Dedicated to @Zzzzz13 and @badqurl22.
Ewan ko ba. Palagi na lang bitin mag-update si Author kaya sana po be understanding. Hihi. Kasi naman busy-busy-han na lang palagi. Ang hirap maging estudyante kasi.
***
My Kuya's Assistant by LittleRedYasha
Chapter Thirty- Three
KUMUHA ako at sinubuan nga siya. Nahagip pa ng tingin ko ang mga napapatingin sa direksiyon namin pero keber.
Laway mo, laway ko, laway natin 'to. Nyahaha.
Para kaming tunay na magsyota. Lalo tuloy akong ginanahan kumain.
"Thank you," sabi ko.
"For what?"
"Para dito. Hindi ko pa nasusubukan ang ganito buong buhay ko. And this experience is just amazing."
"You don't mind kahit hindi ito kasing romantic katulad ng gusto niyo?"
"Not at all. Sa tingin ko nga mas romantic pa 'to, eh. Mas enjoyable. At higit sa lahat libre mo."
We both chuckled. Tapos napatitig siya sa 'kin.
"Why?" tanong ko.
"Wala," sabi niyang umiling.
"Sabi ko na nga ba gandang- ganda ka sa 'kin, eh."
Natawa na naman kami pareho.
NAGPASYA kaming maglakad- lakad pagkatapos naming kumain habang hinahawakan niya ang kamay ko. Ay hindi, ako pala ang humahawak sa kamay niya. O sige na nga magkahawak-kamay kaming dalawa.
"Kuya, Ate, bili na po kayong bulaklak," sabi ng isang batang lalaki na nagtitinda ng mga rosas.
"Bata, ano'ng oras na bakit hindi ka pa nakakauwi?" tanong ko naman.
"Kailangan ko pang ubusin 'tong mga bulaklak, Ate, para may pambaon kami ng mga kapatid ko."
Kawawang bata naman ito. Delikado na para sa kanya ang magbenta ganitong oras.
"Magkano ba 'yang bulaklak mo?" tanong naman ni Thomas.
"One hundred po. Bilhin niyo na po lahat. Tatatlo na lang naman po, eh. Sige na po. Tiyak na hinihintay na 'ko ng mga kapatid ko."
Nahabag ako sa bata. Ang mura pa ng edad pero naghahanap- buhay na. Ang swerte pala namin ni Kuya kasi kahit kailan hindi namin 'to dinanas kahit minsan.
Dudukot na sana ako ng pera nang magsalita si Thomas.
"Sige, bibilhin ko na lahat."
Tapos inabutan niya ng pera ang bata.
"Thank you po, Kuya! Ang bait mo naman!"
"Umuwi ka na agad, ha?"
"Opo!"
"Ito idagdag mo na 'to, o," sabi ko naman at inabutan siya ng buong limang daan.
"Thank you din, Ate Ganda! God bless po sa inyong dalawa!"
Tapos tumakbo na siya palayo.
"Kawawa naman 'yong bata," sabi ko.
"Tingin ko may pangarap 'yong batang 'yon," sabi naman ni Thomas."Kasi hindi siya magbabanat ng buto nang maaga kung wala."
"Tama ka."
"For you."
Nagulat ako nang inabot niya sa 'kin ang tatlong rosas.
"T-talaga, akin na lang?"
"Ayaw mo?"
"May sinabi ba 'ko?" sabi ko naman at inagaw sa kanya ang mga bulaklak."Thank you, Thomas."
"You're welcome."
Naglakad-lakad uli kami hanggang sa makalapit kami sa live band na nagpe-perform. Napahinto kami at nakinig.
"Ako'y alipin mo kahit hindi batid. Aaminin ko minsan ako'y manhid..."
Napangiting napatingin ako sa mukha ni Thomas.
"Sana ay iyong naririnig. Sa'yong yakap ako'y nasasabik..."
Awkward na napatingin din siya sa 'kin.
"What?" tanong niya.
"Wala."
Nananadya talaga itong si destiny. Sa lahat ba naman ng kantang maririnig namin ngayong gabi, o. Pinatapos lang namin 'yong kanta at naglakad ulit.
"Jen, gusto mo bang kumain ulit?" tanong niya maya-maya pa.
"Hmm? Kumain ng?"
"Street food."
"Street food?"
"Tara."
Hinila niya 'ko papunta sa isang kart ng street food.
"Ano naman ang mga 'yan?"
"Fish balls, tempura, 'yong maliit na orange kwek-kwek 'yan, at 'yong malaki naman tokneneng 'yan," paliwanag ng tindero.
"Masarap po ba?"
"Subukan mo, hija."
"Sige, try natin!" siko ko kay Thomas.
"ANG sarap, ang sarap-sarap!" sabi ko pa. Naupo kami ni Thomas sa isang bench malapit sa kart at kumain.
Actually, hindi ko na nga alam kung pang-ilang order na namin 'yon kay Manong. In-order namin lahat.
Parang bigla akong na-in love sa tempura at fishball. Nyahaha.
"Nguyain mong mabuti, ha. Sige ka, baka hindi ka matunawan niyan," biro sa 'kin ni Thomas.
Kwek-kwek naman ang pinapapak niya.
"Masarap talaga siya, pramis!"
"Masarap din naman 'tong kinakain ko. Subukan mo,"
Nagtusok siya sa stick at sinubuan ako. Masarap. May itlog.
"Itlog ng ano 'to?"
"Pugo."
"Masarap nga."
"Patikim nga din niyan," sabi naman niya.
Sinubuan ko din siya. Bakit yata nawiwili na kaming subuan ang isa't-isa? Nyahaha.
"GRABE, nabusog ako do'n!" sabi ko nang maglakad-lakad na naman kami para magtunaw ng kinain namin.
"Ang takaw mo kasi, eh," sabi naman niya.
"Hindi naman. Ngayon lang."
"Last na 'to, mag-balut tayo."
"Balut?"
Kamusta naman 'yong wala na kaming ginawa kundi ang kumain mula pa kanina?
"Ano 'to?" napangiwi kong tanong nang may makita akong itim na ewan sa shell.
"Sisiw 'yan."
"Sisiw?! Iww!"
"Masarap 'yan. Subukan mo."
"Parang ayoko yata. Gusto mo sa'yo na lang?"
"Sure."
Kinuha niya 'yong sisiw at tsaka idineretso sa bibig niya.
Iww lang, ha.
"M-masarap?"
"Oo naman."
Napalunok ako.
"Sige, sa susunod ita-try ko."
Wiw. All in all, masarap naman talaga ang balut. Well, except dun sa sisiw. Hihi.
***
Edi sana pala penoy na lang ang kinain niya. Hahaha.
But wait, sino ang familiar dun sa batang nagtitinda ng bulaklak? Hihi.
-LittleRedYasha
![](https://img.wattpad.com/cover/6927086-288-k223758.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]
RomanceBasahin na habang hindi pa nabubura. Forgive the errors. Tamad na kasi akong mag-edit, eh. Hehehe. Jennica almost got everything a girl could wish for. Beauty, brains talent and fortune. She's a happy-go-lucky girl, at imposibleng walang lalaking ma...