stuffed toy! Argh!
"Lagi mo na lang tinatanggihan ang mga binibigay ko sa'yo. Chance lang naman ang hinihingi ko sa'yo, Jen."
"Jack," sabi ko at napahugot ng malalim na paghinga."let's just be friends." At pumasok na 'ko ng classroom.
"Ano na naman ang ginawa mo at laglag na naman ang balikat n'ong tao?" tanong agad sa akin ni Chippy pag-upo ko pa lang.
"Nakakapikon na siya, eh. Ilang beses ko nang sinabi na ayokong magpaligaw kahit na sino tapos sige pa rin siya!" inis kong sagot.
"Eh ano ba naman kasi ang ayaw mo ro'n kay Jack? He's cute, he's cool, and he's famous!"
"Wala. Akong. Pakialam. Basta ayoko sa kanya. Ayoko kahit kanino."
Si Thomas lang ang gusto ko! Argh! With feelings 'yon.
"Hindi naman siguro magagalit ang Kuya mo basta hindi lang niya malalaman."
Tuturuan pa 'ko ng babaeng 'tong magsinungaling. Bangasan ko kaya 'to? Mas magaling pa 'kong magsinungaling kay Chippy, kung tutuusin.
"Chippy, Kuya's right. Kapag twenty-one na lang ako magpapakilala ng boyfriend sa kanila. And besides, may naghihintay na sa 'kin," sabi ko at ngumisi.
Nanlaki ang mga mata niya. Ang babaeng ito talaga basta pwedeng pag-chikahan gano'n lagi ang reaksiyon.
"Really, Jen? OMG! Sino, sino? Ahh!" tili niya.
"Ano ba, quiet ka lang," saway ko naman.
"Ano ang name niya? Mas cool pa ba siya kay Jack at sa mga varsity players dito sa school?"
"Uhm..." Napaisip ako.
Cool nga ba si Thomas?
"He's not cool, Chippy. He's hot. At saka lawyer na siya and he works for our company."
"Awts, so taray!"
"Kaya tulungan mo 'kong itaboy lahat ng mga suitors ko. Seloso pa naman 'yon," sabi ko at napahagikhik kaming dalawa.
Galing ko gumawa ng kwento. Nyahaha.
***
SKETCH, sketch, sketch and perfect! Natapos ko na rin ang isa sa mga dini-design kong sapatos. Hobby ko na ito. Namana ko raw kay Mom sabi ng mga relatives namin ang galing since renowned shoe designer si Mom mula noon at hanggang ngayon.
Ang plano ko nga kapag g-um-raduate na 'ko ipu-pursue ko itong hobby kong ito as a profession.
Nasa sala ako nang pumasok ang aking hero kasunod ng katulong. Oh, ang saya kong makita siya. Just the sight of him makes my sugar rush. Bakit kaya siya nandito? May iniutos kaya si Kuya sa kanya? Kailan naman kaya siya pupunta dito na ako naman ang ipinunta niya?
In my dreams. Psh.
"Thomas, hi!" I greeted sweetly.
Pero siya? As usual, tipid lang na ngiti ang tugon. Ganunpaman, hindi iyon nakabawas sa pagkagusto ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/6927086-288-k223758.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]
Storie d'amoreBasahin na habang hindi pa nabubura. Forgive the errors. Tamad na kasi akong mag-edit, eh. Hehehe. Jennica almost got everything a girl could wish for. Beauty, brains talent and fortune. She's a happy-go-lucky girl, at imposibleng walang lalaking ma...