My Kuya's Assistant Finale

24.3K 424 126
                                    

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha

*Final Chapter*

MAINGAT niya 'kong ibinaba sa kama at umuklo sa harap ko para hubarin ang sapatos ko.

"T-Thomas, you don't have to do that," pigil ko.

"Sige na," sabi naman niyang hindi ako pinakinggan.

Napabuntong- hininga na lang ako. Sa sobrang pagod, ayoko na munang makipagtalo.

"Gusto mo bang manatili ako sa tabi mo para maging okay ka?"

May kung ano'ng kumurot sa puso ko. Mariin akong napapikit. Yes, Thomas, I want you by my side not just now but I don't think you'd want forever.

"You don't have to, Thomas. Hindi na tayo katulad ng dati. Matanda na 'ko. I'm not a nineteen year-old girl any more," malamig kong sabi.

And the Liar Award goes to Jennica Astrid Trias.

"Okay," tapos tumayo na siya."But I'm still hoping you'll give me the chance na pakinggan ang mga gusto kong sabihin sa 'yo, Jen."

Lumabas na siya ng kwarto ko at maingat iyong isinara.

No, I don't think so. Alam ko na rin naman ang sasabihin niya, eh. Magsu-sorry lang siya nang paulit- ulit at masasaktan lang ako ulit.

"JENNICA, nagkausap ba kayo ni Sandy?"

"Kuya, is something wrong?" tanong ko din.

Tinawagan niya 'ko habang may ka-meeting akong organizer and he sounded frustrated.

Ngayon ang araw ng engagement ni Kuya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa niyang ituloy 'yon kung si Sandy naman ang mahal niya.

"Hindi ko siya ma-contact, eh. Nang umuwi ako sa condo, wala na ang mga gamit niya."

"Ha?!" gulat na anas ko."Magkita tayo sa House of Fifi, Kuya!"

Hindi kasi maganda ang kutob ko.

Tama nga ang kutob ko. Wala na rin si Sandy sa House of Fifi. Nagresign siya ayon kay Fifi at umuwi daw sa kanila sa probinsiya. Naiyak ako.

Akala siguro niya si Kuya lang ang iniwan niya.

Tiningnan ko si Kuya na hawak ang iniwang sulat ni Sandy.

"Kuya, bring Sandy back! She can't just go! You love her, right? Please Kuya, do something.. ."

Mabilis na kinuha ni Kuya ang cellphone niya at nagdial.

"Thomas, book me a flight. Now."

AGAD na kumulo ang dugo ko nang makita ko sa loob ng restaurant ang taong sadya ko.

But I took a deep breath at kinalma ang sarili ko at humakbang palapit sa table na kinaroroonan niya.

Ngumiti ako nang pagkatamis- tamis.

"Buti nga sa probinsiyanang 'yon. Ang taas kasi ng pangarap. If I know wala naman siyang pinagkaiba sa mga hopeless na gold diggers!" tapos nagtawanan sila ng kaibigan niyang mukhang mural dahil tadtad ng make up ang mukha.

Ang kapal. Tapos nakita niya 'ko.

"Jennica!"

"Leilah!"

"Fancy meeting you here."

"Sinadya talaga kita."

"Really? Are you sorry na hindi tuloy ang engagement namin ng Kuya mo? Siya naman kasi mas pinili niya 'yong probinsiyanang 'yon over me."

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon