Chapter Thirty- Nine

15.5K 190 2
                                    

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha

Chapter Thirty- Nine

"MOM, sa dinami-dami ba naman ng pwedeng sumundo sa 'kin bakit siya pa? Driver na rin pala siya ngayon?" mahina kong tanong kay Mom habang nasa biyahe na kami.

Alam ko namang hindi niya maririnig ang pag-uusapan namin kasi naka-earphones siya.

Like ngayon ko lang siya nakitang nag-earphones in history.

"Hindi available ang driver, eh. Tsaka nag-volunteer siya, sino ba naman ako para tumanggi? A lawyer and a driver he is," nakangising sabi ni Mom.

I made face. Si Mom talaga niloloko ako. Si Thomas magbu-volunteer? Aishu!

"Hindi ka naniniwala? Gusto mo tanungin pa natin siya?" sabi pa ni Mom.

"Wag na po," mabilis kong sabi.

NANG dumating na din kami sa bahay, parang nawalan ako ng ganang bumaba, ewan ko ba.

Si Mom naman kaagad na bumaba para sabihan ang mga katulong na kunin ang mga ilan kong gamit.

Sumunod na lang din ako dahil pagod nga ako at kailangan kong magpahinga sa kwarto ko. I missed my room but I think I missed Thomas more.

Nagulat na lang ako nang pag-ikot ko at nakita ko na lang si Thomas sa harap ko. Naestatwa ako lalo pa nang magtagpo ang mga mata namin.

Umiwas ako pero hinarangan niya ako. Shocks, Thomas pwede ba? Kaunti na lang aatakehin na 'ko!

"What?" sabi ko sa iritadong boses.

"I missed you. I hope hindi ka na galit sa 'kin," sabi niya at agad akong tinalikuran.

Napamaang ako. Walang hiyang lalaking 'to, pagkatapos akong sabihang nami-miss niya 'ko bigla na lang akong tatalikuran? Grr!

I MISSED Fifi and Sandy kaya naman binisita ko sila sa House of Fifi.

"Hi, Sandy!"

Mahigpit kaming nagyakap na dalawa. Na-miss ko nga ang bet kong sister-in-law pati na ang angelic face niya. Hay.. .

"Na-miss kitang sobra, Jen," sabi niyang pilit pinasigla ang boses.

She's not as vibrant as she used to before. Alam ko naman ang rason.

"Excited na 'kong i-organize ang openning ng store. Sayang at wala si Johann para naman makapagpasalamat ako sa kanya."

"Excited na rin ako para sa'yo."

"Siyangapala, na-miss kong magsuot ng mga creations niyo ni Fifi. Iba pa rin talaga ang touch niyo, eh!" tapos lumapit ako sa mga stand ng mga dress."I was thinking, magdisplay din kaya kayo ng mga creations niyo sa magiging store namin? Para naman kapag nakabili ng mga sapatos 'yong customers, pipili na lang din sila ng paparisang damit."

Kinuha ko ang isang pink na dress. Masyadong girlie para sa 'kin. Ah, itong black na lang.

"How about this one? Do you think kakasya?" tanong ko kay Sandy.

Anyare? Bakit tulala siya?

"Earth to Sandy!" sabi kong iwinagayway ang dress sa harap niya.

"Ano 'yon, Jen?" aniyang natauhan.

"I see, something's been bothering you, right?"

"I'm so sorry, Jen,"

"Sandy, two weeks pa bago ang engagement. Kayang-kaya pa nating pigilan 'yon,"

"Wait, natin?"

"Oo. Tutulungan kitang i-sabotage 'yon. I told kuya I would burn the venue the last time we talked. I don't give a damn about Arson!"

"Kayang-kaya ka namang ipagtanggol ni Thomas kapag nangyari 'yon, eh."

"At bakit naman siya papayag na maging abogado ko?" tanong kong napataas ang kilay.

"Magbo-volunteer pa nga siya,eh."

Hindi napigilan ang ngiting naglaro sa mga labi ko.

"Sinabi niya mismo? Kailan naman?"

"Basta ayokong ipahamak mo ang sarili mo para tulungan ako, Jen."

"Then ano naman ang plano mong gawin, pabayaan na lang siya?"

"Mas bagay sa'yo ang red," tapos tinalikuran niya 'ko.

"Did Thomas really say na nag-volunteer siyang ipagtanggol ako?"

"Oo naman,"

"I can't wait na manunog ng venue ng may venue. Yey!"

Wahaha. Parang baliw lang? Eh kung si Thomas ba naman ang magiging abogado ko, eh, kahit ano'ng kaso pa ang isampa nila sa 'kin.

But wait, bumabalik na naman ako sa pagkahibang ko sa kanya. Churva ka, Jennica, ha.

KAYA din ako dumalaw do'n ay para yayain si Sandy na samahan ako sa store. Tapos na daw kasi 'yon. Excited na nga 'kong makita at paghandaan ang magiging openning nu'n.

Naglunch muna kami at tinawagan ko ang driver para sunduin kami.

"In fifteen minutes, nandito na ang driver," sabi ko.

Katatapos lang naming kumain nang dumating ang driver. Ay mali, si Thomas pala.

"Thomas," sambit ni Sandy at tumingin sa akin. I managed na blangkuhin ang expression ko.

"Nasaan 'yong driver?"

"Ako ang maghahatid sa inyo sa store. Kasama ng Dad nila ang driver,eh," tapos sa akin naman siya tumingin.

Gone is his formality and I kind of ...love it.

"Tara na, Jen?" tanong naman ni Sandy sa 'kin.

"Yeah, sure," parang walang anumang sabi ko at nagpatiuna na.

Sa likod ng kotse pumwesto si Sandy. Tatabi sana ako sa kanya kaso pinigilan niya 'ko.

"Do'n ka na sa unahan. Ang pangit naman, magmumukhang driver si Thomas," sabi niya.

Napailing na sumakay ako sa tabi ni Thomas.

"Let's go," pormal na sabi ko.

"Your seatbelt, Jennica," pansin pa ni Thomas.

"Hindi na kailangan,"

"Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinusuot 'yan,"

What the? Daig niya pa Daddy ko, ah!

"Edi ikaw magsuot sa 'kin,"

Napasinghap ako nang umusog siya palapit sa akin na halos gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin at isinuot ang seatbelt ko.

Hoy, nandiyan kaya si Sandy sa likod, 'no!

"Now, let's go," iritang sabi ko.

Kainis! Si Thomas lang talaga ang may kakayahang ganituhin ang puso ko!

***

Fine. Bitin kung bitin! Hahaha.

-LittleRedYasha

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon