Chapter Thirty- Four

15.2K 181 14
                                    

Add niyo po si Jennica sa facebook! jtriasaguirre@gmail.com at paki-like na din po 'yong fan page nila na ThomJen. Hihi. Thank you po!

***

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha

Chapter Thirty- Four

NAPATINGIN si Thomas sa relo niya.

"Tara na. Magsa-start na pala," sabi niya.

"'Yong alin?" tanong ko naman.

"Basta," nginitian niya 'ko sabay hila sa akin sa kung saan.

Naglakad-lakad kami papunta sa isang park na maraming tao. Parang may event doon na ewan ko. Halos lahat couples. Hay naku. Couple nga din pala kami nitong kasama ko. Hihi.

It was exactly eight in the evening nang biglang nagcount down ang mga tao.

"3, 2, 1!"

Tapos napamaang na lang ako nang lumiwanag ang langit dahil sa mga nagputukang fireworks.

"Wow,"

Ang gaganda nila. Feeling ko ang roma-romantic ng lugar at hindi pwedeng hindi ka in love. Napatingin ako kay Thomas, who was intently looking at me.

"Ang ganda," I mouthed.

"Yeah," and he pulled me closer."Maganda ka talaga."

Pakiramdan ko parang tatalon ang puso ko mula sa dibdib ko. Sinabi niyang maganda ako!

"Totoo?"

He put his arms around me and claimed my lips. I closed my eyes and welcomed him.

PAGKATAPOS ng fireworks display ay iniuwi na rin niya 'ko sa bahay. Oo sa bahay. Muntik ko nang makalimutan na may bahay pala akong dapat uwian. Sumakay kami sa taxi at kinuha sa apartment niya 'yong kotse niya tapos saka niya 'ko hinatid sa bahay.

"Good night, Thomas. I really had a great time. Maraming-maraming salamat," sabi ko.

"Lalo na 'ko, Jen. I'm glad nag-enjoy ka. Good night."

"Ulitin natin. Joke," kinalag ko na ang seatbelt ko."Bye."

Bababa na sana ako nang hawakan niya 'ko sa braso ko. Pagtingin ko sa kanya, sinalubong ako ng mga labi niya.

Ito talagang si Mang Tomas ang hilig mangsurprise. Nyahaha.

"Forgive me, Jen. You're not mine pero hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka kapag nalalapit ka sa 'kin. Johann will make a good partner for you. I believe he can make you happy. I want you to be happy. If you need me, nandito lang ako. Kapag sinaktan ka niya, hintayin mo 'ko sa tabi mo."

Thomas...kung alam mo lang.

I managed to smile and slightly punched him on his arm.

"Dadaigin mo pa si Kuya, ah?" biro ko. "Aasahan ko na hindi ka aalis sa tabi ko kung ganun. See you. And thank you dito sa flowers."

Ngumiti lang siya.

Bumaba ako ng sasakyan at kumaway pa sa kanya bago ako pumasok ng gate.

Hah. One of the best days of my life.

Na- LSS yata ako sa kantang napakinggan namin kanina kaya hina-hum ko iyon habang paakyat ako ng hagdan.

"Jen-jen."

Halos mapatalon ako nang tawagin ako ni Mom na galing sa kabilang kwarto.

"Mom? Gising ka pa?" gulat na tanong ko.

"Hinihintay kita, hija. Ano'ng nangyari sa date niyo ni Thomas?" ngiting-ngiting tanong niya.

"Mom?"

"Uyy, magkukwento na 'yan.. ."

"Mommy naman, eh.. ."

Ngayon alam niyo na kung kanino ako nagmana ng kakulitan. Hindi ako nakahindi kay Mom. Kahit pagod na 'ko ay nagkwento pa rin ako sa kanya. Kung hindi ko lang mahal 'tong si Mommy ko, eh.

"HI, bakla!" excited na salubong ko kay Johann nang dumating na siya sa coffeeshop.

"Grabe ka, mujer. Babae ka ba talaga? Ikaw pa ang naghihintay sa 'kin. Kaloka," ani Johann.

"Hindi naman. Siguro masyado lang akong excited magkwento. Hihi."

"Pasensiya na. Traffic kay aga-aga. Ano na ba pag-uusapan natin? Excited na din akong makinig sa kwento mo, eh."

"Johann..." impit akong napatili."Ang saya-saya ng date namin kagabi. He was so amazing. It was more than romantic!"

"Uhuh. Sabi nga ng sparkling eyes mo. O, magsimula ka sa chapter one ng kwento. We have all day."

"HI, Cassidy! What's up?"

"Jenni! I almost thought you forgot about me!" exaggerated na sabi niya sa kabilang linya.

"Oy, hindi naman sa ganun! I've been busy these past few days just checking the improvement of our soon-to-be store."

"And with your all-around sauce. Admit it."

Umirap ako kahit hindi naman niya nakikita.

"Yeah, you're right!"

"Any improvement?"

"I don't know if you could call this an improvement but Thomas and I are good friends now. We went out on a date and we kissed, Cassey. Can you believe it?"

"Good friends only? Are you sure?" nanunukso niyang tanong.

"I'd rather be friends with him than being ignored."

"I think you're right. But if he had kissed you more than a couple of times, he must be feeling something deeper."

"Seriously?"

"Believe me, Jen. Who could ever resist that beauty of yours?"

"Well, he told me I'm beautiful. Like finally."

"Then you must doing a good job in making him fall for you. You know what, just keep it up."

"Thanks, Cassidy. I surely will. And I missed you so much."

"I missed you, too. Come back soon and bring some good news!"

PAPUNTA kami ngayon ni Johann sa kompanya para imeet si Kuya. Nagcome up na kami kasi sa estimates ng mga gagastusin sa pagpapaayos ng store. Kung ako lang ayoko sanang gawin kasi nakakahiya kay Kuya na maglalabas pa siya mula sa personal niyang pera pero siya naman kasi mapilit, eh.

"Thomas must be really serious about running to your side whenever you need him," sabi pa ni Johann.

Napag-usapan namin si Thomas habang nasa biyahe kasi hindi imposibleng makita namin siya doon.

"I hope so. But I don't like the idea na hindi niya alam na sa kanya lang ako sasaya."

"Sa ngayon. Pagnagtagal, aamin din siya sa sarili niya. Kaunting patience pa. Sabi mo nga ipagpatuloy lang natin ang pagpapaselos set up. Pasasaan ba't magtatagumpay din tayo?"

"Sana magdilang-anghel ka bakla!"

***

Ipagdasal din natin na magdilang- anghel si Johann. Nyahaha.

-LittleRedYasha

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon